Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan.
Sa anyo ng kanilang mga mukha, mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Padre Sibyla samantalang galit na galit naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente sapagkat natapakan ang kola ng kanyang saya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kanyang buhok. Sa may kabisera lumuklok si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na umupo roon. Sa tingin ni Pari Sibyla, si Pari Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Pari Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo dahil sa kapangyariha‘t katungkulan nito. Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tinyente at nagkunwang iaalok ang upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan nang dalawang pari. Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na maghandog ng paanyaya kay Kapitan Santiago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing, “Diyan kayo! Huwag kayong tumindig." Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupoyos ng damdamin ni Pari Damaso, ang ihain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kanya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola, lamang loob. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitan ang manok para kay Ibarra. Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitong taong nawala sa Pilipinas. Bagamat, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kanyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang taong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit ng kanyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng tinyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kanyang amang si Don Rafael. Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso. “Ako po’y nasa Alamenya at Polonyang sakop ng Rusya nitong huling dalawang taon," tugon naman ni Ibarra. Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na marami ng bansa ang napuntahan nito at marami ng wika ang kanyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng bansang kanyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa hinay-hinay na pagbabago sa kaunlaran. Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng kabuhayan, pulitika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito. Ika niya’y, “Bago ako tumungo sa isang bayan ay pinag-aaralan ko muna ang kanyang kasaysayan at pagkatapos ay wala nang katangian ang bawat makita ko. Ngunit ang kasaganahan o kadahupan ng bayan ay nababatay sa kanilang kalayaang taglay...” Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. “Iyan lamang ang nakita mo ...? Sayang ang ginugol mong salapi kung iyan lamang ang natutunan mo. Alam na iyan ng bata sa paaralan, ” aniya. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari. Nagulumihan saglit si Ibarra ngunit kalauna’y ipinaliwanag niya na lamang sa mga panauhin na nais lamang ipagunita sa kanya ng dating kura ang mga sandaling madalas itong magpunta sa kanila noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-kainan. Nangatal naman si Damaso kaya’t ni gaputok niya ay hindi na naimik. Ilang sandali pa’y nagpaalam na ring aalis. Pinigil siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din. Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyan diin niya na ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kanyang pagiging mapagmataas- na ayon sa kanya ay kasamaang dulot ng pagpapaaral sa mga Indio sa Europa kaya’t dapat raw ipagpabawal ang gayon. Nang gabing iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salu-salo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain. Piliin ang titik na kasingkahulugan ng bawat salita. a. TUNGKULIN ____ 1.LUKLUKAN b. NAGKASWERTE ____ 2.KAPANGYARIHAN c. GINASTOS ____ 3.TUMANGGI d. BIGAY ____ 4.NAGHANDOG e. NAGBIGAY ____ 5.NAGKAPALAD f. NAGPAPAALALA ____ 6.KADAHUPAN g. NANGAMBA ____ 7.NAGULUMIHAN h. NAGULUHAN ____ 8.GINUGOL i. KAHIRAPAN ____ 9.DULOT j. UMAYAW ____ 10.NAGPAPAGUNITA k. UPUAN
Ibong Adarna
Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania