Vous êtes sur la page 1sur 29

Aralin 1

Kahulugan at Pag-aaral ng Ekonomiks


Inihanda ni: NAR
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
YUNIT I
MGA PANGUNAHING KONSEPTO NG EKONOMIKS

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG

Bawat tao ay humaharap sa ibat ibang sitwasyon sa


araw-araw.

Kalimitan, magkakaiba ang kanilang mga karanasan


ayon sa kanilang mga kagustuhan at pangangailangan.

Ang kanilang pagtugon ay batay sa kanilang interes at


pinipili.

Sa kabila nito, hindi maikakaila na kaalinsabay ng


pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ay
nahaharap sila sa suliranin na dulot ng kakapusan ng
pinagkukunang-yaman.
GAWAIN I . OVER SLEPT :Suriin ang
larawan sa ibaba:
PAMPROSESONG TANONG

1. ANO ANG IPINAPAKITA SA


LARAWAN ?

2.Naranasan mo na ba ang sitwasyong


katulad nito ? Sa anong uri ng sitwasyon ?
Ipaliwanag
3.Paano ka gumagawa ng desisyon kapag
nasa gitna ka ng maraming sitwasyon at
kailangan mong pumili ? Ipaliwanag
Araw-araw, ang tao ay laging
nahaharap sa sitwasyong
kailangan niyang pumili.

sitwason desisyon dahilan

Pinipili ng tao ang bagay na


nagdudulot ng labis na
kapakinabangan.
Gawain 2: THINK, PAIR, AND
SHARE

Suriin ang bawat aytem sa una at


ikalawang kolum. Pagpasyahan
kung ano ang pipiliin mo sa
Option A at B. Isulat sa ikatlong
kolum ang iyong desisyon at sa
ikaapat na kolum ang dahilan ng
iyong naging pasya. Option A
Option B Desisyon Dahilan
OPTION 1. OPTION 2 DESISYON DAHILAN
1.Pagpapatuloy Pagtratrabaho
ng pag-aaral sa pagkatapos ng
kolehiyo high school
2.Paglalakad Pagsakay ng
papunta sa tricycle
paaralan papuntasa
paaralan
3. Paglalaro sa Pagpasok sa
parke klase

4.Pakikipagkwe Paggawa ng
ntuhan sa takdang aralin
kapitbahay
5Pananaliksik Pamamasyal sa
sa Aklatan parke
Pamprosesong Tanong:

1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga


pagpipilian sa paggawa ng desisyon?

2. Ano ang naging batayan mo sa iyong


ginawang desisyon? Naging makatuwiran
ka ba sa iyong pasya?
PAKSA 1
KAHULUGAN NG EKONOMIKS
EKONOMIKS

Hango sa salitang Griyego = oikonomia


katumbas ng wikang Ingles na household.
(sambahayan buong pamilya )

Oikos = nangangahulugang bahay

Nomos= pamamahala

Salitang Griyego =oeconomicus=


tumutukoy sa prinsipyo ng pangangasiwa
ng pinuno.
EKONOMIKS

Ang pagsasagawa ng maraming gawaing


pantahanan ang nagbibigay-daan sa
paglaganap ng mga gawaing
pangkabuhayan na siyang pangunahing
konsepto ng pag-aaral ng ekonomiks.

Isang agham ng pag-aaral ng kilos at


pagsisikap ng tao at paraan ng paggamit
ng mgalimitadong yamanng bansa upang
matugunan angtila walang katapusang
pangangailangan ng tao(Ibid)
Kahulugan ng Ekonomiks
Ang ekonomiks ay pag-aaral kung paano
tutugunan ang walang katapusang
kagustuhan at pangangailangan ng tao sa
pinakamahusay na paggamit ng
pinagkukunang-yaman.
Nakatuon ito sa mapanuring pag-iisip at
pagtugon sa mga pangyayari o suliranin mula
sa tinatawag na economists perspective.
Sinisikap nitong mapalawak ang kakayahan ng
tao sa pagbuo ng matalinong desisyon.
Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan.
Kaisipan sa Pag-aaral ng
Ekonomiks
Ang kagustuhan at pangangailangan ng tao ay
walang katapusan.
Ang mga bagay na tumutugon sa kanyang
kagustuhan at pangangailangan ay may
hangganan.
Kailangang gumawa ng matalinong pagpapasya
upang matugunan ng tao ang kanyang
pangangailangan at kagustuhan gamit ang
kanyang limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang di-matalinong pagpapasya ng tao ay
nagdudulot ng suliranin ng kakapusan.
Ekonomiya at Sambahayan

Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang


ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon

Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring


nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa
pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at
ibang mga bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan
sa pamilya

Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang


mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin
ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan.
Mga Mahalagang Konsepto ng
Ekonomiks

1.Efficiency / kakayahan o husay


Masinop na pamamaraan ng paggamit sa
limitadong pinagkukunang-yaman upang
matugunan ang mga pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
Pangunahing tuon ng pag-aaral ng ekonomiks ang
paglago ng ekonomiya (economic growth) ng bawat
bansa.
2. Equality
Pantay-pantay ang mga karapatan ng tao at ang
distribusyon ng pinagkukunang yaman.
Ang yaman na mapapasakamay ng tao ay nakabatay sa
hirap at haba ng kanyang pagpapagod sa pagkamit
nito.
3. Sustainability
Ang paggamit ng mga pinagkukunang-yaman para
tugunan ang mga kasalukuyang pangangailangan at
kagustuhan nang hindi nanganganib ang kakayahan
ng susunod na henerasyon na tugunan ito.
4. Trade-off
ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang
bagay kapalit ng ibang bagay. Mahalaga ang
tradeoff, sapagkat sa pamamagitan nito ay
maaaring masuri ang mga pagpipilian sa pagbuo
ng pinakamainam na pasya.
Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?

Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon


ng mga choice.

5. Opportunity cost
ay tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best
alternative na handang ipagpalit sa bawat
paggawa ng desisyon .
Ang opportunity cost ng paglalaro sa naunang
halimbawa ay ang halaga ng pag-aral na
6.Marginal Thinking
sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang
halaga, maging ito man ay gastos o pakinabang
na makukuha mula sa gagawing desisyon.
Sa gagawing desisyon sa pagitan ng pag-aaral
at paglalaro, karagdagang allowance at mataas
na grade, ay masasabing maaaring maging
matalino sa paggawa ng desisyon ang isang tao.

7.Incentives insentibo
pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo
at pagbibigay ng mas maraming pakinabang sa
bawat pagkonsumo ng produkto o serbisyo.
Maaari ding mailarawan ang incentives sa
kung magbibigay ng karagdagang allowance ang
mga magulang kapalit ng mas mataas na marka
na pagsisikapang makamit ng mag-aaral.
Ekonomiks bilang Isang Agham
Panlipunan
Ang agham panlipunan - ay isang sangay ng
kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pag-
uugali ng tao habang siya ay nakikipag-ugnayan sa
kanyang kapwa at kapaligiran.

Isang displina ng agham panlipunan ang


ekonomiks. Nakatuon ang ekonomiks sa
pagsasagawa ng tao ng mga desisyon bilang
pagtugon sa suliranin ng kakapusan.
Ang Pamamaraang Siyentipiko

Paglalahad ng
Suliranin
Pagbuo ng hinuha
(Hypothesis)

Aktwal na
pagpapatunay o
pagsubok
Pagbibigay ng
kongklusyon

PAGLALAPAT
Dibisyon ng Ekonomiks

Ang ekonomiks ay nahahati


sa dalawang dibisyon:
1.maykroekonomiks at
2.makroekonomiks.
Maykroekonomiks
Ang maykroekonomiks ay tungkol sa galaw at
desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan. Ito ay tumitingin sa bawat
indibidwal na yunit sambahayan, bahay-
kalakal at industriya. Ang mga desisyon ng
bawat indibidwal ay napakahalaga sa pag-
unawa ng ekonomiya.
Makroekonomiks
Ang makroekonomiks naman ay
tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng
isang bansa. Sinusuri nito ang
pambansang produksyon pati na ang
pangkahalatang antas ng presyo at
pambansang kita. Ito ay tumitingin sa
kabuuan.
Paghahambing sa Dalawang Dibisyon
ng Ekonomiks

Dibisyon ng
Produksyon Presyo Kita
Ekonomiks

Maykro- Produksyon Presyo ng Distribusyon


ekonomiks ng bawat bawat kalakal ng kita ng
industriya bawat tao

Makro- Pambansang Kabuuang Pambansang


ekonomiks Produksyon lebel ng kita
presyo
Kahalagahan ng
MahalagaEkonomiks
ang pag-aaral ng ekonomiks
sapagkat makatutulong ito sa mabuting
pamamahala at pagbuo ng matalinong desisyon.
Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-
aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang


kaalaman sa ekonomiks upang maunawaan ang
mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa
mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
Maaari mo ding maunawaan ang mga batas at
programang ipinatutupad ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapaunlad ng ekonomiya
Bilang isang mag-aaral ay maaaring maging
higit na matalino, mapanuri, at mapagtanong sa
mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Maaari din
itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at
gawi sa pamaraang makatutulong sa iyong
pagdedesisyon para sa kinabukasan at
paghahanapbuhay sa hinaharap.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng ekonomiks?


2. Bakit dapat matutuhan ng isang mag-aaral
ang ekonomiks at ano ang kaugnayan nito sa
paggawa ng desisyon? Ipaliwanag.
Bilang Pagtatapos..

Ang pag-aaral ng ekonomiks ay


nakatutulong upang magkaroon ng
tamang pagpapasya at pagpili ang
tao.
PAGPAPAHALAGA

Mahalaga pa ba para sa mga


kabataan ang pag-aaral ng
ekonomiks? Bakit?
References:
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan Modyul
para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing
House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI

Vous aimerez peut-être aussi