Vous êtes sur la page 1sur 13

Aralin 24

Impormal na Sektor
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula
Ang pambansang kaunlaran ay makakamit
lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor
ng ekonomiya at ang pamahalaan ay
magtutulungan. May bahaging ginagampanan
ng mga sektor ng agrikultura, industriya at
paglilingkod upang makamit ang pambansang
kaunlaran. Subalit, hindi masasabing kumpleto
ang pag-aaral ng ekonomiya kung hindi natin
maibibilang ang pagsusuri ng impormal na
sektor sapagkat maraming mga mamamayan
ang kabilang dito.
Impormal na Sektor
Ito ang sektor ng ekonomiya na salat o
walang pormal na dokumentong kailangan
sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-
ekonomiya.
Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI
naisasama sa kabuuang Gross Domestic
Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na
ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito
ay nasa 30%.
Katangian ng Impormal na Sektor
Hindi nakarehistro sa pamahalaan;
Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;
Hindi nakapaloob sa legal at pormal na
balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa
pagnenegosyo.
Impormal na sektor
Ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan
upang magkaroon ng kabuhayan o dagdag na kita sa
tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Ang
kawalan ng sapat na hanapbuhay at ang kahirapan ang
siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng
sitwasyon.
Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global
phenomenon. Gayumpaman, hindi maikakaila ang
kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa,
partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa
mga mamamayan.
Ibat ibang Anyo ng Impormal na Sektor
Gawaing maaring
isakatuparan sa loob
lamang ng tahanan

Ilegal na gawain tulad Impormal Gawaing pansibiko,


ng pagnanakaw, na kawanggawa at
piracy at prostitusyon. Sektor panrelihiyon

Mga sari-sari stores,


pagtitinda sa sidewalk,
paglalako ng kalakal at
serbisyo
Kahalagahan ng Impormal na Sektor

Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi


makapasok bilang mga regular na empleyado
sa isang kompanya.
Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming
Pilipino na makapaghanapbuhay.
Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang
may mahigpit na pangangailangan.
Malaki ang naitutulong sa mga konsyumer ang
mga kalakal at serbisyong mula sa impormal na
sektor dahil sa mura nitong halaga.
Dahilan ng Impormal na Sektor
Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan;
Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na
proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan
(bureaucratic red tape).
Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na
kung saan ang mga batas at programa ay hindi
naipapatupad nang maayos;
Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan
ng malaking kapital o puhunan;
Malabanan ang matinding kahirapan.
Epekto ng Impormal na Sektor sa
Ekonomiya
Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis Ito
ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa
kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng
pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.
Banta sa kapakanan ng mga mamimili - Ang mga
mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring
mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan.
Paglaganap ng mga ilegal na gawain Dahil sa
kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao
ay nauudyok na pumasok sa mga gawaing ilegal o
labag sa batas.
Pagbubuod:
Ang impormal na sektor ay sektor ng ekonomiya na
salat o walang pormal na dokumentong kailangan
sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya.
Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama
sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP).
Ang mga katangian ng impormal na sektor ay hindi
nakarehistro sa pamahalaan; hindi nagbabayad ng
buwis mula sa kinikita; at hindi nakapaloob sa legal
at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan
para sa pagnenegosyo.
PAGPAPAHALAGA

Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin


ng pamahalaan upang mabawasan ang
mga taong nagpupunta sa impormal na
sektor?
Tandaan:
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI inililimos!
References:
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Vous aimerez peut-être aussi