Vous êtes sur la page 1sur 32

Mga Ekspresyong

Naghahayag ng Posibilidad
Posible Nga Bang Magbago
ang Isang Tao?
“Walang sinuman ang
makapipilit sa kapwa-tao na
magbagong-buhay. Dapat ang
pagbabago ay magmumula sa
mismong indibidwal at ninanais niya
ito”
- Vivien Stern, A Sin Against the Future-
Imprisonment in the World
Ang isang tao gaano
man kasama ay maaaring
magbagong buhay subalit
walang sinuman ang
makapagpapabago sa
kaniya. Tanging siya lamang
ang makapagdedesisyon
para baguhin ang sarili
niya.
Madalas, inaasam natin ang
posibleng pagbabago ng ating
kapwa lalo na ng isang mahal
sa buhay na naliligaw ng
landas o nalilihis sa tuwid na
daan. Iba’t ibang paraan o
istratehiya ang ginagamit para
magbago ang iba tulad ng
pagpaparusa, pakikiusap,
panunuhol, at iba pa.
Gayunman, kung magbabago man
ang taong ito ay paimbabaw
lamang. Tila ginagawa lamang ito
para mapagbigyan ang taong
umaasam ng kaniyang pagbabago.
Subalit kapag ang mismong tao na
ang nagdesisyong gusto niyang
magbago, ito ang pagbabagong
malalim at may katiyakang
maisasagawa o mapaninindigan.
Gayunma’y, malaki pa rin
ang magagawa ng
pananalangin. Posibleng
ang hindi magawa ng
isang tao para sa kapwa
ay mangyayari ayon sa
kagustuhan at paraan ng
Panginoon.
1. May posibilidad nga bang
magbagong-buhay ang isang
taong naligaw ng landas?
Ayon sa binasa sino lamang
daw ang makapagpabago sa
kanya?
2. Maaari nga kayang
makatulong ang taimtim na
pananalangin sa Panginoon
para sa pagbabago ng iba?
Maglahad ng halimbawang
napanood, nabasa o tunay
na naranasan para
makapagpatunay rito.
May mga salita o
ekspresyong ginamit sa
tekstong binasa na
nagsasaad ng posibilidad.
Ang mga ito ay maaari,
posible at tila
Halina’t kilalanin ang
iba pang salitang nagsasaad
ng posibilidad!
Sa ating pakikipag-usap at
maging sa pagsusulat, madalas ay
nagpapahayag tayo ng mga
posibilidad. Posibilidad ang tawag
sa mga pahayag na maaaring
magkatotoo subalit hindi pa
matiyak o masigurado o may
pang-aagam-agam pa tayo.
Kadalasan ginagamit
natin ang mga salitang
baka, maaari, marahil,
puwede kaya ang…,
siguro, sa palagay ko,
may posibilidad bang…,
posible kayang…, at
tila.
Dahil positibo ang
inilalajad sa mga
ekspresyong ito, ang
inaasahang sagot ay
maaaring positibo o
negatibo depende sa kung
maaari nga bang
magkatotoo ang bagay na
inihahayag o itinatanong.
Usapan 1
Lianne: Posible kayang magkaroon
ng snow dito sa Pilipinas?
Dona: Hindi posible ‘yan kasi
kabilang ang Pilipinas na may klimang
tropikal kaya dalawang uri lamang ng
klima ang nararanasan natin, ang
tag-ulan at tag-araw.
Usapan 2
Ding: Posible kayang
umulan mamayang
hapon?
Patrick: Malamang uulan
nga mamaya. Makulimlim
kasi ang himpapawid.
Kilalanin at bilugan
ang salita o mga
ekspresyong nagsasaad
ng posibilidad.
1. Maaari kayang maglaho
ang lahi ng mga hayop na
nanganganib nang
maubos tulad ng agila?
2. 2. May posibilidad kayang
makatulong ang mga
mamamayan para
maisalba ang mga hayop
na ito?
3. Sa tingin mo, posible
kayang maparusahan ang mga
taong nanghuhuli at
nagbebenta ng mga hayop na
ito para hindi sila pamarisan?
4. Baka mahirap iyan dahil
wala namang palaging
nakabantay sa ating
kagubatan.
5. Siguri dapat maging mas
mabigat ang parusang
ibibigay sa mga lalabag ng
batas.
6. Sa palagay ko,
makatutulong iyan para
mapigilan ang mga
mangangasong ito.
7. Tila mas madaling
sabihin kaysa gawin.
8. Puwede kayang bumuo
tayo ng proyektong
tatawag ng pansin sa iba
para pangalagaan ang
mga hayop sa kagubatan?
9. Makabubuti kaya kung
kukumbinsihin natin ang
ating mga kamag-aral na
suportahan ang proyektong
ito?
10. Marahil. Iyan ang
pinakamabuting dapat
nating gawin ngayon.
Nagagamit ang mga Ekspresyong Naghahayag
ng Posibilidad ( F7WG-Icd-2)
Sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa pamamagitan ng
buong pangungusap gamit ang
mga salita o ekspresyong
nagpapahayag ng posibilidad.
Salungguhitan ang mga salita o
ekspresyong ginamit mo.
1. San ka kaya mag-aaral pagdating
mo ng kolehiyo?
2. Anong kurso kaya ang kukunin
mo?
3. Saan ka kaya magtatrabaho
kapag nakatapos ka na?
4. Mangingibang-bansa ka kaya para
roon na magtrabaho o tumira?
5. Ilang taon ka kaya magpapakasal
o mag-aasawa?
Pagsasagawa ng Pananaliksik
Tungkol sa Pabula
Mahalagang malaman ng
isang mag-aaral kung ano-ano o
kung saan-saan makakakuha ng
mga datos para sa komprehensibo
at sistematiko ang gagawing
pananaliksik. Kilalanin natin ang
bawat isa.
Napakabilis ang modernisasyon
sa teknolohiya. Isang click lang sa
mga search engine tulad ng google
ay aabot ng daang libong resulta na
lalabas sa loob lamang ng
kalahating segundo. Subalit
kailangang maging mapanuri at
matalino upang matukoy kung
mapagkakatiwalaan at tumpak ba
ang impormasyong nakakalap.
Makatutulong kung ang
website ay may karugtong
na edu, gov, o org ang
panggagalingan ng
impormasyon. Dapat ding
banggitin o bigyang-
pagkilala ang pinagmulan
ng kaniyang impormasyon.
Ang mga nakalimbag na
libro o naka-pdf na aklat ay
mabisa pa ring mapagkukunan
ng impormasyon. Kasama rin
dito ang iba’t ibang
sangguniang nakalimbag tulad
ng encyclopedia, almanac,
atlas at diksiyonaryo.
Sa mga magasin at
diyaryo mam ay marami
ring artikulo o tekstong
maaaring pagmulan ng
kakailanganingimpormasyon
.
Ang mga impormasyon
ay maaari ring nagmumula
sa mga napanood na video,
dokumentaryo at iba pang
palabas pantelebisyon.
Ang ilang napapanahong
impormasyon ay maaari ring
magmula sa mga panayan,
seminar at workshop kung
saan ang mga tagapagsalita o
tagapanayam ay mga eksperto
sa paksang kanilang ibinibigay
para sa mga tagapakinig.
Naisasagawa ang Sistematikong Pananaliksik
tungkol sa Pabula sa Iba’t ibang Lugar sa Mindanao
(F7EP-Icd-2)
Ngayon alam mo na kung saan
maaaring kumuha ng impormasyon,
magsagawa ka ng pananaliksik
tungkol sa pabula ng Mindanao.
Humandang ibahagi ang iyong
nasaliksik sa iyong kapangkat.
Pagsama-samahin ninyo ang iyong
nasaliksik a saka iuulat nang
malikhain sa harap ng klase.
Napakagaling 5 4 3 2 1 Sadyang Di-magaling
Ang pinagmulan ng mga datos na Ang pinagmulan ng mga
inilahad ay binigyang-pagkilala datos na inilahad ay walang
at ang mga ito’y pagkilala at ang mga ito’y
mapagkakatiwalaan mapagkakatiwalaan

Naipahayag ng malinaw ang Magulo ang pagpapaliwanag


pagpapaliwanag kaya’y kaya’y nakalito sa
naunawaang mabuti. mambabasa.
May tiyak na layunin ang Walang pinatutunguhan ang
pagpapaliwanag ginawang pagpapaliwanag.

Nakapupukaw ng interes at Hindi naging kawili-wili ang


kawili-wili ang paglalahad. paglalahad.

Wasto ang pagkakagamit ng Maraming ginamit na hindi


wika at gramatika. angkop sa isang pormal na
paglalahad
Inihanda ni:

CHING A. CABANIT
Grade 7 DLL Writer
Teacher III
Imelda NHS

Vous aimerez peut-être aussi