Académique Documents
Professionnel Documents
Culture Documents
ATM Scam
Laglag
Barya
Text Scam
Budol-budol
a. Ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang
pakiramdam lalo kapag mainit.
b. Nagiging asal ng tao na nagpapakitang ayaw na sa
isang relasyon
c. Naramdaman ng tao kapag malamig
d. Taong medaling makadama ng lamig
e. Tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan
Mga Ekspresyong
Naghahayag ng
Posibilidad
Sa ating pakikipag-usap at maging sa
pagsusulat, madalas ay
nagpapahayag tayo ng posibilidad.
Posibilidad ang tawag sa mga
pahayag na maaaring magkatotoo
subalit hindi na matiyak o masigurado o
may pag-aagam-agam pa tayo. May
mga salita o ekspresyong ginagamit sa
ganitong pagpapahayag tulad ng:
baka puwede kaya
ang…
maaari siguro
marahil sa palagay ko
may posibilidad tila
bang…
posible kayang…
Dahil posibilidad ang inilalahad
sa mga ekspresyong ito, ang
inaasahang sagot ay maaaring
positibo o negatibo depende
sa kung maaari nga bang
magkatotoo ang bagay na
inihahayag o itinatanong.
Usapan 1
Lianne: Posible kayang magkaroon ng snow sa
Pilipinas?
Dona: Hindi possible ‘yan kasi kabilang ang bansa
natin sa may klimang tropikal kaya dalawang uri
ng klima lang ang nararanasan natin, ang tag-
ulan at ang tag-araw.
Usapan 2
Ding: Posible kayang umulan mamayang hapon?
Patrick: Malamang uulan nga mamaya.
Makulimlim kasi ang himpapawid.
PAGSASAGAWA
NG PANANALIKSIK
TUNGKOL SA
PABULA
Kung ikaw ay sasabihang manaliksik tungkol
sa isang paksa, alam mo ba kung saan-saan
makakukuha ng mga impormasyon o datos
para maisagawa 1to? Mahalagang malaman
ng isang mag-aaral kung ano-ano o kung
saan-saan makakukuha ang datos para
maging komprehensibo at sistematiko ang
gagawing pananaliksik.
Mababasa sa ibaba ang iba’t ibang
mapagkukunan ng impormasyon o datos.
Kilalanin ang bawat isa.
1. Ang Internet
Sa panahong ito kung saan laganap at
napakabilis na ng modernisasyon sa
teknolohiya, napakadali nang kumalap o
kumuha ng impormasyon sa tulong ng
Internet. Sa isang click lang sa mga search
engine tulad ng Google ay aabot ng
daang Iibong resulta na lalabas sa loob
lang ng kalahating Segundo.
Subalit kailangang maging mapanuri at
matalino rin ang taong nananaliksik upang
matukoy kung mapagkakatiwalaan at
tumpak ba ang mga impormasyong
kanyang nakakalap. Makatutulong kung ang
mga web site na may domain extension na
.edu (education), org (organization), info
(information), gov (government) ang
panggagalingan ng impormasyon dahil
maaaring mas beripikado ang nilalaman ng
mga ito kasya iba.
Dapat ding tandaan ng nananaliksik
na hindi niya basta puwedeng
kopyahin at angkinin ang mga
impormasyong makukuha sa mga web
site dahil ito’y paglabag sa intellectual
property rights at copyright ng mga ito.
Mahalagang banggitin o bigyang-
pagkilala ang pinagmulan ng mga
impormasyon.
2. Ang mga Aklat o Libro
Maging sa panahon ng mabilis na pag-
unlad ng teknolohiya, ang mga nakalimbag na
aklat at maging ang mga e-book ay mabisa pa
ring mapagkukunan ng impormasyon. Kasama
na rito ang iba't ibang sanggunian tulad ng
encyclopedia, almanac,atlas, at diksiyonaryo.
Mahalaga lang na tingnan ang petsa ng
pagkakalimbag o pagkakasulat sapagkat kapag
masyado nang luma ang aklat ay maaaring may
mga mas bago nang impormasyong hindi na
taglay ng mga ito.
3. Mga Artikulo sa Magasin at Diyaryo
Sa mga magasin at diyaryo man ay marami
ring artikulo o tekstong maaaring pagmulan ng
kinakailangang impormasyon.
4. Mga Video mula sa Youtube, mga
Dokumentaryo, at Iba pang Palabas Pantelebisyon
Ang mga impormasyon ay hindi lang nagmumula
sa mga nababasang pinagkukunan kundi gayundin
sa mga napapanood na video, dokumentarvo, at.
iba pang palabas pantelebisyon
5.Mga Panayam, Seminar, at Workshop