Vous êtes sur la page 1sur 11

Aralin 9: Pinagmulan ng

Unang Tao sa Pilipinas


Ano ang
pinagmulan Kasamahang mag-
ng iba’t aaral, heto ang
karaniwang kwento sa
ibang lahi sa pinagmulan ng tao sa
Pilipinas? Pilipinas.
ALAMAT
Ang pinaka-kilalang alamat tungkol
sa pag-usbong ng lahing Pilipino ay
ang kwento nina “Malakas at
Maganda.” Ang pagsasama ng
dalawa ang pinaniniwalaaang
pinagmulan ng lahing Pilipino.

Isa pa sa tanyag na alamat ay ang


“paglulutong luwad” kung saan
hinango ang pinagmulan ng mga
taong Negrito, Puti at Kayumanggi.
MULA SA BIBLIYA
Maraming relihiyoso ang
naniniwala sa Bibliya, ang
banal na aklat ng Kristiyano,
kung saan nakalahad ang
pinagmulan ng tao. Batay sa
aklat ng Genesis, ang unang
libro sa Bibliya, ang tao ay
mula sa alabok na hinulmang
tao ng Diyos at binigyan ng
buhay.
BATAYANG MAKAAGHAM
Batay kay Felipe Landa Jocano,
isang Pilipinong antropologo ng
Unibersidad ng Pilipinas,
bagamat maraming pangkat ng
tao ang dumating sa bansa
noong unang panahon, hindi pa
rin matiyak na dumating nga sila
sa ganoong panahon at
pagkakasunud-sunod.
Ang pinaniniwalaan ni Jocano ay nagmula sa iisang
lahi ang mga sinaunang tao sa Timog Silangang
Asya na nanirahan sa Borneo, Java, New Guinea at
sa Pilipinas at tinatayang 1.9 milyong taon na ang
nakalilipas. Pinatutunayan ito ng mga natuklasang
relikya sa iba’t ibang bahagi ng relihiyon.
Tabon
cave in
Palawan

Tabon
man skull
remains
Ang mga labi ng Taong Callao
ay natagpuan noong 2007 sa
kweba sa Pañablanca sa
Cagyan Valley, ng isang
pangkat ng mananaliksik sa
pamumuno ni Dr. Arman
Mijares. Ang mga labi nito
lalo na ang buto ng daliri sa
kanang paa, matapos suriin
ang uranium series ablation
at tinatayang halos 67,000
taong gulan na.
TANDAAN NATIN:

Mahalagang Kaalaman tungkol sa pinagmulan ng tao sa


Pilipinas:
1. Noon pa man ay may paliwanag na sa pinagmulan ng tao sa
ating kapuluan. Maari itong tumukoy sa mga sinasabing
naging unang lalaki at unang babaeng nilalaman ng alamat at
mito mula sa iba’t ibang kalinangan ng tao, kabilang ang mga
binabanggit sa iba pang mga salaysayin o aklat tulad ng
Bibliya.
2. Ang teoryang makaagham ni F.Landa Jocano ay isa sa mga
patunay na may tao na sa Pilipinas noong unang panahon pa
bago ang migrasyon. Ang tinatawag na Taong Tabon at
ngayon ay ang Tanong Callao kung lubos itong
mapapatunayan.
GAWIN NATIN:

Punan ang patlang. Pumili sa loob ng kahon ng kasagutan ayon sa salitang


tinutukoy sa bawat bilang.

1. Ang pagsasama nila _________ at Maganda ang pinagmulan ng lahing


Pilipino ayon sa alamat.
2. Batay sa aklat ng Genesis ang unang libro sa Bibliya ang tao ay mula sa
__________ na hinulmang tao ng Diyos at binigyang buhay,
3. Si __________ ang unang tao at mula sa kanyang tadyang ay hinulma si Eba.
4. Ang mga arkeologong sina Robert Fox at Manuel Santiago ng Pambansang
Museo ang nakatuklas sa labi ng Taong _________ sa kweba ng Palawan.
5. Ang mga labi ng Taong __________ ay natagpuan noong 2007 sa kweba sa
Peñablanca sa Cagayan Valley na tinatayang 67,000 na taong gulang na.

Vous aimerez peut-être aussi