Vous êtes sur la page 1sur 47

Mga Isyu at Hamong

Pangkasarian

Naomi Fontanos
Executive Director
Gender and Development Advocates (GANDA) Filipinas
www.facebook.com/gandafilipinas
www.twitter.com/gandafilipinas
www.facebook.com/NaomiFontanosPage
www.twitter.com/NaomiFontanos 1
Daloy ng Sesyon

Aralin 1 MGA ISYU Aralin 2


KASARIAN SA 11:15 11:30
10:15 11:15
SA LIPUNAN KASARIAN
AT LIPUNAN

TUGON SA MGA
ISYU SA KASARIAN
AT LIPUNAN

Aralin 3
2
11:30 11:45
Layunin

Matalakay ang tatlong aralin


kasama ang konsepto ng kasarian
(at sex) sa lipunan, mga isyu sa
kasarian sa lipunan at mga tugon
dito

3
CHECHNYA

4
#chechen100

Mahigit 100 pinaghihinalaang gay Chechen ang inaresto at


ikinulong sa mga concentration camp; marami ay biktima
ng EJK

Sila ay binubugbog at sumasailalim sa electric shock


torture

Pinipilit silang umamin bilang gay at isumbong ang iba


pang kakilala nilang gay o may kaibigang gay

Masasabing nag-uugat ito sa pananaw na may kinalaman


sa sex, kasarian, at gender roles
ARALIN 1: KASARIAN SA
LIPUNAN
SEX KASARIAN
Tumutukoy sa biyolohikal o Tumutukoy sa panlipunanng
pisyolohikal na katangian na gampanin, kilos, at gawain na
nagtatakda ng pagkakaiba ng itinatakda ng lipunan para sa
babae sa lalaki (WHO) mga babae at lalaki (WHO)

GENDER ROLES
Tumutukoy sa pamantayang panlipunan
(norms) na nagtatakda sa mga kilos o
gawaing mainam, katanggap-tanggap at
kanais-nais para sa isang tao batay
sa kanyang sex
6
Pag-iba ng kahulugan ng sex at
kasarian
Dati ay walang pinagkaiba ang kahulugan ng
sex at kasarian

Nagsimula noong 1950s sa mga sikolohista sa


Estados Unidos at Inglatera

Sex ay tumutukoy sa katangiang pisikal;


kasarian sa katangiang sikolohikal o pagkilos

Sex ay biyolohiya; ang kasarian ay impluwensya


ng kultura
Sex Kasarian
Ang babae ay may Sa Estados Unidos, mas
buwanang regla mababa ang kita ng babae
kaysa lalaki
May bayag ang lalaki Sa Vietnam, mas maraming
lalaki ang naninigarilyo
Ang babae ay may suso Sa Saudi Arabia, hindi
at ang suso nila ay may maaaring magmaneho
gatas ang babae
Mas malaki ang buto ng Sa maraming bansa, ang
lalaki gawaing bahay ay
ginagawa ng babae
Sex Kasarian
Biyo-pisyolohikal Sosyo-sikolohikal
Panlahat (universal) Kultural/nakatali sa kultura

Medyo hindi nababago Nababago

Kategorya - babae o Kategorya - feminine o


lalaki masculine

Katangiang pantay na Katangiang may tatak ng


pinahahalagahan inekwalidad o di-
pagkakapantay-pantay
PEMENISMO

-- ang organisadong pagkilos upang itaguyod ang


pagkakapantay pantay ng mga babae at lalaki sa
pulitikal, ekonomik, at kultural na larangan

-- layunin ng pemenismo ay ang pantay na karapatang


pantao ng lahat at proteksyon sa ilalim ng batas para sa
mga kababaihan

-- ito ay batay sa paniniwalang ang pang-aapi sa


kababaihan sa lipunan ay dulot ng patriyarka. Layunin ng
peminismo na wakasan ang patriyarka upang palayain
ang mga kababaihan, kalalakihan, at mga minorya
(LGBT, PWD, IPs, etc.)
PATRIYARKA
Isang hirarkikal na panlipunang sistema ng pag-iisip
kung saan ang dominasyon o pangingibabaw ng
kalalakihan sa kababaihan sa lipunan ay nagdudulot
ng lantarang di pagkakapantay-pantay sa pulitikal,
ekonomik, at kultural na aspeto ng buhay. Nasa
kamay ng mga kalalakihan ang kapangyarihan sa
lahat ng mahahalagang institusyong panlipunan at
mahirap itong makamtan ng mga kababihan. Hindi ibig
sabihin nito na ang mga kababaihan ay lubos na
walang kapangyarihan, o lubos na walang karapatan,
impluwensya o pagkukunang yaman.
MGA LINALABANAN NG
PEMENISMO
-- tutol sa biological determinism o ang kaisipang ang gawi o
kilos ng tao ay likas at ipinapasiya ng kanyang genes,
sukat at laki ng utak, o iba pang katangiang biyolohikal

-- Geddes at Thompson (1889) ang mga babae ay nagiimbak ng


enerhiya (anabolic) habang ang mga lalaki ay gumagamit ng
enerhiya (katabolic) kayat mas angkop sa pulitika at pagtugon sa
isyung panlipunan

-- 1970s, dahil sa buwanang regla, nagiging emosyonal ang mga


babae; hindi sila maaring maging piloto

-- dahil sa mas malaki ang corpus callosum ng babae, mas mahina


siya sa gawaing visual-spatial katulad ng pagbasa ng mapa
SABI NG PEMENISTA

Simone de Beauvoir,
Pranses na
intelektwal, pilosopo,
at manunulat. May
akda ng librong The
Second Sex na
nalimbag noong 1949.

One is not born


a woman, but
becomes one. 13
PEMENISMO SA IBAT IBANG PANAHON
Uri ng Panahon Adhikain
Peminismo
First Wave huling bahagi ng pantay na kontrata; karapatan sa ari-
ika-19 siglo at arian; paglaban sa pag-aari sa babae
simula ng ika-20 bilang asawa; karapatan sa pagboto o
siglo; Womens Suffrage Movement
industriyalismo
Second Wave 1960s 1990s kalayaan ng kababaihan o Womens
Liberation; pagwakas sa diskriminasyon
at sexismo; pagtaguyod ng karapatang
sibil at pulitikal ng kababaihan; CEDAW;
karapatang reproduktibo
Third Wave Gitnang bahagi postmodern o kritikal at interseksyunal
ng 1990s na pagtingin sa kasarian at sekswalidad
at ang kaugnayan nito sa lahi, uri,
sexual orientation, etc.
Fourth Wave Huling bahagi ng pagwakas sa karahasang sekswal, di-
1990s pataas pantay na sahod, ibat-ibang uri ng
opresyong panlipunan, etc.
GENDER ROLES SA PILIPINAS
Panahon Lalaki Babae
Pre-kolonyal Maraming asawa; Pagmamayari ng lalaki;
(Boxer Codex) maaaring makipag maaaring patayin pag
hiwalay sumama sa ibang lalaki;
maaaring makipag
hiwalay
Espanyol Mas malawak ang mga Limitado ang mga
karapatan karapatan; maaaring
sumama sa pag-aalsa
Amerikano Pareho sa itaas Hindi lang para sa bahay
at simbahan; karapatang
bumoto (plebesito noong
Abril 30, 1937)
Hapones Pareho sa itaas Bahagi ng pag-aalsa

Kasalukuyan Pareho sa itaas Maybahay o may karera;


mas malawak ang mga
karapatan
GENDER ROLES SA IBANG PARTE NG MUNDO
Rehiyon Bansa Babae
Kanlurang Asya Lebanon (1952) Nito lamang ikalawang bahagi ng
Syria (1949, 1953) ika-20 siglo nang payagang
Yemen (1967) makaboto
Iraq (1980)
Oman (1994)
Kuwait (1985, 2005)
Saudi Arabia Walang karapatang bumoto;
hindi maaaring magmaneho,
magbanko, makipagkita sa mga
lalaking di kapamilya, at lumabas
ng di takip ang buong katawan
maliban sa matat kamay

Afrika Egypt (1956) Nito lamang ikalawang bahagi ng


Tunisia (1959) ika-20 siglo nang payagang
Mauritania (1961) makaboto; maraming nabibiktima
Algeria (1962) ng female genital mutilation o
Morocco (1963) ang pagbabgo sa ari ng babae
Libya (1964) na walang benepisyong medikal
Sudan (1964)
SEX, KASARIAN AT PEMENISMO
-- sex ay ang biyolohikal na batayan (nature) ng
gender roles (nurture/culture); hindi nababago ang sex
pero maaring magbago ang gender roles (Gender is
socially constructed.)

-- ang sex (chromosomes, ari, hormones, katawan ng babae


o lalaki) ay ang pinagmumulan ng kultura sa pagbuo ng
gampanin, kilos, gawain, at mithiin ng tao na pinalalaganap
sa pamamagitan ng edukasyon, sosyalisasyon, media, at iba
pa

-- ang kasarian ay pagkakakilanlan (identity), o grupo ng


katangian o gawain na tinataglay ng isang tao dahil sa
kalikasan o kasanayan o pagkatuto na pinagmumulan ng di-
pagkakapantay-pantay (inekwalidad), diskriminasyon, o
panlipunang opresyon o pang-aapi.
Bidyo Tungkol Sa Pagiging
LGBT

Bawal Ang Pasaway

18
MGA TAONG LGBT SA LIPUNAN

a) lesbian/lebyana

b) gay

c) bisexual

d) transgender
ALPABETO NA SOPAS

LGBT/LGBTIQA

Inisyalismo para sa
Lesbian Gay Bisexual
at Transgender
(LGBT) or Lesbian
Gay Bisexual
Transgender Intersex
Questioning/Queer at
Allies
LESBIAN O LESBYANA

Isang babae na may


emosyonal at pisikal
na atraksyon sa kapwa
babae at kinikilala ang
sarili bilang lesbian;
Jane Lynch,
Amerikanang artista sa
Glee, isang palabas sa
telebisyon
GAY
Isang lalaki na may
emosyonal at pisikal na
atraksyon para sa
kapwa lalaki at kinikilala
ang sarili bilang gay.
Ginagamit din ang
salitang ito para sa mga
lesbyana sa labas ng
Pilipinas.

John Amaechi,
retiradong manlalaro ng
NBA
BISEXUAL
Isang tao na may
emosyonal at pisikal
na atraksyon para sa
lalaki o babae at
kinikilala ang sarili
bilang bisexual.

Lady Gaga
TRANSGENDER
Salitang naglalarawan sa mga
taong ang gender identity o
gender expression ay hindi
tradisyunal na kaugnay ng
kanilang sex assignment
noong sila ay pinanganak at
kinikilala ang sarili bilang
transgender;

Sila ay maaaring transsexual,


cross-dresser, o genderqueer

Justine Ferrer, ang unang


babaeng transgender sa
palabas na Survivor
Philippines
MGA TAONG TRANSGENDER

Cross Dressers o CDmga


taong nagbibihis gamit ang
damit ng kabilang kasarian.
Hindi nila binabago ang
kanilang katawan. Hal.Victoria
Prince, isang aktibistang CD sa
Amerika.

Genderqueersmga taong
itinatakwil ang gender binary o
ang konsepto na dalawa lang
ang kasarian. Minsathoseere are
only two genders. Naniniwala
ang ibang genderqueer na sila ay
walang kasarian (agender) o
kombinasyon ng kasarin
(intergender). Hal. Riki
Wilchins, isang manunulat.
MGA TAONG TRANSGENDER

Transsexualsmga taong ang


gender identity ay direktang
salungat sa kanilang sex
assignment noong sila ay
pinanganak. Marami pero
hindi lahat ng mga taong
transsexual ay binabago ang
kanilang gender expression at
katawan sa pamamagitan ng
hormone replacement therapy
(HRT) ay ibat ibang
operasyong na parte ng
prosesong tinatawag na
transition. Hal. BB
Gandanghari, artista at Balian
Buschbaum, atletang Aleman.
SA PILIPINAS
Marami nang mga Pilipino ang tumatawag sa
kanilang sarili bilang
Lesbian/Gay/Bisexual/Transgender

Mayroong mga katutubong salita para sa sexual


orientation at gender identity katulad ng bakla,
bayot, bantut, tomboy, lesbyana, tibo,
vakler beki, bekimon, atbp.

Mahalagang respetuhin ang pagtawag sa sarili


MAHALAGANG TANDAAN:
Gender identity (pagkakakilanlang pangkasarian): malalim na
damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa
sex niya nang siyay ipanganak, kabilang ang personal na
pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi,
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos (Ang Mga Prinsipyo Ng Yogyakarta)
Sexual orientation (oryentasyong sekswal): kakayahan ng
isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring
katulad ng sa kanya (homosexual), iba sa kanya
(heterosexual), o kasariang higit sa isa (bisexual) (Ang Mga
Prinsipyo ng Yogyakarta)
TRADISYUNAL NA PAGTINGIN
Sex Lalaki Babae Sexismopagtinging
Assignment
ang isang kasarian ay
nangingibabaw sa iba
Gender Lalaki Babae Heterosexismoang
Identity pagakalang lahat ng tao
ay heterosekswal at
Gender Masculine Feminine pagtalaga dito na likas
Expression
at normal na
sekswalidad ng lahat
Sexual Sa babae Sa lalaki
Orientation lamang lamang Homophobia/biphobia
transphobiapagturing
o pagtingin sa mga
taong LGBT ng masama
Awit Tungkol Sa Pagiging
Babae
Ang ating isip ay buksan
At lipunay pag-aralan,
Babae
Ang nahubog ninyong isipan
Awit ng Inang Laya At tanggaping kayoy mga libangan
Mga babae, ito nga bay kapalaran?
Kayo ba ang mga Maria Clara
Mga Hule at mga Sisa
Bakit ba mayroong mga Gabriela
Na di marunong na lumaban?
Mga Teresa at Tandang Sora
Kaapihay bakit iniluluha?
Na di umasa sa luhat awa?
Mga babae, kayo bay sadyang mahina?
Silay nagsipaghawak ng sandata
Nakilaban, ang mithiin ay lumaya.
Kayo ba ang mga Cinderella
Na lalake, ang tanging pag-asa?
Kayo nga ba ang mga Nena Bakit ba mayrong mga Lisa
Na katawan ay ibinebenta? Mga Liliosa at mga Lorena
Mga babae, kayo bay sadyang pangkama? Na di natakot makibaka
At ngayoy marami nang kasama?
30
Mga babae, ang mithiin ay lumaya!
ARALIN 2: MGA ISYU SA KASARIAN
AT LIPUNAN

Diskriminasyon - ang anumang pag-uuri, eksklusyon,


o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan

Karahasan karahasang nangyayari dahil sa di-


pantay na relasyong kapangyarihan at batayang
inaasahan base sa kasarian; mga gawaing nagdudulot
ng pisikal, mental, o sekswal na sakit kasama ang
pagbabanta, pamimilit, at pagsikil kalayaan. Ito ay
paglabag sa karapatang pantao at isang uri ng
diskriminasyon.

31
MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN
Ayon sa GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity,
Equality, Leadership, and Action), ito ang Seven Deadly Sins Against Women:

Pambubugbog/pananakit

Panggagahasa

Incest at iba pang sekswal na pang-aabuso

Sexual harassment

Sexual discrimination at exploitation

Limitadong access sa reproductive health

Sex trafficking at prostitusyon


MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN
Istadistika nga karahasan sa kababaihan:

Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng


pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang
nakaranas ng pananakit na pisikal.

6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na


seksuwal

Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang


nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa
kanilang mga asawa.

Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng


pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang
sarbey, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
MGA ISYU SA KASARIAN AT
LIPUNAN

-- kalayaang makapag-aral (Hal. Malala Yousafzai)

-- oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong


medikal, pabahay at maging sa edukasyon

-- panggagahasa laban sa mga lesbian; pagpatay


sa mga taong LGBT

-- domestic violence o karahasan sa loob ng


tahanan
ARALIN 3: TUGON SA MGA ISYU
SA KASARIAN AT LIPUNAN

Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay ang


aplikasyon ng mga batayang karapatang
pantao sa sexual orientation at gender identity.
Binuo ang 29 na karapatang pantao ng mga
eksperto noong Nobyembre 2006 sa
Yogyakarta, Indonesia.

Ito ay batay sa kaisipang LGBT rights are


human rights. (Ban Ki-Moon, dating Secretary
General ng United Nations)
35
Ang Mga Prinsipyo ng
Yogyakarta
Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG
PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa,
anuman ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na
ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.

Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA
DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon
nito, nang walang anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang
karapatang pantao. Ipagbabawal sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para
sa lahat.
36
Hunyo 2011 nagkaroon ang UN
Human Rights Council (UNHRC)
ng resolusyon para sa isang pag-
aaral ng mga paglabag sa
karapatang pantao base sa sexual
orientation at gender identity

2013 inilunsad ang kampanyang


UN Free and Equal

2014 nagkaroon ang UNHRC ng


resolusyong suportahana ang
pagkaka-pantay pantay ng mga
taong LGBT

June 2015 nagdesisyon ang US


Supreme Court para sa marriage
equality

2016 Nagtakda ang UN na isang


independent expert sa sexual
orientation at gender identity
CONVENTION ON THE ELIMINATION OF
ALL FORMS OF DISCRIMINATION
AGAINST WOMEN (CEDAW)

International Bill for Women

Inaprubahan ng United Nations noon Disyembre 18,


1979, niratipika noong Agosto 5, 1981 at ipinatupad
noong Setyembre 3, 1981

Internasyunal na kasunduan na tumatalakay sa


karapatang pantao ng mga kababaihan sa aspetong
sibil, political, kultural, pang-ekonomiya, panlipunan, at
pampamilya.

38
RESPONSIBILDAD NG PILIPINAS BILANG
STATE PARTY

1.ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang


nagdidiskrimina;

2.ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon


at maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan
maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilan
karapatan;

3.itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng ibat


ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon; at

4.gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga


isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan. 39
TUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay


isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan
at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag dito

Ang Magna Carta of Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008


upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan
at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga
pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o
CEDAW.

40
TUGON NG PILIPINAS SA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON

Nobyembre kada taon ay


isinasagawa ang 16 Days of
Activism to End Violence Against
Women habang kada Marso ay
ipinagdiriwang ang National
Womens Month Celebration.
Sa ibat ibang lugar naman ay may mga Anti-
Discrimination Ordinance o mga lokal na batas na
pinagbabawal ang diskriminasyon base sa sexual
orientation at gender identity. 41
42
http://pages.upd.edu.ph/ejmanalastas/policies-ordinances
Pagpasa Ng Anti-Discriminatin Bill

1999 Unang paghain ng


panukalang batas (18 taon)

Inihain muli sa ika-17


Kongreso

Maraming mambabatas na
sumusuporta nito sa
Kongreso habang ito ay
ihinain sa Senado ni Sen.
Risa
Bidyo Para Sa Anti-
Discrimination Bill

#LoveEquality
#PassADB
44
Huling mungkahi

Aralin ang mga isyung pang-kasarian; maaaring mag-


imbita ng eksperto at gumamit ng ibat ibang kagamitang
panturo tulad ng bidyo, awit, balita, etc.

Buksan ang isip at puso sa mga isyung pang-kasarian


dahil may kinalaman ang kasarian sa lahat ng aspeto ng
buhay

Ang pag-aaral sa mga isyung pang-kasarian ay parte ng


hakbang tungo sa mapagpalayang batayang edukasyon!
SLMBs 10-point agenda
enrich curricular reforms
on anti-illegal drugs,
reproductive health, and
disaster preparedness.

I invite everyone to work


with us at the
Department of
Education towards
realizing our shared
vision of quality,
accessible, relevant and
liberating education for
all.
46
Maraming
Salamat po!

47

Vous aimerez peut-être aussi