Vous êtes sur la page 1sur 10

Aralin 3: ANG WIKANG

FILIPINO BILANG WIKA


NG SALIKSIK
Sa pagtatalakay sa Filipino bilang wika ng
saliksik hindi maisasantabi ang paglalagay sa
intelektwalisasyon ng Filipino. Ang ganitong lagay
ay naipapakita ng isang bansa sa dalawang
estado:
1. Kung ang wika ay gamit nang nakararami sa mga
aktwal na akademiko at iskolarling talakayan sa antas na
pananalita lamang.
2. Kung ang wika ay nagagamit sa antas na pasulat o
palimbag. Marami kasing pagkakataon na ang gamit na wika ay
tanggap nang pasalita ngunit, pinangingilagan na sa antas na
pasulat
Kinikilala ang pananaliksik bilang
refleksiyon ng talio at husay ng mananaliksik.
Matagal nang nakakasulat ng pananaliksik sa
Filipino ang mga Pilipino lalo na ang mga
dalubhasa sa Filipino. Marami na ring mga aklat
sa Matematika at Agham ang tinangkang sulatin
sa Filipino.
Hindi lingid sa ating mga Pilipino ang
pangingibabaw ng Kolonyal na pag-iisip. Maging
sa wikang ginagamit, may pinapaborang gamitin
para sa akademiya at sa pang araw-araw na
talastasan, higit sa pananaliksik. Bunga rin ito ng
mataas na uri at kalidad ng teknolohiya.
Matutunghayan ang kalagayang ito sa:

1. Social network sites


2. Palabas sa telebisyon
3. Pelikula, Radyo at Tabloid
Ayon kay Nicanor G. Tiongson sa kanyang
papl na maya paksang Ang Wikang Filipino sa
Media, maituturing na de facto ang lingua franca
at pangunahing wika ng halos lahat ng midya ang
wikang Filipino ngayon. Sa kalagayan ng mga
print media ang mga Broadsheets ay nasa Ingles.
Ang tabloid naman ay nasa Filipino. Ang tabloid
ay naglalaman ng mga balita tungkol sa bansa,
mga artista at mga kontrobersiya.
Sa pamamagitan ng Tabloid natukoy na ang
wikang Filipino ay higit na nauuaawaan at
ginagamit ng karaniwang tao sa kalye at
korporasyon mula estudyante hanggang
propesyonal.
Mahalaga rin ang pananaliksik sa iba pang
sangay pangkarunungan gaya ng agham at
teknolohiya, negosyo at industriya, edukasyon,
at maging sa politika.
Sa Agham at Teknolohiya

Marahil kung walang pananaliksik ay atrasado pa


rin ang ating pamumuhay sa kasulukuyan. Ang
pagkatuklas ng cellphone ay nagkaroon ng malaking
epekto sa pamumuhay ng isang pamilya dahil mas
napapabilis nito ang komunikasyon ng bawat isa.
Nakalikha din ng mga gamot at medisina na nakakagamot
sa mga sakit na akala natin walang lunas. Kung walang
pananaliksik, mananatili nalang itong panaginip.
Sa Negosyo at Industriya

Ang Pagsasagawa ng pananaliksik sa loob ng


isang kompanya ay maituturing mahalagang salik
upang makita ang lalong ikaangat at ikagaganda
ng takbo ng negosyo
Sa Edukasyon

Higit sa lahat mahalaga ang pananaliksik sa


larangan ng Edukasyon. Mahalagang makapagtatag ng
matibay na pundasyon g karunungan sa isip ng mga mag
aaral sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga pamamaraang
lalong makapagpapaunawa sa mga mag-aaral ng kanilang
lektura. Ang inobasyon sa pasilidad at kagamitang
panturo ay naksalalay din sa gagawing pgtuklas sa
pananaliksik ng mga implikasyon nito sa larangng
akademiko.
Sa Politika

Dito higit na kailangan ng maingat na pag-


aaral at pag-iimbestiga. Sa larangang ito ay
walang hanggan ng pagtuklas ng mga kaparaanan
sa pagpapatatag ng ekonomiya at kalagayang
pampulitika sa bansa.

Vous aimerez peut-être aussi