PAYAK pi it an payak salitang binubuo ng salitang-ugat lamang. Walang ikinakabit na panlapi. maylapi Salitang-ugat + Panlapi Mga salitang nilalagyan ng panlapi. 5 uri ng 1. Unlapi Panlapi 2. Gitlapi 3. Hulapi 4. Kabilaan 5. Laguhan a. unlapi Ikinakabit sa unahan ng salitang-ugat ang panlapi. (um-, ma-, mag-, mang-, na-, nag-, nang-, ka-, pag-, in-, pa-) b. gitlapi Ikinakabit sa gitna ng salitang- ugat ang panlapi. c. hulapi Ikinakabit sa hulihan ng salitang- ugat ang panlapi. d. kabilaan Ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang-ugat ang panlapi. e. laguhan Ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang-ugat ang panlapi. inuulit pag-uulit ng kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit. a. Inuulit na ganap Buong salitang-ugat ang inuulit. b. Inuulit na Isangparsiyal pantig o bahagi lamang ng salita ang inuulit. c. Magkahalo Buong salita at isang bahagi ng pantig ang inuulit. tambalan Pagsasama ng mga salita para makabuo ng isang salita lamang. a. Tambalang di- ganap Ang kahulugan ng salitang pinagtambal ay nananatili. b. Tambalang Ganap Nakabubuo ng ibang kahulugan kaysa sa kahulugan ng dalawang salitang pinagsama. Isulat ang P kung ito ay payak, M kung ito ay maylapi, I kung ito ay inuulit at T kung ito ay tambalan. 1. Tubig-alat 2. Bahay 3. Kusina 4. Kuya 5. Tengang kawali Isulat ang salitang payak ng mga sumusunod: 1.Nagsuntukan 2.Pinagsumikapan 3.Bakuran 4.Pinaghugasan 5.Pagkamagalang