Vous êtes sur la page 1sur 21

Yunit I

Yaman ng Wika Natin, Halinat Tuklasin


Aralin 1

TEKSTONG
IMPORMATIBO
TEKSTONG IMPORMATIBO : PARA SA IYONG
KAALAMAN
Tinatawag ding EKSPOSITORI
Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon
Sinasagot nito ang mga batayang tanong na : ANO, KAILAN,
SAAN, SINO, at PAANO
Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig
Kaiba sa piksiyon, naglalahad ang impormatibong teksto ng
kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga
konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari
ILANG TIYAK NA HALIMBAWA NG
TEKSTONG IMPORMATIBO:

1) Biyograpiya
2) Mga impormasyon na matatagpuan sa
diksyunaryo, encyclopedia, o almanac
3) Papel-pananaliksik sa mga journal
4) Siyentipikong ulat
5) Mga balita sa diyaryo
KAHALAGAHAN NG PAGBABASA NG
TEKSTONG IMPORMATIBO

Napapaunlad nito ang iba pang kasanayang


pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala,
pagtukoy ng mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng impormasyon

Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong


impormatibo sa maagang edad pa lamang ng
isang mag-aaral
Mahalaga ang katumpakan ng mga nilalaman
at mga datos sa isang impormatibong teksto

Bukod sa katumpakan, mahalaga rin na


napapanahon ito at makakatulong sa pang
unawa tungkol sa isang mahalagang isyu o
uasaping panlipunan

Upang masiguro ang katumpakan ng isang


datos, mahalagang sumangguni sa mga
babasahin at iba pang pinagmulan ng datos
na pinagkakatiwalaan
IBAT IBANG URI NG TEKSTONG
IMPORMATIBO DEPENDE SA ISTRUKTURA
NG PAGLALAHAD NITO:

1) Sanhi at Bunga
2) Paghahambing
3) Pagbibigay-depinisyon
4) Paglilista ng klasipikasyon
Sanhi at Bunga - Ito ay estruktura ng paglalahad
na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari at kung paanong ang kinalabasanay
nagging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa
uring ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang
malinaw na relasyon sa dalawang bagay at
nagbibigay pokus sa kung bakit nangyari ang mga
bagay ( SANHI ) at ano ang resulta nito (
BUNGA).

Halimbawa:

Pagkaubos ng Yamang Dagat sa Asya


Sa halimbawang teksto, malinaw na ipinakita ang
suliranin sa pagkaubos ng yamang dagat na
maaaring maging bunga ng ibat ibang
kapabayaan ng tao gaya ng overfishing at illegal na
pangingisda. Dahil sa kinalabasan o bunga na
tinalakay sa teksto ay isang suliranin, kapansin-
pansin din na sa bandang huli ay nagbigay ito ng
mga posibleng solusyon kung paano maiiwasan
ang mga sanhi ng suliranin.
Aralin 2

TEKSTONG DESKRIPTIBO
Ang Tekstong Deskriptibo

Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa


isang larawang ipininta o iginuhit kung saan kapag
nakita ito ng iba ay parang nakita narin nila ang
original na pinagmulan ng larawan.

Subalit sa halip na pintura o pangkulay, mga salita


ang ginamit ng manunulat upang mabuo sa isipan
ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong
deskriptibo
Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang
ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang
bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o
anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay
sa imahinasyon ng mambabasa.

Mula sa epektibong paglalarawan ay halos


makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o
mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay
na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya
nabuo ang mga imaheng ito.
Madalas ding ginagamit ang iba pang paraan ng
paglalarawan tulad ng paggamit ng mga
pangngalan at pandiwang ginagawa ng mga ito
gayundin ng mga tayutay tulad ng pagtutulad,
pagwawangis, pagsasatao, at iba pa.
Karaniwang Bahagi lang ng Ibang Teksto ang
Tekstong Deskriptibo

Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng


tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa iba
pang teksto.

Bibihirang magamit ang tekstong deskriptibo nang


hindi kabahagi ng iba pang uri ng teksto.
Gamit ng Cohesive Devices o Kohesyong
Gramatical sa Pagsulat ng Tekstong Deskriptibo

Kinakailangan ang paggamit ng mga cohesive


device o kohesyong gramatikal upang maging mas
mahusay ang pagkakahabi ng tekstong deskriptibo
bilang bahagi ng iba pang teksto o kayay maging
mas malinaw ang anumang tekstong susulatin
Ang limang pangunahing cohesive device o
kohesyong gramatikal ay ang sumusunod:

1) Reperensiya ( Reference )
2) Substitusyon ( Substitution )
3) Ellipsis
4) Pang-ugnay
5) Leksikal
1. Reperensiya ( Reference) ito ang paggamit ng
mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa
pangungusap.
Maaari itong maging anapora
Sa halimbawang teksto, malinaw na ipinakita ang
suliranin sa pagkaubos ng yamang dagat na
maaaring maging bunga ng ibat ibang
kapabayaan ng tao gaya ng overfishing at illegal na
pangingisda. Dahil sa kinalabasan o bunga na
tinalakay sa teksto ay isang suliranin, kapansin-
pansin din na sa bandang huli ay nagbigay ito ng
mga posibleng solusyon kung paano maiiwasan
ang mga sanhi ng suliranin.
Sa halimbawang teksto, malinaw na ipinakita ang
suliranin sa pagkaubos ng yamang dagat na
maaaring maging bunga ng ibat ibang
kapabayaan ng tao gaya ng overfishing at illegal na
pangingisda. Dahil sa kinalabasan o bunga na
tinalakay sa teksto ay isang suliranin, kapansin-
pansin din na sa bandang huli ay nagbigay ito ng
mga posibleng solusyon kung paano maiiwasan
ang mga sanhi ng suliranin.
Sa halimbawang teksto, malinaw na ipinakita ang
suliranin sa pagkaubos ng yamang dagat na
maaaring maging bunga ng ibat ibang
kapabayaan ng tao gaya ng overfishing at illegal na
pangingisda. Dahil sa kinalabasan o bunga na
tinalakay sa teksto ay isang suliranin, kapansin-
pansin din na sa bandang huli ay nagbigay ito ng
mga posibleng solusyon kung paano maiiwasan
ang mga sanhi ng suliranin.

Vous aimerez peut-être aussi