Vous êtes sur la page 1sur 31

Aralin 21

Sektor ng Agrikultura
Inihanda ni: Alvin B. Benavente
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI
inililimos!
Panimula
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin
ang kahulugan at palatandaan ng
kaunlaran. Kaugnay nito, ating
kikilalanin at aalamin ang kalagayan ng
mga sektor ng ekonomiya na batayan
sa pagsukat ng mga produkto at
serbisyo na nagagawa ng bansa,
gayundin ang kontribusyon ng mga ito
sa pagtatamo ng kaunlaran. Sisimulan
natin ang pagtalakay sa Sektor ng
Agrikultura.
Sektor ng Agrikultura
Ang agrikultura ay isang agham, sining
at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain
at hilaw na mga produkto, pagtatanim
at pag-aalaga ng hayop na tumutugon
sa pangangailangan ng tao.
Sektor ng Agrikultura
Humigit kumulang na 7,100 isla ang
bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at
dami ng mga lupain, napabilang ang
Pilipinas sa mga bansang agrikultural
dahil malaking bahagi nito ang
ginagamit sa mga gawaing pang-
agrikultura. Sa katunayan, malaking
bilang ng mga mamamayan ang nasa
sektor na ito ng ekonomiya .
Sub-sektor ng Agrikultura
Malaking bahagi ng ekonomiya ay
nakadepende sa sektor ng agrikultura.
Sinasabing ito ang nagtataguyod sa
malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang
lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura
upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain at mga hilaw na sangkap na
kailangan sa produksiyon.
Nahahati ang sektor ng agrikultura sa
paghahalaman (farming),
paghahayupan (livestock), pangingisda
(fishery), at paggugubat (forestry).
Paghahalaman
Maraming mga pangunahing pananim ang
bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tabako, at
abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas
ng bansa. Ayon sa National Statistical
Coordination Board (NSCB), tinatayang
umabot ang kabuuang kita ng
sekondaryang sektor na ito sa Php797.731
bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga
produktong palay, mais, at iba pang
pangunahing pananim ng Pilipinas.
Paghahayupan
Ang paghahayupan naman ay binubuo
ng pag-aalaga ng kalabaw, baka,
kambing, baboy, manok, at pato. Ang
paghahayupan ay nakatutulong sa pag-
supply ng ating mga pangangailangan sa
karne at iba pang pagkain. Ang
paghahayupan ay gawaing
pangkabuhayang kinabibilangan ng ating
mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon
ding mga pribadong korporasyon na nasa
ganitong hanapbuhay.
Pangingisda.

Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa


mga pinakamalaking tagatustos ng
isda sa buong mundo. Isa sa
pinakamalalaking daungan ng mga
huling isda ay matatagpuan sa ating
bansa. Samantala, ang pangingisda ay
nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal
at aquaculture.
Pangingisda.
Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri
ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na
may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para
sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo.
Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng
nasasakupan ng pamahalaang bayan.
Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa
loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at
gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng mga fishing
vessel.
Pangingisda.

Ang pangisdang aquaculture naman ay


tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga
isda at iba pang uri nito mula sa ibat ibang uri
ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish
(maalat-alat) at marine (maalat). Ang
aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa
kabuuang produksiyon ng pangisdaan na
umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012.
Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang
panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng
mga damong dagat na ginagamit sa paggawa
ng gulaman.
Paggugubat

Ang paggugubat ay isang pangunahing


pang-ekonomikong gawain sa sektor ng
agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating
mga kagubatan bagamat tayo ay
nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng
mga yaman nito. Mahalaga itong
pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at
veneer. Bukod sa mga nabanggit na
produkto, pinagkakakitaan din ang rattan,
nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at
dagta ng almaciga.
Kahalagahan ng Agrikultura

Nagtutustos ng pagkain
Nagbibigay ng empleyo
Pinagkukunan ng hilaw na
materyal
Tagabili ng mga yaring
produkto
Nagpapasok ng dolyar sa
bansa
Suliranin ng Sektor ng Agrikultura
Mataas na gastusin
Problema sa imprastruktura
Problema sa kapital
Masamang panahon
Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa
Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
Kakulangan sa pananaliksik at
makabagong teknolohiya
Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa
Mataas na Gastusin sa
Pagsasaka
Nalulugi ang mga nasa sektor ng agrikultura
sapagkat napakalaki ng kanilang gastusin
kung ihahambing sa kanilang kinikita
May mga institusyong pinansiyal tulad ng
bangko at kooperatiba na naglalayong
magpahiram ng kapital sa mga magsasaka
upang mapalago ang kanilang ani.
Problema sa
Imprastruktura
Inirereklamo ng maraming magsasaka ang
kakulangan ng mga daanan o farm-to-market
road upang madala nila ang kanilang mga
produkto sa pamilihan sa tamang oras
Karamihan sa ani ng mga magsasaka ay
madaling mabulok (perishable). Bumababa ang
halaga ng produkto sa pamilihan sa pagbaba ng
kalidad nito.
Mahalaga rin na may maayos at sapat na
imbakan o storage facility ang mga magsasaka
upang hindi mabulok ang kanilang mga ani tulad
ng bigas, bawang, sibuyas, at iba pa.
Problema sa Kapital
Bunga ng kakulangan o kawalan ng kapital,
sang mga magsasaka ay napipilitang
umasa sa sistema ng pautang o usury. Ang
mga usurero [nagpapautang] ay tinatawag
ding mga loan shark dahil sila ay
nagpapautang ng pera na may malaking
tubo.
Dahil dito, nababaon ang mga magsasaka
sa pagkakautang at hindi na tuluyang
nakaaahon.
Sa maraming pagkakataon, ang
pagkakautang na ito ay naisasalin mula sa
Masamang Panahon
Nasisira o lumiliit ang produksyon
ng sektor ng agrikultura tuwing
may tag-tuyot, malakas ng ulan at
mga bagyo.
Malawakang Pagpapalit-
gamit ng Lupa
Mula sa pagiging lupang agrikultural,
sumasailalim ito sa transpormasyon upang
maging pook-pasyalan, golf course, industrial
complex, at pook-residensiyal.
Ang unti-unting pagkawala ng mga lupang
sakahan ang isa sa maraming dahilan kung
bakit sapilitang nakikipagsapalaran sa
kalunsuran ang ibang magsasaka.
Ang lumiliit na sakahan at limitadong taniman
na natitira upang sakahin ng mga magsasaka
ay maaaring magresulta sa pagkaabuso sa
lupa at pagkaubos ng sustansiya nito.
Pagdagsa ng mga
Dayuhang Kalakal
Ang hindi pagtangkilik sa sariling
produkto ay lubhang nakaapekto
sa kalagayan ng sektor ng
agrikultura at ng mga taong
umaasa rito.
Kakulangan sa Pananaliksik
at Makabagong Teknolohiya
Nasa makalumang panahon pa rin
ang ating mga sistema sa
pagsasaka.
Iilan lamang ang may kakayahan
sa makabagong paraan at hindi
pa nga halos inaabot ng
modernong kagamitan sa
pagsasaka.
Monopolyo sa Pagmamay-
ari ng Lupa
Nananatiling pag-aari ng iilang landlord
ang mga lupain sa bansa.
Malaking bilang ng magsasaka ang
walang sariling lupang binubungkal.
Sa halip na pakinabangan nila ang
kanilang ani, tumatanggap lamang sila
ng kakarampot na suweldo nna
karaniwang hindi sapat para ipantustos
sa mga pangunahing pangangailangan
ng kanilang mag-anak.
Batas Republika Blg. 6657
ng 1988
Kilala sa tawag na Comprehensive
Agrarian Reform Law (CARL) na
inaprobahan ni dating Pangulong
Corazon Aquino noong ika-10 ng
Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na
ito ang lahat ng publiko at pribadong
lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob
sa Comprehensive Agrarian Reform
Program (CARP).
Batas Republika Blg. 6657
ng 1988
Ipinamamahagi ng batas ang lahat ng
lupang agrikultural anoman ang tanim
nito sa mga walang lupang magsasaka.
May hangganan ang matitirang lupa sa
mga may-ari ng lupa. Sila ay
makapagtitira ng di hihigit sa limang
ektarya ng lupa. Ang bawat anak ng
may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya
ng lupa kung sila mismo ang
magsasaka nito. Ang pamamahagi ng
lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon.
Batas Republika Blg. 6657
ng 1988
Hindi sakop ng CARP ang ginagamit
bilang:
liwasan at parke
mga gubat at reforestration area
mga palaisdaan
tanggulang pambansa
paaralan
simbahan
sementeryo
templo
watershed, at iba pa
Sangay ng Pamahalaan na
Tumutulog sa Sektor ng
Agrikultura
Department of Agriculture (DA)
Gumagabay sa mga magsasaka ukol sa
makabagong teknolohiya at wastong paraan ng
pagtatanim.
Bureau of Fisheries and Aquatic
Resources (BFAR) Sinisikap na paunlarin
ang larangan ng pangingisda.
Bureau of Animal Industry (BAI)
Nangangasiwa sa larangan ng paghahayupan.
Ecosystem Research and Development
Bureau (ERDB) Nagsasagawa ng
pananaliksik sa ecosystem upang magbigay ng
siyentipikong batayan sa pangangalaga ng
Pagbubuod:
Ang agrikultura ay isang agham, sining at
gawain ng pagbubungkal ng lupa,
pagpoprodyus ng hilaw na mga produkto,
pag-aalaga ng hayop at poultry na tumutugon
sa pangangailangan ng tao.
Ang sektor ng agrikultura ay binubuo ng ibat
ibang industriya tulad ng pagsasaka,
paggugubat, paghahayupan,
pagmamanukan, at pangingisda.
Ang sektor ng agrikultura ay may
napakahalaga sa ating ekonomiya.
Pinagmumulan ito ng pagkain, hilaw na
materyales, at empleyo.
PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalagang sektor ng


ekonomiya ang agrikultura?
Sa iyong palagay, paano ka
makakatulong upang maitaguyod
ang sektor ng agrikultura?
Ipaliwanag.
Tandaan:
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI inililimos!
References:
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul
para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Vous aimerez peut-être aussi