Vous êtes sur la page 1sur 61

ANG PANITIKANG FILIPINO

(KABANATA I)
PANITIKAN

Mula sa salitang “pangtitikan” na naging “panitikan” na ang katumbas


sa Ingles ay literature at literatura naman sa Kastila.
Ang Panitikan, ay tulad ng kasaysayan ay nagtataglay ng mga ulat sa
mga naganap sa lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito.
Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan.
Ang kasaysayan ay tukuyan at naglalarawan ng hubad na katotohanan,
samantalang ang panitikan ay nagagayayakan ng magagarang damit ng
pagpapahayag at nakukulayan ng malikhaing guniguni ng may akda.
ANG PANITIKANG FILIPINO
• Sumasaklaw sa pasalita o pasulat na nagpapahayag ng mga
damdaming ukol sa mga gawi at kaugaliang panlipunan, paraan ng
pamumuhay, kaisipang pampulitika at mga kapaniwalaang
pangrelihiyon, ang kanilang mga adhikain, ang kanilang mga
pangarap, mula pa sa bukang liwayway ng kanilang kabihasnan
hanggang sa kasalukuyan.
• Ito’y maaring naisulat o naisalin ng bibig sa iba’t ibang wikain sa
Pilipinas o mga salin ng panitikang banyaga o naisulat ng Filipino sa
wikang dayuhan.
• Pagkain ng diwa o kaluluwa.
IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN

Una: Nagpapahiwatig sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng


lahing pinanggalingan ng akda.

Ikalawa: Sa pamamagitan ng panitikan, ang mga tao sa daigdig ay


nakakatagpo sa damdamin at kaisipan at nagkakaunawaan, bukod sa
nagkakahiraman ng ugali at palakad.
BAKIT DAPAT PAG-ARALAN ANG PANITIKANG
FILIPINO?
Una: Upang makilala natin ang sariling kalinangan, ang minanang
yaman ng isip at ang henyo ang ating lahi na iba kaysa ibang lahi.
Ikalawa: Upang matalos na katulad ng ibang lahi na tayo ay mayroon
ding dakila at marangal na tradisyong ginagamit na puhunang-
salalayan sa panghihiram ng mga bagong kalinangan at kabihasnan.
Ikatlo: Upang matanto ang mga kapintasan sa ating panitikan at
makapagsanay upang mailagan at mapawi ang mga ito.
Ikaapat: Upang makilala ang ating mga kagalingang pampanitikan at
lalong mapadalisay, mapayabong at mapaningning ang mga kagalingang
ito.
Ikalima: Ito’y higit sa lahat at sa ibabaw ng lahat – sapagkat tayo’y mga
Pilipino at dapat maging katutubo sa atin ang magkaroon ng
pagmamalasakit sa ating sariling Panitikang Filipino.
KABANATA II
SARILING PANITIKAN BAGO DUMATING ANG MGA
KASTILA
Ang ating mga ninuno ay may sarili nang panitikan bago pa man
dumating sina Magallanes sa Pilipinas. Nagtataglay ang panitikang ito
ng kasaysayan ng ating lahi, mga kuwentong bayan, salawikain,
kasabihan, bugtong, palaisipan at iba pa.
Ang ginagamit na sulatan ng ating mga ninuno ay ang mga biyas at
kawayan, talukap ng bunga o niyog at sa mga dahon at balat ng mga
punongkahoy, dulo ng lanseta o anumang patalim, matutulis na bato o
bakal at iba pa.
SUBALIT……
Ang mga talang pampanitikan ng matatandang Pilipino ay sinunog ng
mga unang prayle na lumunsad sa Pilipinas. Upang mapalaganap agad
ang pananampalatayang Katoliko ay sinunog ng mga prayle ang mga
manuskritong tagalog na nasulat sa matandang baybayin sa iba’t ibang
panig ng Pilipinas.
NGUNIT…….
Hindi nasunog ang mga kantahing bayan, mga bugtong, mga salawikain
at kasabihan……………
Sapagkat…..
ang mga ito’y nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao.
MGA SALING-BIBIG NG PANITIKAN
MGA KARUNUNGANG BAYAN

1. BUGTONG
- binubuo ng isa o dalawang maiikling taludtod na may sukat o tugma.
- Ang pantig ay maaaring apat o hanggang labindalawa.
- Ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
- Binibigkas ng patula.
- Nilalaro ng mga naglalamay sa bahay ng namatayan upang magbigay-
aliw at upang huwag antukin ang mga napupuyat.
- Nang lumaon, ginagawa na rin ito kung may handaan o pistahan.
Halimbawa:

Nakatalikod na ang prinsesa,


Ang mukha’y nakaharap pa.
Balimbing
Yumuko man ang reyna,
Di malalaglag ang korona.
Bayabas
Baboy ko sa pulo,
Ang balahibo’y pako.
Langka
Naabot na ng kamay,
Ipinagawa pa sa tulay.
Kubyertos
SALAWIKAIN
• Karaniwang binubuo ng taludturan, may sukat at may tugma. Ito ay
sandigan ng matatanda sa magandang pagpapakatao. Ang aral nito ay
napapaloob sa angking talinghaga.
• Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.

• Tuso man daw ang matsing, napalalanlangan din.

• Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.

• Kung ano ang puno ay siya ring bunga.

• Ang tunay na bakal, sa apoy nasusubukan.

• Habang maigsi ang kumot, magtiis mamaluktot.


KASABIHAN
• Patulang mga taludtod na bukambibig ng mga bata at matatanda na
kung tawagin sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes.
• Tulang pambata o mga tugmang walang diwa, o kaya’y mga tugmang
mababaw ang isinasaad na kahulugan.
• Ang batang matapat, pinagkakatiwalaan ng lahat.
• Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan.
• Ang kayamanang galing sa kasamaan, dulot ay kapahamakan.
• Ang taong walang tiyaga, ay walang yamang mapapala.
• Mabisa ang pakiusap na malumanay, kaysa utos na pabulyaw.
• Walang lihim na nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
• Ang masipag sa buhay, umaani ng tagumpay.
PALAISIPAN
• Halos katulad ng bugtong maliban sa pagkakaiba ng anyo nito
nagpapakita ng payak na katalinuhang pang-aritmetika at panlohika.

• Pagsasanay sa pagpapatalas ng isip.


Halimbawa:

• May limampung kambing na nabakuran. Lumukso ang limampu ilan


ang natirang kambing?
Sagot: Limampu rin, kasi lumukso lang naman.
• May sampung aso sa itaas ng building, may nakita silang pusa sa
ibaba, tumalon sila sa building. Ilan ang natira?
Sagot: Sampu pa rin tumalon lang naman sila,
hindi naman nagpatihulog.
• Si Ann ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa
sa panganay ay si Nana, Nene,Nini, Nono at…? Ano ang pangalan ng
bunso sa magkakapatid?
Sagot: Ann.
BULONG
• Ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o
pook na pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-lupa, malign at iba
pang makapangyarihan espiritu nang hindi sila magalit o manakit.

Tagalog:
Tabi, tabi po mga nuno. Makikiraan po.
• Bikol
Tabi…Makiagi…Mga buta kami. Dai tabi kami makarani.
(Tabi…makikiraan…Mga bulag kami. Huwag po kayong lalapit baka
kayo’s maapakan namin.

• Ilonggo
Tabi, tabi…Maaagi lang kami. Kami patawaon, Kon kamo
masalapay namon. (Tabi, tabi…Makikiraan lang kami. Kami’y patawarin
kung kayo’y masagi namin.
AWITING BAYAN
• Bahagi na ng katutubong pamumuhay sa kulturang Filipino.

• Lumilitaw ang mga awiting bayan sa anyong patula na may sukat at


tugma.

• Nagsasalaysay ito ng damdamin, karanasan, kaugalian at


pananampalataya o kaya’y uri ng gawain at hanapbuhay sa pook na
pinanggagalingan nito.
Halimbawa:
• Oyayi o Panghele – Karaniwang inaawit ng isang ina sa kanilang
sanggol habang ito’y pinapatulog.

Mama. Mama, namamangka


Pasakayin yaring bata,
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.
Ale, aleng namamayong
Pasukubin yaring sangol,
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit sa bagoong.
• Soliranin – Awit ng mga manggagaod.

Hala gaod tayo, pagod ay tiisin


Ang lahat ng hirap pag-aralang bathin.
Kahit malayo man, kung ating ibigin,
Daig ang malapit na ayaw lakbayin.
• Talindaw – Awit sa pamamangka.

Sagwan, tayo’y sumagwan


Ang buong kaya’y ibigay
Malakas ang hangin
Baka tayo’y tanghaliin
Pagsagwa’y pagbutihin.
• Maluway – Awit sa sama-samang paggawa (pagbuhat ng bahay o
paghila ng bangka)

“Isa, kapit sa pantay dalawa…


O…huwit! Hinila na!”

O pabirong:
“Ang aking kumara
Hinanap ni pare.
Nang kanyang Makita
Lilis na ang saya.
Hu…wit! Pinasan na
• Kumintang o Tagumpay – awit ng pakikidigma.

Ang nuno nating lahat Tayo baga’y mag-aasal


Sa kulog di nasindak Gayong buhay, tila patay
Sa labanan, di naawat, Halina nga at usigin
Upang tayong mga anak Ang alitikya, mga haling.
Mabuhay nang mapanatag Ipagtanggol ang bukirin,
Itong ating kabukiran Ang mga anak natin.
Sampung buhat at tahanan Tayo naman may patalim
Ibig nilang kuning tunay. Dugo’t buhay puhunanin.
Maagaw sa ating kamay,
• Kundiman – Awit sa pag-ibig.

Noong unang panahon ako ay bata pa


Natitisod mo na’y di mo alintana
Nang ako’y lumaki at nagging dalaga.
Tila sa wari ko’y may pagbabanta pa,
Pagsinta mo sa aki’y di ko tatanggapin,
Pagkat akong ito’y alangan sa tingin
Ako ay mahitap, pangit pa sa paningin
Bakit naman ngayon’y iyong iibigin?
• Dalit o Himno – Awitin na sinasaliwan ng sayaw at tugtog ng
kumpiyang.

Paru-parong bukid
Paruparong bukid na lilipad-lipad.
Sa gitna ng daan, ay papagapagaspas.
Sangdangkal ang tapis, sangbara ang manggas.
Ang sayang de-kulay sang metro ang sayad.
May paineta pa siya, may suklay pa mandin.
NAGNAS DE OJETES, ang palalabasin.
Haharap sa altar at mananalamin,
Saka lalakad nang pakendeng-kendeng.
• Panudyo – patula ang pagkakabuo nito. Bigkasin maging ng mga bata
at matatanda.

Tutuni, tutubi
Huwag kang papahuli
Sa batang mapanghi,
Umihi kagabi.

Bata batuta,
Nagsuot sa lungga
Hinabol ng palaka.
• Sawikain – mga patalinhagang salita na ginagamit sa pagpukaw at
paghasa ng isip ng tao.
1. Hulog ng langit 10. Basang sisiw
2. Maluwag ang turnilyo 11. Di-mapahayang gatang
3. Matigas ang ulo 12. Maliit na sisidlan
4. Kutong Lupa 13. Putak nang putak
5. Maitim ang gilagid 14. Nagpantay ang paa
6. Makati ang dila
7. Putok sa buho
8. Bukambibig
9. Anak-pawis
• Kuwentong Bayan – nagpasalin-salin sa bibig ng marami at hindi na
alam kung saan nagmula.
Halimbawa:
Bakit maliwanag ang araw kaysa buwan?
• Alamat at Mito – Mga pangyayari sa kalikasan ay binibigyan nito ng
paliwanag sa pamamagitan ng malikhaing guni-guni.

Halimbawa:
Si Malakas at si Maganda (Tagalog)
Banahaw (Tagalog)
Ang Pinagmulan ng mga Lahi (Bisaya)

Vous aimerez peut-être aussi