Vous êtes sur la page 1sur 18

Filipino sa Piling Larangan

(AKADEMIK)
Nina
Dr. Pamela Constantino
Dr. Galileo Zafra
Aralin 11

Pagsuri ng Gawang Malikhain:


Pagsulat ng Rebyu 1
Layunin
• Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa
ng mag-aaral ang sumusunod:
1. Maipaliwanag ang nagaganap na proseso kapag
nagrerebyu ng isang gawang malikhain;
2. Mapag-iba ang pangkalahatan at partikular na
repertoire o katangian ng isang malikhaing gawa at
ng mambabasa; at
3. Matukoy ang ilang estratehiya kapag sumusuri ng
isang gawang malikhain.
Rebyu
Isang mapanuring pagbasa o pagtatasa ng isang
gawang malikhain (tulad ng tula, dula, pelikula, musika,
sayaw) o ng isang gawang akademiko (tulad ng aklat o
artikulo na produkto ng isang pag-aaral o saliksik).

Ang isang rebyu ng gawang malikhain ay


naglalaman ng una, batayang impormasyon tungkol sa
gawa, at pangalawa, pagsusuri ng rebyuwer sa gawa..
Batayang Impormasyon
• Kung Dula
1. Pamagat ng dula
2. Grupong pandulaang nagpalabas ng dula
3. Direktor
4. Mandudula
5. Maylikha ng iba’t ibang aspekto ng produksiyon tulad
ng musika, sayaw o galaw, pag-iilaw, disenyo ng set, at
iba pa
6. Mga Gumanap (Pangalan ng artista at papel sa dula)
Batayang Impormasyon
• Kung Pelikula
1.Pamagat ng pelikula
2. Produsyer ng pelikula
3. Direktor
4. Manunulat ng dulang pampelikula
5. Maylikha ng iba’t ibang aspeto ng produksyon
(tunog at sound effects)
6. Mga gumaganap (pangalan ng artista at papel sa
pelikula)
Sa pagbubuod halimbawa ng dula o pelikula,
mahalagang matukoy ang:

1) pangunahing paksa o tema;


2) banghay;
3) kung walang malinaw na banghay, ang matingkad na
disenyo o estruktura o pagkakaayos;
4) ano, sino, saan, kailan, paano, at bakit ng gawa.
Tandaan na may iba’t ibang paraan din ng pagbubuod
depende sa gawang ginagawan ng buod.
Pagsusuri

• Ang tampok na bahagi ng isang rebyu.

• Sa pamamagitan nito, naipahahayag ng rebyuwer ang


kaniyang mga pagninilay, pananaw, at paghuhusga
tungkol sa gawa.
Repertoire ng Gawa

Pangkalahatang Repertoire Repertoire na Partikular sa


Anyo
Maaaring tumukoy sa nilalaman, Maaaring tumukoy sa iba’t ibang
tema, paniniwala, at pamamaraan sa pagbuo ng gawa.
pagpapahalagang karaniwang
mahahalaw sa naratibo o kuwento
nito.
Repertoire ng Gawa
Mailalarawan ang repertoire ng gawa sa ganitong
paraan.

Repertoire ng Gawang
Malikhain
Pamamaraan
Nilalaman Kumbensiyon
Tema Elemento
Paniniwala Pangkalahatang Partikular na Estratehiya
Pagpapahalaga Repertoire ng Repertoire ng Teknik Genre o
Gawang Gawang Anyo
Malikhain Malikhain
Repertoire ng Rebyuwer Bilang
Mambabasa

Pangkalahatang Repertoire ng Partikular na Repertoire ng


Rebyuwer Rebyuwer

Ang kaniyang mga pananaw, kaisipan, Tumutukoy sa kaalaman ng rebyuwer


paniniwala, at pagpapahalaga tungkol tungkol sa iba’t ibang pamamaraan
sa iba’t ibang paksa, usapin, o bagay na humubog sa gawa na kaniyang
sa lipunan at sa mundo. nirerebyu.
Repertoire ng Rebyuwer Bilang
Mambabasa
Mailalarawan ang repertoire ng mambabasa sa
ganitong paraan:
Listahan ng mga Hakbang o Prosesong
Ginagawa ng Rebyuwer

1. Tukuyin ang mga batayang impormasyon tungkol sa


gawang malikhain.
2. Gumawa ng detalyadong buod ng gawa.
3. Tukuyin ang pangunahing tema o ideya ng gawang
malikhain.
4. Tukuyin ang mga pangunahing pansuportang
detalye o ideya sa pagdebelop ng pangunahing
tema o ideya ng gawa.
Listahan ng mga Hakbang o Prosesong
Ginagawa ng Rebyuwer

5. Sang-ayunan o pasubalian ang pangunahing tema o


ideya ng gawa ayon sa sariling pananaw, paniniwala, o
paninindigan ng rebyuwer.

6. Sang-ayunan o pasubalian ang pangunahing tema o


ideya ng gawa ayon sa kasapatan o katatagan ng mga
pansuportang detalye o ideyang ginamit sa pagdebelop
ng pangunahing tema o ideya.
Listahan ng mga Hakbang o Prosesong
Ginagawa ng Rebyuwer

7. Suriin ang pamamaraang (kumbensiyon, elemento o


sangkap, estratehiya, teknik, genre o anyo) ginamit sa
pagbuo ng gawa

8. Iugnay ang gawa sa iba pang kaugnay na gawa (kung


nagrerebyu ng isang pelikula tungkol sa Overseas
Filipino Worker, maaaring iugnay ito sa iba pang
pelikulang Filipino tungkol sa OFW).
Listahan ng mga Hakbang o Prosesong
Ginagawa ng Rebyuwer
9. Humanap ng mga puwang o katahimikan sa gawa
(puwedeng suriin hindi lamang ang kung ano ang nasa
gawa kundi maging ang wala dito, ang hindi nito
isinama na sa palagay mo ay mahalagang naisama sa
gawa).

10. Iugnay ang gawa sa napapanahong isyu.

11. Iugnay ang gawa sa personal na buhay.


Listahan ng mga Hakbang o Prosesong
Ginagawa ng Rebyuwer

12. Pagtuonan ang mga susing salita o konsepto sa


pamagat at suriin kung paano ito napapatotohanan o
napasusubalian sa kabuuan ng gawa.

13. Iugnay sa sariling pagsusuri ang pagsusuri ng ibang


rebyuwer o kritiko tungkol sa gawa kung mayroon man.
Mahalagang Tandaan

1. Hindi natatapos ang pagsulat ng rebyu sa hiwa-


hiwalay na paglalapat ng mga estratehiyang
nabanggit.

2. Huwag ding tangkain o piliting gamitin ang lahat ng


hakbang o prosesong nakalista rito.

Vous aimerez peut-être aussi