Vous êtes sur la page 1sur 22

ALUSYON

Isang pamamaraang panretorika na


gumagamit ng “pagtukoy sa isang tao, pook,
katotohanan, kaisipan o pangyayari na
iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng
isang taong may pinag-aralan.”
( Alejandro)
Alusyon sa Heograpiya

Ang Mt. Apo ang itinuturing na


pinakamataas na bundok sa
ating bansa kung kaya ito ang
Mt. Everest ng Pilipinas.
Ang Enchanted Kingdom ang
Disneyland ng Pilipinas.
Alusyon sa Bibliya
Nagsilbi siyang isang Moses
ng kanyang lipi upang iligtas
ang mga ito sa kamay ng
mga mapang-aliping nais
sakupin ang kanilang bayan.
Alusyon sa Mitolohiya

Isa siyang Marte sa


pakikidigma.
Isa siyang David na
bumaka sa mga Goliath na
kapitalista sa bayan.
Alusyon sa Literatura

Walang alinlangang isa


siyang Ibarra na puno ng
pag-asang kanyang mailigtas
ang kanyang bayan sa isang
ideyal na paraan.
IDYOMA/
MATALINGHAGANG
PAHAYAG
 Mga di-tuwiran o di-tahasang
pagpapahayag ng gustong sabihin na
may pakahulugang patalinghaga.

 Ang mga ito ay nagpapakulay,


nagpapabisa at nagpapakahulugan
sa pagpapahayag.
Halimbawa
1. May gatas pa siya sa labi kaya hindi pa
pwedeng mag-asawa.
( bata pa )
2. Hindi siya sanay maglubid ng buhangin.
( magsinungaling)
3. Wala siyang inatupag ngayon kundi magsunog
ng kilay kasi magtatapos na siya sa
semestreng ito.
(mag-aral na mabuti)
4. Naghugas ng kamay si Poncio Pilato.
( umiwas magkaroon ng pananagutan sa
isang naganap na pangyayari. )
5. Iwasan mo ang maanghang na biro upang
igalang ka ng iyong kapwa.
( masasakit na biro)
6. Ang akala ko’y totoong lalaki. Natanso ako.
( nadaya, naloko)
TAYUTAY
Paglayo sa karaniwang
kahulugan ng mga salita
upang gumana ang
guniguni at gawing lalong
mabisa at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
MGA URI NG
TAYUTAY
1. Pagtutulad o simili
- payak at lantad na paghahambing
na karaniwang ginagamitan ng mga
salita’t pariralang katulad ng, tulad
ng, para ng, kapara ng, animo’y,
anaki’y, tila, kawangis ng , kagaya
ng, gaya ng at panlaping ga-, sing-,
kasing- at iba pa.
Halimbawa

 Ang hugis ng kanyang daliri ay tulad ng


hugis ng kandila.
 Ang sigaw ng bilanggo sa katabing muog
anaki’y atungal ng hayop sa yungib.
 Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang krus.
 Para siyang hinipang pantog nang huli
ko siyang makita.
Pagwawangis/
metafor
Tahasan o tuwirang
paghahambing
Hindi na ginagamitan ng mga
salita o pariralang tulad ng,
gaya ng, kawangis at iba pa.
Halimbawa
Siya’y isang mangingisda sa
dagat ng buhay.
Ang musika ay hagdan ng
kaluluwa paakyat sa langit.
Isang maamong tupa si Andres
kapag nakakagalitan.
Pagtatao/ Personipikasyon

 Pagsasalin ng katalinuhan at mga


kilos o gawi ng tao sa mga bagay na
walang buhay gaya ng mga hayop,
ibon, mga bagay at mga katangian
na rin.
 Pinakikilos ang mga ito sa tulong ng
pandiwa.
Halimbawa
 Kumakaway ang kapalaran kaya
sunggaban mo na.
 Nagtago ang buwan sa likod ng
ulap.
 Sumasaksi ang buwan sa
pagsusumpaan ng dalawang nag-
iibigan.
Paglilipat-wika
Pagsasalin ng mga katangian ng
tao sa mga bagay na walang
buhay.
Pinakikita ito sa pamamagitan
ng paggamit ng mga pang-uri
(adjectives)
Halimbawa
Lagi kong kasama ang matapat
kong sapatos.
Ang ulilang puntod ay dinalaw
ng nangungulilang panauhin.
Mapanglaw ang buwan nang
gabing maghiwalay ang
magkasintahan
Pagpapalit-tawag/ metonimi

Nagpapalit ito ng katawagan o


ngalan sa bagay na tinutukoy

Halimbawa:
Sa wakas nabunutan din ako
ng tinik sa dibdib.( problema)
Pagpapalit-saklaw/ sinekdoke

Binabanggit dito ang bahagi


bilang pagtukoy sa kabuuan
Hal.
Sila’y nakatira sa iisang
bubong.
Pagmamalabis/ Hayperboli

 Lagpas sa katotohanan o
eksaherado ang mga pahayag kung
pakasusuriin
Hal.
Sa dami ng inimbitang
kababayan, bumaha ng pagkain at
nalunod sa mga inumin ang mga
dumalo sa kasalang iyon.
Paglumanay/ Eupemismo

 Paggamit ng mga salitang


magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng
orihinal na salita upang di maging
masakit sa pandinig
Hal.
Kinuha na siya ni Lord kamakailan
lamang.
Pag-uyam/ Ironiya

 May layuning mangutya ngunit itinatago


sa paraang waring nagbibigay-puri.

Hal. Ang ganda niyang sumayaw,


parehong kaliwa ang paa.

Vous aimerez peut-être aussi