Vous êtes sur la page 1sur 81

Mga Pamayanang Pilipino sa Harap

ng Pagbabago, 1565-1872
Module Outline
Reducción & The Philippines
Christianity during the 18th
Century
 From the End of
Political, Economic,
Galleon Trade to
& Social Changes World Commerce
 Education, Science &
Colonial Institutions
Uprisings
 Environment, Disease,
& Disaster
Buod
• Sa pagsakop ng mga Espanyol, nais
nilang baguhin ang pagkatao mismo ng
katutubo:
- kailangang tumira sa pueblo
- tanggapin ang pamahalaang Espanyol
- maging Kristiyano/binyagan
Buod
• Sa pamamagitan ng reduccion, tinipon
ang mga katutubo sa isang bagong lugar
na pinili ng mga misyonero, na may
kaayusang kolonyal at nakasentro sa
- simbahan
- plaza
- munsipyo
Buod
• Ang paglipat ng mga tao sa pueblo ay
para magkaroon ng monopolyo ang mga
Espanyol sa
- pag-aangkin ng mga lupain
- sa pagkuha ng kayamanan mula rito
Mga Salik sa Paglalayag,
Paggalugad at Pananakop
1. Paghahanap ng mga panibagong rutang
pangkalakalan (to break Venetian
monopoly of trade in the Mediterranean)
2. “Geographical Renaissance”
- Architectural navigation (shipbuilding)
- Cartography
- Navigational instruments
Mga Salik sa Paglalayag,
Paggalugad at Pananakop
3. Palimbagan (Johaness Gutenberg)
4. Krusada
5. Paglalakbay ni Marco Polo, 1260-1295
6. Merkantilismo
7. Rekonkista, 718 (722) - 1492
Panahon ng Paglalayag,
Panggagalugad
• Tangway ng Iberia (Espanya, Portugal,
Andorra)
• 1492 – narating ng mga Espanyol ang
Amerika
Panahon ng Paglalayag,
Panggagalugad
• Ang tagumpay na ito ay naging sanhi ng
alitan ng Espanya at Portugal, mga
Katolikong bansa
(Lusitanian-Hispanic Rivalry)
• Pope Alexander VI, isang Espanyol (papal
bull – inter caetera)
Inter Caetera, 1493
• Espanya - lahat ng di-Kristiyanong lupain
na 100 legua (5.57 km) sa direksiyong
pakanluran ng Azores at Cape Verde
Islands
• Portugal – lahat ng mga nasa direksiyong
pasilangan.
• Di tinanggap ng Portugal ang kasunduan.
Bakit?
Treaty of Tordesillas, 1494
• Inilipat ang hangganan ng dalawang panig
sa 370 legua sa direksiyong silangan ng
mga isla ng Cape Verde
Paglalakbay ni Magallanes,
1511
• Fernao Magalhaes (Portuges)
• 1511 - nanilbihan siya sa hukbong lakas
ng Portugal na lumusob sa Malacca.
• Pagtanggi ng haring Portuges = pagsang-
ayon ng haring Espanyol (Charles I) sa
alok ni Magallanes
• March 17, 1521 – di binalak na pagdating
sa Pilipinas
Paglalakbay ni Magallanes,
1521
• Antonio de Pigafetta – opisyal na tagapagtala
(chronicler) ng ekspedisyon
• Homonhon – unang pagtatagpo ng katutubo at
Espanyol
• Limasawa – unang misa?
• Cebu – napadpad dito dahil sa kakulangan ng
pagkain
• Humabon at Magallanes – humantong sa
pagpapabinyag
Pagkadawit ni Magallanes sa
hidwaan ni Humabon at Kalipulako
• Humabon ng Cebu vs. Kalipulako (Lapu-
Lapu) ng Mactan
• Magallanes kay Kalipulako: Tanggapin ang
kapangyarihan ng Espanya at magbayad
ng tributo
• Tumanggi si Kalipulako at nagkaroon ng
sagupaan noong Abril 27, 1521.
• Napaslang si Magallanes.
Pagkadawit ni Magallanes sa
hidwaan ni Humabon at Kalipulako
• Kalipulako – kauna-unahang katutubong
lider na nagtagumpay sa pagtaboy ng
mananakop na Espanyol.
• Juan Sebastian Elcano – nagtapos ng
ekspedisyon na sinimulan ni Magallanes
• Napatunayang mararating ang silangan sa
paglayag pakanluran
Ekspedisyong Espanyol
• Unang naisulong ang karapatan ng
Espanya sa Moluccas
• Nagpadala ng 3 ekspedisyon: 1525
(Loaisa), 1526 (Cabot), at 1527
(Saavedra)
• Sa malaking gastos sa 3 naunang
proyekto at kawalan ng pag-asa, gumawa
ng kasunduan si Charles I sa mga
Portuges
Treaty of Zaragoza, 1529
• Abril 22, 1529 – napagtibay ang
kasunduan ng E at P sa Zaragoza
• Inilipat ang hangganan ng dalawang panig
sa dagat Pasipiko sa dakong 297.5 leguas
pasilangan ng Moluccas
• Espanya – silangan; Portugal – kanluran
Treaty of Zaragoza, 1529
• Ipinagbili ng Espanya ang kanyang
paghahabol sa ilang bahagi ng Moluccas,
na sa katotohanan ay saklaw ng teritoryo
ng Portugal.
• Maging Pilipinas ay sakop din ng teritoryo
ng Portugal, na napunta sa Espanya
• Dahilan ng paglusob ng mga Portuges sa
Espanya sa Pilipinas simula noong siglo
16
Ekspedisyong Espanyol
• Ruy Lopez de Villalobos (1542-46) –
named Leyte, Tandaya or Kandaya
(Agoncillo, 1996); “Filipinas” – Samar at
Leyte at nang maglaon ay pangalan para
sa buong kapuluan
• Miguel Lopez de Legaspi (1564)
Paglalakbay ni Legaspi-
Urdaneta, Abril 27, 1565
• Nagsimula ang pormal na kolonisasyon ng
Pilipinas
• Galit ang mga taga-Bohol sa mga
Espanyol
• Blood compact – Si Katuna/w and Si Gala
(Bohol); Raja Tupas (Cebu)
• Cebu – unang bayang Espanyol na
naitatag sa lupalop; unang permanenteng
tahanan sa kolonya
Kolonisasyon ng Pilipinas
• Pagkawala ng kalayaan ng mga katutubo
at hudyat ng kanilang pagpapaalipin sa
mga dayuhan
• San Miguel (napalitan ng Santisimo
Nombre de Jesus) – unang pamayanan sa
Cebu
• Lumipat sa Panay
• Martin de Goiti – paggalugad ay
humantong sa pagkakatuklas ng Maynila
Kolonisasyon ng Pilipinas
• Natalo si Raja Soliman (at ang tiyuhing si
Lakan Dula) na sumunog sa Maynila sa
kanilang pag-atras
• Lumipat ng Maynila at ginawa itong
kabisera/kapital ng Pilipinas
• “city-dwellers”
• Dito sinimulan ang pagsakop sa ibang
bahagi ng Pilipinas
Mga Pamamaraan ng Pananakop
at Paglupig
1. Ang lakas sandatahan ng mga
mananakop (entrada)
2. Ang patakaran ng pang-akit
3. Ang pamamaraan ng pagbubuklod-at-
paglupig
4. Ang papel ng Kristiyanismo at ilang
patakarang administratibo: reduccion at
pagtatag ng encomienda
Mga Pamamaraan ng Pananakop
at Paglupig
5. Ang hindi pagkakaroon ng iisang
kaayusang pampulitika ng mga Filipino.
6. Instrumento ng pagsasamantala na
nakatulong sa pagkontrol sa mga
katutubo: tributo, polos y servicios, ang
paggamit sa tulong ng mga tradisyunal na
lider, ang kalakalang Manila-Acapulco, at
iba pang monopolyo ng kalakalan.
1. Ang lakas sandatahan ng mga
mananakop (entrada)
• Abanteng armas ng mananakop
1.Kanyon - nakakabit sa kanilang barko at
hila- hila sa kanilang pagdaong.
2.Espada at riple
3.Helmet at bakal na baluti na balot sa
katawan
4.Sapat na paghahanda at pagsasanay
1. Ang lakas sandatahan ng mga
mananakop (entrada)
• Payak na armas sa mga katutubo:
1.Maliliit na kanyon (lantaka)
2.Itak at sibat
3.Walang pananggalang at helmet
• Resulta: nasakop ang pamayanan sa
baybayin at kapatagang bahagi ng
Pilipinas
1. Ang lakas sandatahan ng mga
mananakop (entrada)
• Gumamit ng lakas pandigma sa mga rehiyong
may pagtutol
1. Pagpasok ng isang ekspedisyong militar sa
isang pook
2. Pagkanyon sa daungan mula sa barkong
nakaabang sa dagat
3. Pagdaong ng mga sundalo upang sakupin ang
kalupaan at pagtatayo ng fort (moog, baluarte,
fuerza).
1. Ang lakas sandatahan ng mga
mananakop (entrada)
4. Ang pagsamsam sa mga pagkain at
mahalang ari-arian ng mga katutubo.
• Entrada – paggamit ng mga datu at
tauhan ng mas naunang nasakop na
barangay sa mga karatig na pamayanan.
• Ginamit ang mga dati nang sento ng
populasyon at administrasyong katutubo
sa pagpapalawak ng sakop (C, L, S, M, M,
P, P, C, Buayan sa M, at S)
1. Ang lakas sandatahan ng mga
mananakop (entrada)
• 1571 – pormal na kolonisasyon ng Maynila
• Lakan Dula – nakipagkasundo sa pakikipag-
sandugo (Mayo 19, 1571)
• Sa abo ng kaharian ni Soliman itinayo ni
Legaspi ang Maynila na may anyo’t
kaluluwang Espanyol
• Kutang Santiago – pinakapuso ng lungsod na
dating kuta ni Soliman; pinalitan ng bato
imbes na kahoy at kawayan
2. Ang Patakaran ng Pang-akit
1. Gora, salamin, suklay, kampanilya, palamuti sa
katawan
2. Sanduguan – “pakikipagkapatiran” vs.
pagpapasakop at pagtanggap sa Espanya
• Kulambo at Magellan sa Limasawa (1521)
• Humabon at Magellan sa Cebu
• Urrao at Legaspi sa Samar
• Katuna at Gala at Legaspi sa Bohol
• Raha Soliman at de Goiti sa Maynila (1570)
2. Ang Patakaran ng Pang-akit
3. Tradisyon ng bukas at malayong
pakikipagkalakalan
4. Bukas palad na tinanggap ang mga
Espanyol at kaagad naging Kristiyano
- di nanibago ang mga Pilipino sanhi ng
ugnayang panlabas ng bansa sa Tsina,
Indian, Arabo, TSA
3. Pamamaraan ng pagsakop at
paghahati-hati
• Pagbubuklod-at-paglupig – mabisa sa
pagbabalis ng pagkagapi ng mga katutubo
• Katangiang archipelagic – hiwa-hiwalay at
may kalayaan sa isa’t-isa
• Walang pamahalaang sentral na
nakapangingibabaw
• Walang konsepto ng pagkabansa
• Away sa pagitan ng mga barangay –
personal na paghihiganti
3. Pamamaraan ng pagsakop at
paghahati-hati
• Inakala ng mga Espanyol na kawalan ng
pagkakaunawaan ito at lalo pang pinag-away
ang mga ito para mapadali ang pagsakop.
Hal. Magellan sa pagitan ni Humabon at
Kalipulako
• Muslim at pamayanang etniko – walang away
dahil sa pagkakaiba ng relihiyon
• Sanhi ng away: pagkakaiba sa paggamit at
pagmamay-ari ng lupa, pagtatanggol sa pagkain
sa teritoryo
3. Pamamaraan ng pagsakop at
paghahati-hati
• Paggamit ng isang pangkat laban sa iba
Hal. Pagsakop sa Maynila – 1,500 ng
Bisaya na nakipagdigma sa mga Tagalog
noong 1570; pagsakop sa Bohol sa tulong
nga mga Cebuano; Bisaya laban sa mga
Muslim sa Mindanao at Sulu
• “Bisaya” (alipin) – dalaga’t binata sa mga
Kristiyano sa Bisaya ay dinakip at dinala nila
sa katimugan (Moro raids/Moro piracy)
4. Reduccion
“Reducir”
• “Ibalik ang isang bagay sa dating
kalagayan, pagpapabago, pag-iiksiin, pag-
unawain, ibalik sa pagkamasunurin”
• Juan de Plasencia (prayleng Pransiskano)
ang nagharap nito sa Synod ng Maynila
noong 1582
Reduccion
1. ang pangunahing kasangkapan ng
kumbersyon sa Kristiyanismo
2. unang hakbang sa pagtatatag ng
kaayusang kolonyal
Ang Bayan sa Kaayusang Pueblo
• Ano ang magbabago sa kaayusan ng
buong kapuluan?

1. pisikal na kaayusan (physical restructuring)


2. materyal at pangkabuhayan
3. ugnayang panlipunan (social relations)
4. Pulitika (sentralisadong pamahalaan)
5. paniniwalang espiritwal (conquista espiritual)
6. aspektong kultural (Hispanization)
7. Kamalayan (consciousness)
Ang Reduccion
• Sistematiko at sapilitang
pagtitipon/pagpapalipat ng tirahan ng mga
katutubo sa isang pamayanang may
kaayusang kolonyal, ang plaza complex,
at sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
• Reducciones – bagong nasakop na
barangay
Ang Reduccion

• Mula sa mga baybaying-dagat/tabing-ilog


(ilawud) at looban patungo sa kabundukan
(ilaya), ang mga pamayanan ay pinaghiwa-
hiwalay sa pamamagitan ng pagpapalikas at
paglilipat ng mga mamamayan tungo sa mga
sentrong nasa ilalim ng tuwirang kontrol ng
mga kolonisador, sa pagmamatyag ng mga
prayle bajo el son de la campana / bajo el
toque de la campana.
Ang Reduccion: Pagpapakahulugan

1. Pagtatayo ng isang komunidad para


hubugin ang mga katutubo sa isang
tamang paraan ng pamumuhay –

• paniniwala (ang Kristiyanismo)


• pagbibihis (nakabalot ang buong katawan
• pamahalaan (sasailalim sa Diyos at sa Hari ng
Espanya)
Ang Reduccion: Pagpapakahulugan

• Lahat ng tumanggap ng Kristiyanismo ay


kailangang manirahan sa paligid ng
simbahan
• Mekanismo ng pagpapaamo sa nag-
aatubiling mga Filipino
Ang Reduccion: Pagpapakahulugan

2. Sa pagtatayo ng isang komunidad na


may kaayusang kolonyal, ang ninanais
ng mga Espanyol ay gawing Espanyol
ang Katutubo:
- sa isipan
- sa paniniwala
- sa kalooban
Papel ng Kristiyanismo
• Mabilis at madaling naipalaganap sa bansa
• Pagtutulungan ng “krus at espada”
a. Augustinians -1525
b. Franciscans –1528
c. Jesuits (S.J.) –1581
d. Dominicans - 1587
e. Recollects – 1606
f. Iba pa (Benedictines, Carmelites, Salesians,
RVM, Augustinian Recollect Sisters)
Kristiyanismo – naunawaan
ba?
1. May problema sa komunikasyon
2. Mahirap unawain ang ebanghelyo at ang misteryo
(i.e., Holy Trinity)
• Kumbersyon – nangangahulugan ng
pagbabagong-loob sa isang pook sa napakaikling
panahon lamang
• Takot sa mga prayleng Espanyol at sa impiyerno
(mabisang instrumento sa pagiging sunud-
sunuran)
• Ang pagiging masunurin ay ikatutubos ng kaluluwa
sa paghihirap sa impiyerno
Kristiyanismo – naunawaan
ba?
• May masamang mangyayari sa mga
sumusuway sa utos ng Diyos
* “Nominal Christians,” “ritual formalisms,” “KBL”
* May pagkakatulad ang katutubong relihiyon at
Kristiyanismo
1. Pari at babaylan (male vs. female)
2. Imahen at anito
3. Santo at espiritu
4. Dasal at orasyon
Papel ng Kristiyanismo
5. Misa at rituwal
6. Prosisyon ng mga santo at prosisyon ng
mga anito
7. Sutana ng pari at damit ng babaylan
8. Mirakulo/mistisismo at mahiko
9. Paggamit ng insenso
10.Paniniwala sa kabilang buhay
Ang Reduccion: Pagpapakahulugan

• Paggamit ng nakakaakit na seremonyas ng


Kristiyanismo –
- pagdiriwang ng pista, makulay at marangyang prosisyon,
- mga awit at pasyon,
- kandila,
- imaheng nakasuot ng magara at ginintuang damit,
- Flores de Mayo at Santacruzan,
- pagsindi ng mga paputok,
- sinakulo, moro-moro,
- kalembang ng simbahan
Reduccion at Kristiyanismo
• Tatlong pista – Semana Santa, Korpus
Kristi, pagdiriwang ng pista ng patron ng
pook
• Paggamit ng rosaryo, medalya,
eskapularyo, kurdon na dagdag pang-akit
• Kristiyanong pangalan matapos
mabinyagan
Kaayusang Pisikal ng Bayan

• Layunin ng conquista:

1. ang monopolyong pag-aangkin ng mga


lupain (modelong piyudal sa Europa)
2. ang paglikom o akumulasyon ng yamang
surplus mula sa mga ito.
Kaayusang Pisikal ng Bayan
• Nabuo ang mga bayang nasa pagitan ng
dalawang pook na mapagkukunan ng
yaman –
1. ang mga daungang pangkalakalan
2. mga taniman
3. minahan
Kaayusang Pisikal ng Bayan
• “Sentrong” bayan
- napailalim sa kontrol ng mga
Espanyol, simbahan at prayle;
- sentro ng mga pulitika at komersyong
kolonyal at mga bagong aktibidad na
kultural/espiritwal
Kaayusang Pisikal ng Bayan
• Nagbagong anyo ang bayan nang ito ay
naging:
- cabecera (district capitals) o cuidad
- pueblo (barrio/arabales o visita) – batayan ng
estadong kolonyal
- poblaciones (towns)
- barrios o barangay (villages)
- sitios (hamlets)
Plaza Complex (Town Planning)
• Grid pattern of settlement
• Kuwadradong pag-aayos ng mga kalsada
at bahayan na plasa sa gitna
• Nakasentro sa plasa ang simbahan
(iglesia) at pamahalaang bayan
(ayuntamiento)
• Simbahan – sentro ng buhay mula
kapanganakan hanggang kamatayan
Plaza Complex
• Pinakamalapit sa mga gusaling ito ang
bahay ng mga Espanyol at pagkatapos ng
mga principales. Papalayo sa sentro ang
bahay ng mga Pilipino.
• Simbahan ang pinakamatingkad na
istrukturang pisikal sa pueblo.
Plaza Complex

1. Dito bininyagan, nangumpisal,


nagdarasal, nag-asawa at binasbasan ang
mga binyagan
2. Nakapanood ng palabas, pagpaparusa at
pagpatay
• Ang buong buhay ng isang tao ay nakatuon at
nakasalalay sa mga pangyayari sa simbahan at
plasa.
Plaza Complex

3. Dito makikita ang pagbabagong


arkitektura na yari sa bato, ladrilyo, apog at
mortar, tisa at bato.
- “bahay-na-bato” (hybrid house/skirt
house/arquitectura mestiza) – tirahan ng
“malalaking tao”, Espanyol at principales.
Kaayusang Pisikal ng Bayan
• Antas na hinantungan ng kaayusang
pueblo sa iba’t ibang pook sa Pilipinas.
1. Ang mga pook na naging pangunahing
bayan (cabecera) ay nagtamo ng higit na
kaanyuan bilang plaza complex (i.e.,
Intramuros, Vigan, Taal)
Kaayusang Pisikal ng Bayan
2. Ang mga pook na papalayo sa direktang
kontrol ng mga Espanyol ay papalayo din
ang pagsunod sa modelong Europeo.
• May plaza complex, lalo ng simbahan, bilang
tanggulan ng mga Kristiyano laban sa
pananalakay ng mga Moro.
Kaayusang Pisikal ng Bayan
3. Sa mga pook na hindi inabot ng
conquista, hindi naitatag ang plaza
complex (i.e., Bayang Moro at Bayang
Etniko/”infieles” societies), bagamat
umindak din sa kumpas ng pueblo.
• Ang kaayusang pueblo ay lumaganap sa mga
lambak at kapatagan at naging lunsaran ng
pagpapatuloy ng pagbubuo ng bayan sa buong
kapuluan.
Istruktura ng Estadong Kolonyal-
Pyudal
Pagtatatag ng kapangyarihang pulitikal

• Lantad sa mga plaza complex ang


mga instrumento ng paghahari sa
mga lupaing sakop – pagpapatayo ng
mga fuerza (kuta), baluarte (moog), at
iglesia.
Istruktura ng Estadong Kolonyal-
Pyudal
• Ang mga kaharian, bilang anyong pulitikal
ng bayan, ay umangkop sa sandatahang
kapangyarihan ng mga kolonisador (i.e.,
Rajah Tupas at Rajah Soliman)
• Ang sandatahang dahas sa pamamagitan
ng pueblo, ang estratehiyang reduccion ay
umagaw sa inisyatiba ng pagtatatag ng
mga Pilipino ng estadong pangkapuluan.
Istruktura ng Estadong Kolonyal-
Pyudal
• Binaklas ng estratehiyang ito ang pag-
uugnayan ng mga datu sa isa’t isa at sa
kanilang mga sakop.
• Sa pagkagapi sa mga datu, nawala ang
nangungunang tagapagbunsod ng
pagbubuo ng bayan.
• Nakaiwas: Sultanato at pangkat etniko
Istruktura ng Estadong Kolonyal-
Pyudal
• Layuning pulitikal:

1. Tiyakin ang paghawak sa kapuluan


bilang kolonya at tugunan ang
kapakanan ng hidalguia.
2. Tugunan ang kapakanan ng hidalguia na
magpayaman.
Balangkas ng Pamahalaang
Espanyol
• Ipinailalim ang mga katutubo sa
pamahalaang Espanyol.
• Ginawang gobernadorcillo at cabeza de
barangay ang mga dating pinuno (datu,
maguinoo).
Balangkas ng Pamahalaang
Espanyol
* Tungkulin ng gobernadorcillo at cabeza de
barangay:
• Mangolekta ng tributo
• Magpakilos ng taumbayan sa mga
patrabaho ng gobyernong kolonyal (polo y
servicios/prestacion personal)
* Ang transpormasyon ay bahagi ng
istratehiya ng reduccion.
Balangkas ng Pamahalaang
Espanyol
• Pabuya (sa pagtanggap): lupain,
pamagat na Don at Dona, encomienda,
suporta ng Kastila laban sa kaaway.
• Ang transpormasyon ng mga dating
pinuno ang naglatag ng batayan ng
estadong kolonyal.
• Nagkaroon ng bagong relasyon ng mga
pinuno at ng mga pinamumunuan.
Batayan ng Nabubuong Pambansang
Lipunan: Mga Pagbabago sa Uri at Etnisidad

Boquiren, et. al. Kasaysayan ng Pilipinas at mga Institusyong Pilipino, SWF, 2003.
Ibinunga ng Sistemang Pueblo
1. Nasira ang ugnayan ng dating pinuno at
ng bayan.
2. Ang pinuno ay nagbago dahil naging
kasangkapan ng mga kolonisador sa
reduccion.
3. Natiyak ang kontrol ng kolonisador sa
taumbayan.
Istrukturang Pangkabuhayan
• Manila-Acapulco Galleon Trade / Nao de
China
• Encomienda
- tribute
- bandala
- polo y servicios
Talaan ng ilan sa mga ari-arian
ng mga fraile
Heswita Mayhalique, Nagsubig, Silang, San
Pedro, Makati, Maysilo, Mariquina,
Marigondo, Nagtahan, Indang, Payatas
Dominiko Lalomboy, Binan, Panay, Great
Malabon, Navotas
Augustino Malinta, Pasay

Recoleto Tunasancillo, San Nicolas, San Pedro,


Imus, Tunasan
Encomienda Hacienda

Instrumento ng estado sa Mekanismo ng pribadong


pagkatas nag yamang surplus sektor sa pagkaltas ng yamang
surplus
Tributo, bandala at polo y Akumulasyon ng renta (mula sa
servicios komersyalisasyon)
Principalia Elite na nakabase sa lupa
(panginoong maylupa)
Pamamahala ng mga sakop Pagmomonopolyo sa
habang itinatatag ang mga lupa/pagkawala ng mga lupain
pueblo. Pesantisasyon (kasama)
Higit na malawak na kaayusang
panglalawigan ng alcaldia.
Paglabag sa mga Patakaran ng
Encomendero
1. Pagpataw ng mas mataas na buwis na sa
anyong salapi o produkto.
2. Nagtakda ng mataas na presyo ng mga
produkto sa hangaring kumita.
3. Pagtatago ng mga pangunahing produkto
(bigas at damit) at pagbenta nito sa
mataas na halaga.
Bunga
1. Napilitang tumakas sa kabundukan ang
mga di makabayad ng tributo upang
maiwasan ang mga multa at parusa
(remontados otulisanes).
2. Nagkaroon ng kaguluhan dahil sa hindi
malinaw na patakaran sa pangongolekta
ng buwis.
3. Pabugso-bugsong pag-aalsa dahil sa
hindi makatarungang pagbubuwis.
Bandala (compras reales)
• Nagdulot ng kahirapan
1. Walang pera na natatanggap kundi
kasulatan ng pangako (promisory note)
na nagsasaad ng panahon ng pagbabayad
ng pamahalaan.
• Utang sa Pampanga (1610-1616) –
P70,000, lumaki sa P200,000 noong
1660 na sanhi ng pag-aaklas
Bandala (compras reales)
2. Sa panahon ng kalamidad at nasira ang
mga pananim, o kawalan ng surplas sa
produksyon ay bibili ang magsasaka sa
kabilang bayan sa mas mataas na halaga
at ibebenta sa Espanyol sa mas murang
halaga – PAGKALUGI.
Polo y servicios
1. Nakaapekto sa ekonomiya ng bayan
dahil ang mga sapilitang paggawa ay
kadalasang natataon sa panahon ng
pagtatanim at pag-ani.
2. Sapilitang pagkakahiwa-hiwalay ng
pamilya at relokasyon sa iba’t ibang
lugar.
3. Pagliit sa bilang ng kalalakihan dahil
napilitan silang mamundok.
Polo y servicios
4. Humantong sa mga pag-aalsa, gaya ng
Sumudoy Revolt (1649) – Visayans were
drafted to haul timber to Cavite
Pampanga Revolt (1660) – overburdened
& overtaxed due to forcible cutting &
hauling of heavy logs.
Sanggunian
• Kasaysayang Bayan, Adhika ng Pilipinas
• Agoncillo, A History of the Filipino People
• Boquiren, et.al, Kasaysayan ng Filipinas at
mga Institutsyong Filipino, 2003.
• Veneracion, Agos ng Dugong Kayumanggi
Maraming Salamat!

Vous aimerez peut-être aussi