Vous êtes sur la page 1sur 19

ARALIN 3

IMPORMATIBO
 Sa milyong impormasyon na makikita sa social media,
mahalaga ang matalas na pagtukoy ng isang
mambabasa kung ang impormasyong nababasa ay
tunay o huwad. Isang mahalagang kakayahan sa
pagbasa ang diskriminasyon ng datos, kung saan
tinutukoy kung makatotohanan o hindi ang isang tiyak
na impormasyon, o kaya ay kung makabuluhan o hindi
kailangang pagtuunan ng pansin. Ibahagi ang isang
karanasan kung saan pinaniniwalaan ang isang
impormasyong nabasa sa Facebook o Twitter ngunit
kalaunan ay natuklasang hindi naman pala totoo. I-
screen shot at i-print ang larawan, mensahe, o paskil
na nakuha sa anomang social media site at idikit ito sa
papel o notebook.
TEKSTONG IMPORMATIBO: PARA SA IYONG
KAALAMAN
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag
ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon.
Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano,
kailan, saan, sino, at paano.
Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na
matatagpuan sa tunay na daigdig.
Kaiba sa piksiyon, naglalahad ito ng kuwento ng mga tunay
na tao o nagpapaliwanag ng mga koseptong nakabatay sa
mga tunay na pangyayari.
 Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong
impormatibo ay biyograpiya, mga
impormasyon na matatagpuan sa
diksyunaryo, encyclopedia, o almanac, papel-
pananaliksik sa mga journal, siyentipikong
ulat, at mga balita sa diyaryo.
 Mahalaga ang pagbabasa ng mga
tekstong nagbibigay ng impormasyon
sapagkat napauunlad nito ang iba pang
kasanayang pangwika gaya ng
pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng
mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ng impormasyon.
 Ayon kina Jeanne Chall, Vicki Jacobs, at Luke
Baldwin (1990) sa kanilang pananaliksik sa
“The Reading Crisis: Why Poor Children Fall
Behind,” ang kakulangan sa pagtuturo ng
mga tekstong impormatibo ay nagdudulot ng
pagbaba sa komprehensiyon o kakayahang
umunawa ng ganitong teksto ng mga mag-
aaral.
 Kapag hindi nasanay ang mga mag-aaral sa
pagkatuto mula sa mga impormatibong
teksto sa mga unang baitang ng
elementarya, itinatakda nito ang husay nila
sa pagbasa pagdating ng ikatlong baitang.
 Ipinakikita nitong mahalaga ang pagbasa
ng mga tekstong impormatibo sa maagang
edad pa lamang ng isang mag-aaral.
 Upang mas madaling maunawaan ang anomang
tekstong impormatibo, kadalasang gumagamit
ang manunulat ng iba’t ibang pantulong upang
gabayan ang mga mambabasa na mabilis na
hanapin ang iba’t ibang impormasyon.
 Kabilang dito ang talaan ng nilalaman, indeks, at
glosaryo para sa mahahalagang bokabularyo,
mga larawan at ilustrasyon, kapsyon, o iba pang
uri ng palatandaan para sa mga larawan, graph,
at talahanayan.
 Mahalaga ang katumpakan ng nilalaman at
mga dataos sa isang impormatibong teksto.
Bukod sa katumpakan, mahalaga rin na
napapanahon ito at makatutulong sa pag-
unawa tungkol sa isang mahalagang isyu o
usaping panlipunan.
 Upang masiguro ang katumpakan ng datos,
mahalagang sumangguni sa mga babasahin
at iba pang pagmumulan ng datos na
mapagkakatiwalaan.
 May iba’t ibang uri ng tekstong
impormatibo depende sa estruktura ng
paglalahad nito.
 Ang mga estrukturang ito ay sa
pamamagitan ng pagtalakay ng sanhi at
bunga, paghahambing, pagbibigay-
depsinisyon, at paglilista ng
klasipikasyon.
 Pangkat I – Pag-uulat ng kalagayan ng
panahon.
 Pangkat II – Pag-iindorso ng isang produkto o
serbisyo.
 Pangkat III – Pakikipanayam sa Pangulo ng
Pilipinas tungkol sa nakaraang ASEAN Summit.
 Pangkat IV – Pagsasagawa ng isang “talk
show” tungkol sa naganap na Miss Universe
Pageant.
Kalinawan ng mga ideya

Tono at intonasyon
Kaangkupan
Oras ng presentasyon
 Sa isang buong papel, sumulat ng isang
tekstong impormatibo tungkol sa
paksang ito:
“Kahalagahan ng Panaliksik sa
Paaralan, Pamilya at Komunidad”.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang tekstong deskriptibo?
2. Magbigay ng mga halimbawa ng
tekstong deskriptibo.
3. Ano ang katangian ng tekstong
deskriptibo sa pananaliksik?

Vous aimerez peut-être aussi