Vous êtes sur la page 1sur 35

Aralin 1 : Teoryang Dekonstruksyon

KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR


Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese

Japara , Mayo 25, 1899


Ibig na ibig kong makakilala ng isang babaeng moderno, iyong babaeng malaya,
nakapagmamalakit makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masiglat
maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang
sariling kapakanan at kaligayahan kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan.
Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa pusot isip
koy hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga putting
kapatid na babae na tumatanaw sa malayong Kanluran.
Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang

ipagkaloob ang sarili sa mga nagtatrabahot nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit
nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaring lumuwag
ang tali at kamiy pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring
dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na henerasyon. Alam mo ba kung
paano mahalin ang bago at batang panahong ito nang buong pusot kaluluwa kahit nakatali sa
lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan/ Tuwirang sumasalungat sa
kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon namin.
Wla akong iniisip gabit araw kundi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang
tradisyon namin. Alam kong para sa aking sariliy magagawa kong iwasan o putulin ang mga ito,
kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumang tradisyon na pumipigil sa
akin; at ito ang pagmamahal na iniuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong
nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong wasakin ang puso ng
mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa
akin nang buong pagsuyo?
Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na
Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit
noong musmos pa akoy may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon; may
isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maabot ng aking pang-unawa. Gumigising
ito sa akin para hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong magisa. Ang puso koy sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot
na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan.
Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malalayong lupain, umaabot sa akin, at sa
kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala nito ang binhing
sumupling sa aking puso, nag-ugat, sumibol hanggang sa lumakas at sumigla.
Ngayoy kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo.
Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Akoy may anim na kapatid na lalaki
at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng
kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kauna-unahang regent ng gitnang
Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat- ang sibilisasyong
Kanluran. Lahat ng mga anak niyay may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang
ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kaunlarang minana sa kanilang ama; at nagdulot
naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga
pinsan kot nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, ang
pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan dito sa India. Ang bunso sa tatlong
nakatatandang kapatid kong lalakiy tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands, at
naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babaey
bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapg-aral dahil na rin sa kahigpitan ng aming mga
luamng tradisyon at kumbensiyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalot
kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskuwela. Ipinagbabawal ng aming
kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta
saanman, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanging lugar ng pagtuturong maipagmamalaki
ng siyudad namin na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European.

Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taong gulang, ako ay itinali sa bahay kinailangang
ikahon ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-ugnayan sa mundong nasa labas ng
bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang
mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang
lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong bandang huli, nalaman kong
tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para
sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat
ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa
pagitan ng makakapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas.
Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa akiy
ang pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi
naman ipinagbawal. Ito ito lamang ang nag-iisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at
kainip-inip na panahong iyo, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang naging kaawa-awa ang
kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay kot kaluluwa. Subalit dumating
ang kaibigan kot tagapagligtas ang Diwa ng Panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang
mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalot matatag na balangkas ng mga lumang
tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba namay pilit at
bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin.
Sa wakas, nakita kong muli ang mundo sa labas nang akoy maglabing-anim na taon. Salamat sa
Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong
bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayaring nagpabalik sa aming mga babae
ng mga nawala naming kalayaan.
Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa ( bilang Reyna
Wilhemina ng Netherlands ), opisyal na inihandog sa amin ng mga magulang namin ang aming
kalayaan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aming buhay, pinayagan kaming umalis sa bayan
namin at pumunta sa siyudad na pinagdarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong
dakilang tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulang namin ang sarili sa
labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang mundo; naging usap-usapan ang
krimeng iyon na ditoy wala pang nakagagawa. Nagsaya ang aming mga kaibigang European,
at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan.
Lagi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makipamista, o
malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong
malaya upang makatayo nang mag-isa, mag-aral, hindi para mapailalim sa sinuman, at higit sa
lahat, hindi para pag-asawahin nang sapilitan.
Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking
kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim; ito ang pinakamalaking kahihiyang
maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya.
At ang pag-aasawa para sa amin mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At
paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung
pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng

kaluwagay para sa kanya lang?


Pag-ibig! Anong nalalaman namin dito ukol sa pag-ibig? Paano namin maiibigan ang isang
lalaking hindi namin kailanman nakilala? At paano nila kami iibigin? Hindi yata maaaring
mangyari iyon. Mahigpit na ipinaghihiwalay ang mga kabataang babae at lalaki, at kailanmay
hindi pinapayagang magkakilala.

Aralin 2: TEORYANG FEMINISMO


Si Kesa at si Morito
Salin ni Lualhati Bautista
Mula sa Rashomon atbp pang Kuwento
Ni Ryunosuke Akutagawa

UNANG BAHAGI: MONOLOGO NI MORITO


Sa pagkakatingin sa buwan habang nagiisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng
mga lagas na dahon sa makalabas ng
bakod ng kanyang bahay:
Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng

buwan. Pero ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig na sumusindak sa akin.
Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ay magwawasak sa aking kasalukuyang sarili at
gagawin akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipin na lang kapag ang mga kamay
na itoy namula sa dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang magiging tingin ko sa aking
sarili kapag nagkaganoon! Ang puso koy di mababagbag sa sakit kung papatay ako ng isang
kaaway na kinasusuklaman ko, pero ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking
hindi ko kinasusuklaman.
Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lang nalaman ang kanyang pangalan, Wataru
Saemonno-jo, mulat sapul pay kilala ko na ang kanyang magandang mukha. Nang matuklasan
kong asawa siya ni Kesa, totoong sandali rin akong nag-apoy sa panibugho. Pero ngayon, ang
panibugho ko'y napawi na, hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking isip o puso. Kaya para sa
aking karibal sa pag-ibig, wala akong pagkamuhi o masamang hangarin. Manapa, mabuti ang
isipin ko para sa kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa, kung paano niya
pinagsikapan at pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nakadama ako ng simpatiya sa kanya.
Naunawaan ko, na sa buong hangarin niya na mapangasawa ito, pinaghirapan pa niyang
matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang simple at nakababagot na lalaking iyon ay
sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti ang gumuguhit sa aking mga labi sa kabila ng
damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pag-uyam; naaantig ako sa pagkamasuyo ng isang lalaki na
ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae. Posible pa rin na ang kanyang masimbuyong
pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay nakapagdudulot sa
akin ng kasiyahan.
Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang
baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon
ang aking palagay. Pero ngayong tumitingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong
motibo. Ano ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramahan ko ng mga
hangaring makalaman kahit noong mga panahong akoy wala pang bahid-dungis. Kung
mapahihitulutan ang eksaheradong pahayag, ang pag-ibig ko sa kanyay hindi hihigit pa sa isang
sentimental na bersyon ng motibong nagtulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga
pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay natupad.
Bagamat nanatili siya sa isip ko sa sumunod na tatlong taon pagkaraang maputol ang aming
ugnayan, hindi ko tiyakang masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod na pakikipag-ugnayan ko sa
kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong hindi ko siya nakilala ng lubos.
Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa kasalukuyang relasyon, na gumugimbal
sa akin, gayunman, alam kong mangyayari. Ngayoy itinatanong kong muli sa aking sarili,
Mahal ko ba siya talaga?
Nang makita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang na kaugnay ng pagkakayari ng
Tulay ng Watanabe, ginawa ko ang lahat ng paraan para makita siya nang patago. Sa huliy
nagtagumpay ako. Hindi lang ako nagtagumpay na makita siya, kundi inangkin ko pa ang
kanyang katawan na gaya ng pinapangarap ko. Sa pagkakataong iyon, ang panghihinayang na di
ko siya nakilala nang pisikal ay hindi ang tanging nangingibabaw sa akin. Nang maupo ako sa
tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni Koromogawa, napansin ko na malaking bahagi ng
aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang na ang aking hangarin ay pinahina ng
pangyayaring hindi na ako malinis. Pero ang pinakapangunahing dahilan ay hindi siya ang

inaasahan kong magiging siya. Nang magkakaupo kaming magkaharap, natuklasan ko na hindi
siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa nakaraang tatlong taon.
Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang kanyang mukha, na makapal na
nakukulapulan ng matingkad na pulbos, ay pinaglahuan na ng
malaking bahagi ng dating kasariwaan at makinis na panghalina. Sa ilalim ng mga mata niyay
nakahugis ang nangingitim na guhit. Ang tanging hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang
malilinaw, bilog,maiitim na mga mata. Nang makita ko siya sa bagong paninging ito, nagimbal
ako, at sa kabila ng aking damdamin ay di ko napigilang iiwas ang aking mga mata.
Kung gayoy paano ko nagawang makipagtalik sa isang babaeng napakanipis ng pagkakabigkis
ko? Unay itinulak ako ng kakatwang kagustuhan na mapangibabawan ang dating hangarin ng
puso ko. Sa pagkakaupong magkaharap, binigyan niya ako ng isang eksaheradong kuwento ng
kanyang pag-ibig sa kanyang asawa. Wala siyang iniwan kundi hungkag na alingawngaw sa
aking tainga. Mayroon siyang hambog na ideya tungkol sa kanyang asawa, naisip ko. May
hinala rin ako na maaaring itoy tulak ng kanyang kagustuhang huwag nang pagningasin pa ang
aking pagnanasa. Kasabay nito, patindi nang patindi ang dating hangarin kong ihantad ang
kanyang kasinungalingan. Bakit itinuturing ko iyong kasinungalingan? Kung sasabihin ninyo sa
akin, minamahal kong mambabasa, na ang sariling kayabangan ko ang nagtulak sa akin para
maghinalang kasinungalingan ang kanyang pahayag, hindi ko maitatatwa ang inyong bintang.
Anot anuman, pinaniniwalaan ko noon at pinaniniwalaan ko hanggang ngayon, na iyon ay
kasinungalingan.
Pero hindi ang hangaring makapanlupig ang tanging ngumangatngat sa akin nang mga sandaling
iyon. Pinamumulahan akong banggitin ito- pinangingibabawan ako ng pagnanasa. Hindi iyon
basta panghihinayang lang na hindi ko nakilala ang kanyang katawan. Iyon ay hamak na
kalibugan mismo na ni hindi nangangailangan na ang kabilang panig ay maging ang babaeng
iyon. Marahil ay walang lalaking umarkila ng babae sa isang bahay-putahan na magiging mas
hamak pa sa akin nang mga sandaling iyon.
Anot anuman, batay sa ganyang ibat ibang motibo, nagkaroon ako ng relasyon kay Kesa. O,
manapa, inalisan ko siya ng dangal. Bilang pagbalik sa unang tanong na binitiwan ko, hindi ko
na kailangang itanong pa ngayon sa aking sarili kung mahal ko siya. Nang matapos ang lahat,
sapilitang ibinangon ko siya aking mga bisig- ang babaeng ito na umiiyak na ibinagsak ang
kanyang sarili. At nagmukha siyang mas walang dangal kaysa sa akin. Ang kanyang nakasabog
na buhok at nagpapawis na katawan, ang lahat ay indikasyon ng kapangitan ng kanyang isip at
katawan. Hindi kamaliang sabihin na simula nang araw na iyon, sa puso koy nagkaroon ako ng
bagong pagkamuhi sa kanya. At ngayong gabiy papatayin ko ang isang lalaking hindi ko
kinamumuhian, para sa kapakanan ng babaeng hindi ko iniibig.
Patayin natin si Wataru, bulong ko sa tainga ni Kesa. Baliw na nga ako para gawin ang
napakagarapal na mungkahing iyon. Wala sa loob na inihiga ko sa tainga niya ang nakaraang
hangarin ko ns hamunin ng labanan si Wataru at pagwagian ang kanyang pag-ibig. Anot
anuman, Patayin natin si Wataru, bulong ko, at tiyak na tiyak na bumulong ako nang nagtatagis
ang mga ngipin, sa kabila ng aking damdamin. Kapag naaalala ko ngayon, hindi ko masasabi
kung ano ang nag-udyok sa akin para gawin ang padalus-dalos na bagay na iyon. Ang tanging

naiisip ko bilang paliwanag dito ay ginusto kong tagpian ang relasyon sa kasalukuyan, at habang
tumitindi ang paghamak at pagkasuklam ko sa kanya, lalo kong kinaiinipan na mawasak ko ang
kanyang dangal. Wala nang mas aangkop pa sa mga layuning ito kundi patayin ang asawang
ipinangangalandakan niyang mahal niya, at makuha ang kanyang pagsang-ayon mula sa kanyang
pagpapatumpik-tumpik. Kaya tulad sa isang lalaking binabangungot, nakapanaig ako sa kanya
na maisakatuparan naming dalawa ang pagpatay na hindi ko gusto. Kung iyan ay hindi sapat
para ipaliwanag ang aking motibo sa pagmumungkahing patayin si Wataru, wala nang paliwanag
na dapat tangkain, maliban sa isang kapangyarihang banyaga sa mga mortal (marahil ay
demonyo o diyablo) ang nagtataboy sa akin sa makasalanang daan. Nagpupumilit at paulit-ulit
na ibinulong ko ang ganoot ganoon ding bagay sa tainga niya.
Sa huliy nag-angat siya ng mukha at sinabi, Oo, dapat mo ngang patayin si Wataru. Hindi
lamang ako nasorpresa sa biglang pagsang-ayon niya, kundi nakakita ako ng mahiwagang kinang
sa kanyang mga mata na hindi ko napansin noon. Taksil na babae-iyon ang naging tingin ko sa
kanya. Gumuhit sa nag-iinit na utak ko ang iglap na pagkabigo at paghihilakbot- at oo,
pagkasuklam. Kung maaaari lang ay babawiin ko ang pangako ko noon din. Sa gayoy
mapangangalanan ko siyang mang-aapid, at ang aking kunsensiyay makapagkakanlong sa
makatwirang pagngingitngit. Pero hindi ko nagawa. Inaamin ko agad kong nakita na imposible
iyon sa saglit na bigla siyang tumitig sa akin. Nagbago na ang kanyang anyo, na para bang
nakita niya ang laman ng aking puso. Nahulog ako sa malungkot na kalagayanng pakikipagtipan
para paslangin ang kanyang asawa dahil sa takot ko na paghigantihan niya ako kapag nabigo
akong tuparin ang aking bahagi ko sa usapan. Ngayon, ang takot na itoy mahigpit at matatag
na dumaklot sa akin. Magtawa kayo kung ibig ninyo, sa aking karuwagan. Ito ang gawa ng
isang hindi nakaaalam kung gaano kahamak ang kanyang kalaguyo. Kapag hindi ko pinatay
ang kanyang asawa, papatayin niya ako sa kahit na anong paraan. Kailangan kong patayin ang
kanyang asawa at kung hindiy papatayin niya ako, desperadong naisip ko, sa pagkakatingin ko
sa kanyang walang luha pero umiiyak na mga mata. Pagkatapos kong bitiwan ang aking
pangako, hindi ba may nasilip akong ngiti sa kanyang bibig at biloy na gumuhit sa kanyang
maputlang pisngi? Ay, dahil sa kasumpa-sumpang pangakong ito, idadagdag ko ang krimen na
buktot na pagpaslang sa pinakamaitin na pusong maaaring maisip. Kung tatalikuran ko ang
nakatakdang pakikipagtipan na magaganap ngayong gabi. Hindi, ipinagbabawal iyon ng aking
pangako. Lagpas ito kaya kong batahin. Isa pa, natatakot ako sa kanyang paghihiganti.
Totoong-totoo ito. Pero may iba pang nag-uudyok sa akin na gawin iyon. Ano ito? Ano ang
malaking kapangyarihang iyon na nagbubunsod sa akin, sa duwag na ako, para patayin ang
isang inosenteng lalaki? Hindi ko masasabi. Hindi ko masasabi. Pero posibleng Hindi, hindi
maaari. Pinandidirihan ko siya. Kinatatakutan ko siya. Kinasusuklaman ko siya. Pero
gayunpaman, maaari ring dahil mahal ko siya.
Si Morito, na patuloy sa paglalakad, ay hindi na nagsalita pa. Ang pag-awit ng isang balada ay
pumailanlang sa gabi.
Ang isipan ng tao ay nasa dilim,
Walang ilaw na makapagbigay-liwanag.
Nagsisindi ito ng apoy ng makamundong paghahangad,
Upang humayo at lumitaw, sa loob lang ng isang iglap.

IKALAWANG BAHAGI: MONOLOGO NI KESA


Gabi, sa ilalim ng isang lampara, nakaTayo si Kesa, nakatalikod sa ilawan, nagIisip nang malalim at kagat-kagat ang
Manggas ng kanyang kimono.
Darating ba siya o hindi, ewan ko. Imposibleng hindi. Lumulubog na ang buwan, pero walang
marinig kahit isang yabag, kaya maaaring nagbago ang isip niya. Kapag hindi siya dumating
Araw-araw akong mabubuhay sa kahihiyan, tulad sa isang puta. Paano ako nalubog sa kahihiyan
at kasamaan. Mawawalan ako ng dangal at tatapak-tapakan na lang, sa pagkakabilad ng
kahihiyan ko. Gayunmay kakailanganin kong manahimik na parang pipi. Kapag nagkagayon ay
dadalhin ko hanggang kabila ng libingan ang aking pagsisisi. Sigurado akong darating siya. Mula
noong nakaraang araw, iyon na ang aking pananalig. Natatakot siya sa akin. Kinasusuklaman
niya akot pinandidirihan, gayunpamay natatakot siya sa akin. Talaga, kung ang aasahan ko
lang ay ang sarili ko, hindi ako makasisiguro sa kanya.Pero maasa ako sa kanya. Umaasa ako sa
kanyang pagkamasarili. Umaasa ako sa buktot na takot na pinipukaw ng pagkamakasarili sa
kanya.
Pero ngayong hindi ko na magawang umasa sa sarili ko, napakahamak ko nang nilalang!
Hanggang noong tatlong taon na ang nakararaan ay may tiwala ako sa akong sarili, at higit sa
lahat, sa aking kagandahan. Mas matapat kung sasabihin nating hanggang noong araw na iyon
kaysa noong tatlong taon na nakararaan. Noong araw na iyong makita ko siya sa silid ng bahay
ng aking tiya, isang sulyap sa kanyang mga mata at nakita ko ang aking kapangitan na
nasasalamin sa kaniyang isip. Kinausap niya ako nang masuyo at mapagmahal, na akala moy
walang problema. Pero paano pa maaaliw ang puso ng isang babae sa sandaling matuklasan niya
ang kapangitan ng kanyang pagkatao? Nagimbal ako, nayanig, nagdalamhati. Di-hamak na
mabuti pa ang nakasisindak na pagkabalisang dala ng paglalaho ng buwan na nakita ko sa aking
kamusmusan sa mag bisig ng aking tagpag-alaga, kung ihahambing sa malamultong pagkalunos
na nagpakulimlim sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Naglahong lahat ng pangarap at
pangitain sa aking puso. Ang kalungkutan ng isang maunos na madaling-araw ay tahimik na
bumalot sa akin. Ngatal sa kalungkutan, sa huli ay isinuko ko ang aking katawan, na para na ring
patay, sa mga bisig ng lalaking hindi ko iniibig sa mga bisig ng isang makamundong lalaki na
nasusuklam at nandidiri sa akin. Hindi ko na ba makakaya ang aking kalungkutan mula nang
buong linaw na maipamukha sa akin ang aking kapangitan? Sinikap ko bang mailibing ang lahat
sa hibang na sandaling iyon na sumubsob ako sa kanyang dibdib? O itinutulak din ako ng
kahiya-hiyang paghahangad lang na gay rin niya? Maisip ko lang iyon ay nilulukob na ako ng
kahihiyan! Kahihiyan! Kahihiyan! Lalo na noong ilayo ko na ang aking sarili sa kanyang mga
bisig, hiyang-hiya ako.
Ang pagka-inis at kalungkutan ay naghatid ng walang katapusang luha sa aking mga mata sa
kabila ng pagsisikap ko na huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan
ako ng dangal, higit sa lahat ay nahihirapan akot nagdurusa dahil akoy pinadidirihang tulad sa
isang asong ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan. Ano ang aking nagawa mula noon?
Ang meron lang akoy ang pinakamalabong ala-ala niyon na para bang isa iyong bagay sa
malayong nakalipas. Natatandaan ko lang ang kanyang mahabang tinig na bumubulong, Patayin

natin si Wataru, at dumampi sa aking tainga ang kanyang bigote habang akoy humihikbi.
Pagkarinig sa mga salitang ito, kakatwang nakadama ako ng sigla. Oo,
sumigla akot lumiwanag na tulad ng sinag ng buwan, kung ang sinag ng buwan ay matatawag
na maliwanag. Bakit hindi, hindi ba ako inaliw ng mga salitang ito? Ay, hindi ba ako hindi ba
ang isang babaey isang nilalang na nakadarama ng kaligayahan sa pag-ibig ng isang lalaki
sukdulang patayin niya ang sarili niyang asawa?
Nagpatuloy ako sa pagluha sa loob nang may malungkot at masiglang pakiramdam na tulad sa
sinag ng buwan. Kailan ako nangakong makipagtulungan sa pagpaslang sa aking asawa?
Noon lamang pumasok sa isip ko ang aking asawa. Matapat kong sinasabing noon lang.
Hanggang sa mga oras na iyon, ang isip koy buung-buong nakatuon sa aking sarili atsa aking
kahihiyan. Pagkaraay nakita ko ang larawan ng nakangiting mukha ng aking asawa. Malamang
na nang sandaling maalala ko ang kanyang mukha, gumuhit sa isip ko ang plano. Nang mga
sandaling iyon ay disidido na akong mamatay, at ikinagagalak ko ang aking desisyon. Pero nang
huminto na ako sa pag-iyak, nang magtaas ako ng mukha, at tumingala sa kanyang mukha para
matagpuan ang kapangitan kong nasasalamin doon, dama koy naglahong lahat ang aking
kaligayahan. Ipinagunita nito sa akin ang kadiliman ng paglalaho ng buwan na nakita ko kasama
ang aking tagapag-alaga. Iyon, tulad ng nangyari, ay iglap na nagpalaya sa lahat ng masamang
ispiritung nagtatago sa ilalim ng aking kaligayahan. Dahil nga ba sa pagmamahal ko sa aking
asawa kaya mamamatay ako para sa kanya? Hindi, kundi dahil lang sa resonableng
pangangatuwirang ito, ibig kong pagbayaran ang pagkakasala kong pakikipagtalik sa iba. Dahil
walang tapang na magpakamatay, nasa akin ang buktot na hangaring makapag-iwan ng
magandang impresyon sa mga tao. Ang kabuktutan kong ito ay maaari na rin sigurong
palampasin. Sa ilalim ng pagkukunwaring mamamatay ako sa aking asawa, hindi ba ako
nagpaplanong ipaghiganti ang aking sarili laban sa pagkamuhi sa akin ng aking kalaguyo, sa
kanyang pandidiri sa akin, sa kanyang buhong na pagnanasa? Pinatutunayan ito ng isang sulyap
sa kanyang mukha na pumawi ng mahiwagang kislap na tulad sa mapulang liwanag ng buwan, at
nagpalamig sa aking puso sa matinding pagdadalamhati. Mamamatay ako, hindi para sa aking
asawa kundi para sa aking sarili. Mamamatay ako, para parusahan ang aking kalaguyo sa
pananakit niya sa aking puso at para sa aking hinanakit sa pagdungis niya sa aking katawan. Ay,
hindi lang ako walang karapatang mabuhay kundi wala ring karapatang mamatay.
Pero ngayon, gaano kainam pang mamatay na lang kahit sa pinakakahiya-hiyang paraan, kaysa
mabuhay. Nakangiti nang pilit, paulit-ulit kong ipinangako na papatayin namin ang aking asawa.
Dahil matalas ang pakiramdam niya, marahil ay natunugan niya sa mga salita ko kung ano ang
mangyayari kapag hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Kaya mukhang imposible na
pagkatapos niyang mangako ng ganoon ay aatrasan niya iyon. Tunog ba iyon ng hangin? Kapag
naiisip ko na ang mga dinaramdam ko mula noong araw na iyon ay matatapos na sa wakas
ngayong gabi, nakakahinga ako. Tiyak na ang bukas ay maghuhunos ng kanyang malamig na
liwanag sa aking katawang walang ulo. Kapag nakita iyon ng aking asawa, siyay hindi, hindi
ko siya iisip. Mahala ko ng aking asawa. Pero wala akong lakas na gantihan ang kanyang pagibig. Isang lalaki lang ang maaari kong mahalin. At ang lalaki iyon ay darating ngayong gabi
para patayin ako. Kahit ang gaserang itoy napakaliwanag para sa akin, akong pinahihirapan ng

aking mangingibig.
Hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal at narinig ang mahinang tunog ng isang nabuksang
kandado, at bumaha sa loob ang maputlang sinag ng buwan.

Aralin 3: Teoryang Eksistensyalismo


AANHIN NINO YAN?
Vilas Manwat
Salin ni Luwalhati Bautista

Si Nai Phan ay isa sa mga sikat sa kapitbahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paay
singgaan ng saboy ng bituib; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangn ng
pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyng talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng
sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangitangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang
pahintulutan ang kanyang mga parukyano sa walang limitasyong pangungutang.
Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari
pang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang
dalawampung satang na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya. Pag ang Than
Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na
kape, sasabihin nito sa anak: Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami
siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon!
Sa iskinita ding iyon ay naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kainan at
tumuls ng mga berso mula sa kuwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan
nang taimtim ang atensyon. Pagkatapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso
ng tsaang may yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang
doughnut para kumpleto.
Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na
kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, puwede nyong bitbitin ang inyong sapatos
hanggang sa aking tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis
na tubig para panghugas ng paa.
Pero eksaktong ikawalo gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng
mga kaibigan niya, Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; diyan maganda ang negosyo, mas
madali kang yayaman.
Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang
mabilis.
Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai
Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang makapagpundar
ng mas malaki pang kayamanan.
Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi
pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na
nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip
nila sa kanilang sarili: Ang saya-saya nilang tingnan, malaya sa paghahangad sa kayamanan.
Mas mabuti pa sila sa amin.
Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisa si Nai Phan. Papadilim na at
naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki.
Anong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?, tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng

baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero
nadarama niya na hindi maganda ang mga pangyayari.
Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat; kung anuman meron ka.
Mukhang ang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao araw-araw. Pag
pinatay kita, wala nang ispesyal don, at pag napatay mo ko, hindi na rin masyadong
nakapagtataka, kaya bilisan mo na. Pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga
bala.
Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sabi niya sa tinig na parang nakikipagusap lang: Ibibigay ko sa yo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa yo dahil
mukhang kailangan-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay ditoy buhay at kamatayan. Eto
lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam?
Siguroy may sakit ang iyong ina; siguroy maraming araw na siyang hindi tumikim ng pagkain.
Bilisan mo; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o
hindi. Maraming buhay ang maaaring nakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko
sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa kunin mo na.
Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi magkalakas-loob na
hipuin iyon.
Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan. Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong
hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang
tao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang
iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag
mong ubusin lahat sa gamot. Maniwala ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero
kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong
bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng
sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman
kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahanan. Sapat na ang makadama ka ng
kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay! at itabi mo ang iyong baril giginhawa agad
ang pakiramdam mo. Ang isang lalakig may dalang baril ay hindi nakakilala ng kapayapaan, ang
puso niyay naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya
habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata.
Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas
niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape
at pagbubukas-palad.
Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki.
Huwag kang magsalita na parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang iniaabot
ang pera sa binata. Ito na lahat niyon. Dalhin mo, iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na
ginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang
lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din
ang gagawin kung desperado.

Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita
kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang
aking baril. Ngayoy uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya nang ilang ulit
bago nagpatuloy. Masama akong anak. Lahat ng perang ibnigay sa akin ng aking inay inubos
ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natiray inubos ko sa pag-inom.
Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkakahalong eksperimento,
pagkakamalit mga kabiguan? sabi ni Nai Phan.
Hindi malakas ang katawan ko, alam mo, pagpapatuloy ng kabataang lalaki. Narinig mo ba
ang ubo ko? Natatakot ako na mayron na akong T.B. Iyong ang dapat sa akin, sa palagayko,
dahil meron akong mga ginagawang masama Dapat talagang mamatay na ako agad-agad.
Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako ng mundo. Salamat, at paalam.
Hindi ma kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang
makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga
pinaniniwalaan mo?
Walang pag-asang umiling ang kabataan lalaki. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.
Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang wala
nang ano pa man sa mundong ito na karapat-dapat paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha
na ako mula nang araw na akoy ipanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking
mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin koy pananagutan ng lahat ang mga kamalasan ko. Ayokong
makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng
pakikipag-usap ng tao sa isat isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila
mahalin at purihin ang isat isa, kung paano sila tumawa at ngumiti.
Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. Lahat ng taoy ganon ang pakiramdam kung
minsan.
Kaya mo ba akong paniwalaan? Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa
lahat. Ang buong mundoy parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na
mapapangapitan o maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay koy
maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong
tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang
trabaho, dalawang linggo, sa isa pahindi ako nagtatagal kahit saan.
Nagbabasa ka ba ng libro?
Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ko nagbabasa ng diyaryo ngayon. Bakit pa? Alam na
alam ko kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga
lugar at mga pangalan, pero ganut ganon din ang mga istorya.
Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai
Phan. Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng
baril, tiyak na papatayin kita. Ang daigdig na itoy punung-puno ng mga lalaki na gustong

magpakita ng galit, mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw
ang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libu-libo ang
napasama, ganon na rin dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito
dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko lagi
kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kailaliman, pinarumi at
dinungisan ng kasalanan ng tao, may matitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil lang ganon
ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung paano magmahal ng iba,
kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pinanaligan
iyon dahil wala pa kong nakitang ganon. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: Sanay
makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para
mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na
mabuhay. Ngayoy nakatagpo ako ng isang taong ganon. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng
hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi
ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong
tuntunin.
Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan,
naalala niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan.
Sanay kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki
na magdala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril.
Ang mga bandidoy maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nilay laging
gagambalain ng katotohanan na ang mga akaaway nilay maaaring sumalakay sa kanila nang
wala silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit.
Pag ang taoy walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong
mynah.
Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idnugtong nito: Babalik
ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakikita uli sa akin ang baril. Yan ang kaaway ng
isang malinis na buhay. Paalam.
Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin
ang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangangkailangan niya ng bagong pansala ng kape.

Aralin 4: TEORYANG ROMANTISISMO


PLOP! CLICK!
(Dobu Kacchiri)
Mga Tauhan:
KOTO
KIKUICHI
ISANG NAGDARAAN

KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para konsultahin siya. Nariyan ba si
Kikuichi?
KIKUICHI : Nariyan na!
KOTO : Nasaan ka?
KIKUICHI : Heto na ko.
KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman
akong hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong
magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo?
KIKUICH I: Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo Ekselenteng ideya.
KOTO : Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng
sake.
KIKUICHI : Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake.
KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na!
KIKUICHI : Nakahanda na ako.
KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mg taong
makita ang dalawang paris natin na namamasyal at nagma- masid sa mga tanawin. Pero ang
pagbibiyahe sa bagong
lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo.
KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago.
Kaya, kapag nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong
magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo.
KOTO :Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito.
KIKUICHI :Nasa gitna nga tayo ng bukirin.
KOTO :Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang
pakiramdam ko.
KIKUICHI :Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe.
KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang

umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin ang
Labanan sa Heike, ang pamosong epiko?
KIKUICHI :Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at
ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin yan, tatanawin kong
malaking utang-na-loob.
KOTO :Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang
berso.
KIKUICHI :Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.
KOTO :Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo
ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genjisilang sabik sa
kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunus-lunos
na pagdanak ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba namay
talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang
mga sugatang talampakan sa duguang baba,ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay,
kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan!

KIKUICHI :Kagila-gilalas palang talaga ang epikong yan. Nagagalak akong marinig.
KOTO : Halikat pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa kin!
KIKUICHI : Sige lang, sumusunod ako.
KOTO : Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang
mainam. Kaya
kailangang pag-aralan mo itong mabuti.
KIKUICHI : Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli.
KOTO Sakalit maitalaga ako sa posisyon ng Kengyo, gagawin kitang isang Koto.
KIKUICHI : Napakabuti mo ngang talaga.
KOTO : Ano yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguroy malapit tayo sa dagat.
KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko;y dagat nga yon.
KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin?
KIKUICHI : Ano nga bang dapat nating gawin?
NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa kabila

ng bundok, kailangan
kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat.
Paano kaya nila magagawa yon? TitigiI muna ako rito at panoorin sila pansumandali.
KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP!
KOTO : Malalim doon.
KIKUICHI : Malalim na malalim doon.
KOTO : Subukan mo sa ibang direksiyon.
KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!
KOTO : Mababaw doon.
KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon.
KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!
KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali.
KOTO : Bakit?
KIKUICHI : Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.
KOTO : Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.
KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking
kaluluwa.
Hayaan niyo ng buhatin ko kayo.
KOTO : Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo.
Maghawakan na lang
tayo sa isat isa saka lumakad nang painut-inot.
KIKUICHI : Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko
kayo sa aking
likuran.
KOTO : O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang
maghanda na muna
tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo.

KIKUICHI : Salamat, nakahanda na ako.


NAGDARAAN : Mautak ang mga bulag na yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa
pamamagitan ng
paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat patawid sa dagat.
(Papatong siya sa likod ni KIKUICHI).
KIKUICHI : Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat.
Sana naman hindi
masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito nang walang kahiraphirap, at natutuwa akot wala ring disgrasya.
NAGDARAAN : (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa ako.
KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan. Kiku-i-chi!
Nasaan ka?
KIKUICHI : Na-ri-to a-ko!
KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid?
KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo.
KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat.
Ang hayop
na yon mag-isa palang tumawid.
KIKUICHI : (Magmamadaling tumawid sa pinaggalingan) Kailan kayo tumawid na muli rito
Amo?
KOTO : Kailan? Abat walanghiya tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali kat buhatin mo na
ako agad.
KIKUICHI : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na kayo sa
likod ko.
KOTO : Huwag kang magalaw.
KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito.
KOTO : Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw.
KIKUICHI : Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo!
NAGDARAAN : Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag!

KOTO : Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi
na akong
pabuhat sa iyo noong una pa.
KIKUICHI : Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero
natalisod ako.
Patawarin ninyo ako.
KOTO : Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May
nangyari ba sa
sake?
KIKUICHI : Anong sabi nyo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya.
KOTO : Giniginaw na ko. Tagayan mo ako.
KIKUICHI : Sige po.
NAGDARAAN : Abat may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon.
KIKUICHI : Nagtatagay na po ako. Glug, glug!
KOTO : Tama na yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito.
KIKUICHI : Sigurado, Amo.
NAGDARAAN : (Sa mga manonood). Ang sarap nito!
KOTO : Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lang pot binigay ko sa inyo.
KOTO : Iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.
KIKUICHI : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako. Heto, pupunuin ko na ang
baso.
KOTO : Sige, bilisan mo.
KIKUICHI : Eto na. Glug, glug!
NAGDARAAN : (Sa mga manonood). Abat may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng
ito!

KOTO : Tama na yan. Uminom ka rin nang kaunti.


KIKUICHI : Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba?
KOTO : O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan?
KIKUICHI : Pero katatagay ko lamang po ng isang punung baso para sa inyo.
KOTO : Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang
tarantado ka. Ni
isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mong pag-inom.
KIKUICHI : Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang
hindi inuuna ang
amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong tagay.
KOTO : Abat talaga bang ginagalit mo ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ko at pinalalabas
na iniinom
kong tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit.
KIKUICHI : Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.
KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira?
NAGDARAAN : (Sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang!
Bangg!
KOTO : Aray,aray ko! Abat sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon naman
may gana
ka pang bugbugin ako.
KIKUICHI : Anong sabi ninyo? Bugbugin?
KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol!
KIKUICHI : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksiyon ninyo ang
mga kamay ko.
KOTO :

A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?

KIKUICHI : Aray, aray ko po! Inaakusahan nyo na nga ako ng kung anu-anong hindi ko naman
ginagawa,
ngayon naman sinasaktan nyo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang walang kasalanang
katulad ko?
KOTO : Abat ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko.

KIKUICHI : Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magsalita kayo,sino pa?


KOTO : Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan?
KIKUICHI : Nasa binti ko ang mga kamay ko.
KOTO : Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin?
KIKUICHI : Aray, tama na! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko. Amo.
KOTO : Ano? Abusuhin?
KIKUICHI : Ano pa nga bang ginagawa ninyo?
KOTO : Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo.
KIKUICHI : Di dumadapo? Kung gayoy sinong nanununtok sa akin?
KOTO : Aray, ano ka ba?
KIKUICHI : Aray ko po, tama na!
NAGDARAAN : Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa ibat ibang pakana. Pero, teka!
Abat tinutuluyan na
nilang magsuntukan.Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang makaalis na ako habang may
araw pa.
KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!
KIKUICHI : Bakit ako sinasaktan?
SILANG DALAWA : A-a-ray.
KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala
kayong mabait.
Santo-santito!
KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang
ibang tao rito?
Hulihin nyo siya, hulihin nyo! Huwag nyo siyang patatakasin!

Aralin 5: Teoryang Imahismo


Tahanan Ng Isang Sugarol
Salin ni Rustica Carpio

Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari.


Mabilis na papunta sa kanluran ang lumulubog na araw.
Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang
napapikit nang maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang
mga bituing nakahihilo.
Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng
palanggana at naglalaro ng tubig.
Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay. Si Ah Yue iyon na mas
matanda kay Siao-lan nang mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim
sa kabilang gilid. Nang makitang tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para
kunin ang mga labada at isampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ng kubong
walang dingding.
Hindi sinagot nipLian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at nakapikit
nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga biente-singko anyos, at naksuot ng
kupas na asul na sam-fu. Medyo nakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit at nagingitim na
bukol sa kanyang noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailan lamang.
Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya at malapit nang manganak.
Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang isinampay ang
mga damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayad siya at tumingala.
Habang minamasdan ang maliit na katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasampay ng
mga damit sa alambre, biglang nahabag si Lian-chaio. Mahina niyang sinabi, Ah Yue, magiingat ka. Baka ka mahulog!
Opo! sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong, Inany,
luto na ba ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni Itay!
Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon
pang kaning lamig na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain
pag-uwi ang asawa niyang sugarol, tiyak na may mangyayari. Hindi sinasadyay nahipo niya ang
namamagang bahagi ng noo. Tuamahip ang kanyang puso. Nagmamadali siyang naligo sa tabi
ng balon at pagkatapos ay tinulungan si Siao-lan sa paglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang
dalawang balde ng tubig at kinarga ang mga ito sa pingga pauwi.
Ang nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, sa malaki at bilog
na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na
si Siao-lan na naglalakad sa kanyang likuran, palinga-linga.
Pagod na si Lian-chiao sa walng tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng
kilos. Mabilis niyang sinidihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pikulo ang tubig,
nilinis ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina.

Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa ibat ibang bahagi. Sa tabi ng pugon ay may
maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangang isaintabi muna ni Lianchiao ang sipit ng kalan para manguha ng panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o
dalawang piraso tuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar.
Abala sa gawain si Lian-chiao. Tinanglawan ng liwanag na nagmumula sa apoy ang mga guhit
ng pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula ala-sais ng umaga,
nang bumangon siya para maghanda ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawa hangga
ngayon, maliban sa sandaling pahinga noong tanghalian. Noong umagay nanguha siya ng mga
punla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoy na panggatong at
namitas ng ta-feng-ho isang damong panggamot na gagamitin niyang pampaligo pagkapanganak.
Malapit nang isilang ang sanggol at hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi niya ihahanda
agad ang mga kailangan, anong mangyayari sa bahay kung bigla na lang siyang ipasok sa
ospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at
magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kung hindi niya aasikasuhin ang mga
bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod sa gawain sa bahay, kailangan niyang
lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid ng bahay, at bunutin ang ligaw
na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya ng kanyang asawa kapag naging masama ang ani.
Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil
nagkamali siyang sagutin iyon.
Sssst . . . Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng
bango ng nilulutong gulay.
Nakaupo si Siao-lan sa loob ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitingnan ang nakatatandang
kapatid na nakatayo pa rin sa kuwadradong bangko sa labas.
Di kaginsa-ginsay isang tinig na tila tunog ng basag na kampanana nagbuhat sa labas ng pinto.
Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaaakyat mo, ha? Gusto mo na
bang dalawin ang hari ng kadiliman?
Itay . . . nagsasampay lang ako. . . kiming sagot ni Ah Yue.
Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay at sandaling
tumayo, galit. Lintik! Gabi nay hindi pa luto ang hapunan. Umali ka ba para hanapin ang
kalaguyo mo?
Sandali na lang . . . maluluto na . . . Ipiprito ko na lang ang inasnang isda. Pagkatapos . . .
pagkatapos ay puwede na tayong . . . maghapunan. Walang lakas ng loob si Lian-chiao na
tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang palto ang pinipritong talbos ng kamote at naglagay
pa ng ilang patak na langis sa kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang
hinuhugasan ang inasnang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyang asawa.
Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihitit ng opyo: payat at
matangkad, may maiitim na ngipin at namumulang mga mata. Matapos nakapamaywang na
sigawan ang bawat isa, nagsimula siyang maghubad, at marahas na nagtanong, Handa na ba

ang tubig na pampaligo?


Ihahanda ko na ang tubig, ihahanda ko na . . .
Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig sa isang
balde na kauuwi lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang kamay sa luma at sirasirang banyo. Yukung-yuko siya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at
nakangiwi ang maputlang mukah, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawang-pag-sa.
Sumagitsit sa kawali ang inasnang isda dahil sa init ng mantika.
Masusunog na ang inasnang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala
kang alam kundi kumain! Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babaey
papunta sa banyo.
Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila nagkalakasloob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sa sugal si Li Hua.
Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang namamantikang nguso, kinuha ni Li Hua ang
lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, pwe! lumura sa lupa. Niligis
ng kanan niyang paa ang malapot na laway sa sahig.
Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa, ang
mangkok at chopsticks, at nagkakandautal na , Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Akoy . . .
Ano? Hindi ako aalis? Napakalakas ng boses ni Li Hua. Natalo ako ng beinte dolyar ngayong
hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para mabawi ang natalo sa akin? Pag
hindi ako nanalo ngayong gabi, hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong!
Puwede bang bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying
malapit na akong manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak.
Minasdan ni Lian-chiao ang malaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa ang kanyang
boses.
Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong pumula ang
mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita ang dalawang hanay
ng bungi-bungi at maiitim na ngipin. Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng
masarap na pagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang
magbayad?
Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan ang nguso. Humakbang ang mahahaba niyang
binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan.
Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig, natitigilan at
hindi makakilos.

Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na
higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-vhiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pagod na
apagod siya at mabigat na ang mga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na
gising pa rin ang kanyang isip.
Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na pumapailanglang sa
lambak, naaanod, naaanod kasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taong patay na o buhay pa,
ang larawan ng kanyang ina ang namumukod na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo kaagad,
pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak niya si Lian-chiao na kinse anyos pa lamang noon.
At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ng mainam nabuhay pagtanda niya, at laban sa
payo ng mga kamag-anak at kaibigan nila, pinili niya para maging manugang si Li Hua, na anak
ng nooy isang mayamang negosyante. Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon
pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ng bahay, ang inay namatay sa kanser sa dibdib.
Paano niya malalaman na dahil sa ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyng anak ang
katahimikan at kaligayahan sa buong buhay nito?
Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa
luhang napigil ang pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyang asawa,
ang walang silbi at tila kawayang si Li Hua. Winaldas niyang lahat ang manang iniwan ng ama
niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing, paghitit ng opyo, pagpunta sa bahayaliwan eksperto siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay ang
pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae ang
isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Sa
madaling sabi, si Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil dito, napakasama
ng pakikitungo niya kay Lian-chiao.
Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatuwiran at kung
minsan, ay malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na
magmaktol at mangatuwira, mandidilat agad iyon, at luluran siya sa mukha mismo, humihiyaw,
Ikaw ang sumpa ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka-luka! Kung
gusto mong lumayas, puwede ka nang umalis ngayon din. Alis! Alis! Sinong pumipigil sa iyo?

Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan-dahan siyang bumaling.


Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot, Mahimbing na natutulog ang dalawa,
magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi pa
rin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit na siyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirap
sabihin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat na bagay
kasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw pa lang ang nakararaan
ay bumagsak siya habang nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino ang gagarantiyang hindi
naapektuhan ang bata sa loob ng kanyang tiyan? Halimbawang malaglag ang bata, at mamatay
siya, sino ang mag-aalaga sa dalawa niyang anak na babae? At kung maayos siyang
makapanganak, ano ang mangyayari kung iyoy babae na naman? Hindi kaya siya palayasin ng
kanyang asawa? Ang inam sana kung sa pagkakataong itoy lalaki naman ang isilang niya. Sa
gayon ay hindi na siya gaanong pagmamalupitan ng asawa niya. Kahit paanot gaganda na ang

hinaharap. Alam na alam niyang habang buhay nang magiging meserable ang kanyang buhay.
Ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang kanyang mga anak. Malupit ang buhay.
Unti-unti, nagdilim ang paningin ni Lian-chiao. Inaantok na siya. Pero biglang naging kakaiba
ang pakiramdam niya sa kanyang tiyan. Sumasakit na iyon.
Natanto niyang lalabas na ang bata. Pero gabing-gabi na, at wala pa sa bahay ang asawa niya!
Ano ang gagawin niya ngayon? Naisip niyang papuntahin si Ah Yue sa Hsiang Chi Coffee Shop
para sunduin ang kanyang ama, ngunit nang makitang nahihimbing ng tulog si Ah Yue, nagatubili siyang gisingin ang bata. Naisip niya: hindi ba si Ah Yue ay nagdaranas din ng hirap sa
buhay tulad niya? Bagamat bata pa, si Ah Yue ay nagbubuhat na ng mabibigat na bagay at
gumagawa ng trabahong para sa matanda lamang. Bakit hindi bayaang matulog muna siya?
Bukod doon, mahangin sa labas. Kung gigisingin niya ito at palalabasin, tiyak na sisipunin ito.
Kung magkasakit si Ah Yue, sino ang mag-aalaga sa kanya? Sino ang mag-aalaga kay Siao-lan? .
. . Wala nang malamang gawin si Lian-chiao.
Tumitindi na ang hilab ng kanyang tiyan. Nanlalamig na sa pawis ang mga palad niya.
Wala na siyang magagawa. Nagpumilit siyang bumangon. Hawak ang isang gasera, nagpasiya
siyang magtungo sa Hsiang Chi Coffee Shop para hanapin ang asawa.
Pagbukas niya ng pinto, nahagip siya ng malakas na hangin. Nanginig siya at halos mamatay ang
ilaw niya. Isinara ni Lian-chiao ang pinto at mabagal na lumakad papunta sa kapihan.
Bagamat hindi kalayuan sa bahay nila ang Hsiang Chi, sa katayuan niyay parang kung ilang
milya ang layo noon.
Walang buwan nang gabing iyon, iilang bituin ang kumikislap sa langit. Napakadilim at walang
makikita sa lampas sa sampung yarda. Basa ng panggabing hamog ang daan at madulas.
Idiniin ni Lian-chiao ang kaliwang kamay sa akanyang tiyan, umuusad ng mga dalawa o tatlong
hakbang. Sa malamlam na ilaw, ang mukha niyay ninenerbiyos sa sakit at butil-butil na pawis
ang tumutulo mula sa kanyang noo.
Kokak, Kokak. Umiiyak ang mga palakaa sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit na
kalsada. Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi.
Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian-chiao, at ang
lahat ng bagay sa kanyang paligid, ay dagling nakulong ng kadiliman. Hindi siya makasulong at
hindi rin siya makaurong. Ilang sandali siyang tumayo roon, walang tinag at hindi malaman ang
gagawin. Parang hinihiwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya at
nahihilo. Kras. Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang mga daliri, nagkapira-piraso.
Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari. Sinapo niya ng dalawang kamay ang
kanyang ulo, nagpupumilit na manatili siyang nakatayo.
Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao, at unti-unting nasanay

ang mga amata niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kung ilang beses
na halos madapa siya dahil sa madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahil sa
sumusumpong na sakit. Tatayo siya, yuyuko nang mababa hanggang ang sakit ay humupa
ngunit ilang sandali lamang.
Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag sa loob at
maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mga
sugarol, umuungol o tumatawa. . . .
Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto.
Marahil ay buhos na buhos ang isip ng mga tao sa pagsusugal, o baka naman napakahina ng
katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at
kumatok uli siya nang buong lakas.
Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang may-bahay ng may-ari ng kapihan. Si
Lian-chiao na nakasandal nang husto sa pinto, ay bumagsak sa loob.
Noong una ay nagulat ang matabang babae sa biglang pagpasok niya. Ngunit nang matanto niya
kung sino ang babae, maliksi niya iyong tinulungan at inakay papasok.
Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa, ay namangha rin sa biglang pagdating ni Lian-chiao.
Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong, Anong nangyari? Bakit gabing-gabi nay
narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red Centre ba yon? Ha! Maganda! Magaganda ang pitsa niya
at medyo ninenerbiyos siya, matamang nakatingin sa mesa.
Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ng dalawang
kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan, humahalinghing, Ang ityan ko masakit dalhin
agad dalhin ninyo ako sa ospital
Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang pitsa
nito. Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang apat Isang libo
dalawang daan at walumpu at dalawang libo limang daan at animnapu!
Malaki ang panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang, ngunit ngayon ay isang bunton
na ang nasa harap niya. Tuwang-tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang katatawa, maluwang na
maluwang ang nangingitim na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya
sa taong nakaupo sa harap niya. Ha, ha, Lumpong Chun! Napakagaling nitong siyamnapung
libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha, ha. . .
Ai-yo yo
Hoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo! may humimok kay Li Hua.
Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galit na
tiningna niya si Lian-chiao at nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay na
ipaarkila sa kanya ang Morris Minor nito sa dalawang dolyar bawat oras, at dodoblehin sa gabi.

Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungol pa, ay


nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan.
Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya, balisa si Lian-chiao. Bigla siyang nakakita
ng ilaw na mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw, dahil
marahil sa hangin. Habang papalapit iyon, ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko ang
nakababatang kapati. Kapwa sila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata.
Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo! Lumabas sa kotse si
Lian-chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano ang gagawin.
Humagulgol ng iyak si Siao-lan. Kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao.
Habang pinapahiran ang luha at ilong, marahang nagsalita si Ah Yue, Nagising ako sa iyka ni
Siao-lan. Hianahanap niya ang Nanay. Hindi ko makita si Nanay sa bahay. Naisip kong baka
narito kayo, kaya dinala ko siya rito
Nang malaman ni Ah Yue na papunta sa ospital ang kanyang ina, kumibot nang kaunti ang ilong
niya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya.
Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Alagaan mong mabuti ang kapatid mo. Uuwi
ang Nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang Tatay
ninyo Habang inaaliw si Ah Yue, napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang
isipin na aalis siya ng mga ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walng magaalaga sa kanila.
Ibinaba ni Ah yue ang nakababatang kapatid, at sa pagutan ng mga hikbi, Inay, dadalawin ko
kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon. May isa pang
dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhin ko iyon para magamit mo muna
Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalita dahil sa
pag-aalala.
Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa
kotse, binuhay ang makina at pinatakbo.
Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, Khe-takheta at paminsan-minsan, ng malakas ng pung!
Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang hihip ng hangin. Isang munting ilaw
ang mabagal na kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na
kapatid, mabagal at atubiling naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay. . . .

Aralin 6: Teoryang Realismo


ANG AMA
Salin ni M. R. Avena
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang
takot ay sa alaala ng isa lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng
ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsay iniuuwi ng ama
malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya
ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa;
pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi
sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kanyang parte ang lahat kahit itoy sansubo lang
ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat,
at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.
Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang
babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa
lahat ng bagay kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang
lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos, at isang dos anyos na paslit
pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagangpalad nito sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at
masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nilay
masayang nakiupo sa kanila at kumain ng kaunti.
Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayoy hindi na nag-uuwi ng pagkain ang
ama; ang katunayay ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing
at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyoy umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila paguwi sa gabi ang ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na
nakabitin sa tale sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak
na walang pagkain, at ang mga batay magsisiksikan, takot na anomang ingay na gawa nila ay
makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang
mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na
humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay
mamamaga, kayat mahihiya iyong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila.
Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang
uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa, at malakas na bulalas at pag-ungol mula sa
kanilang ama, at silay magtatanong kung ano ang ginagawa nito.
Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong
ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahilay si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing
na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap
ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste,
gayong paulit-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa

bangko sa isang sulok ng bahay, o namamaluktot ng paghiga sa banig kasama ang ibang mga
bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na
malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing
naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na
hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at itoy nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon
himinto, itoy tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay
haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng
kanyang kabuwisitan.
Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang
trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahabang halinghing at di mapatahan ng
dalawang pinakamatandang bata gayong binalaan nilang papaluin ito. Wlang anu-ano, ang
kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto,
kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasa ng bahay ang ibang mga
bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.
Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak
habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang
layo, doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating
upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok
ay doble ang kanilang pakikiramay, dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng
abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng
awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan
ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon diy
nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng
kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na
minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes na sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati
niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng
kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.
Ngayoy naging napakalawak ang kanyang awa sa sarilibilang isang malupit na inulilang ama na
ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang
awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kayat madalamhati
siyang nagtatawag, Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak! Nakita niya ito sa
kanyang libingan sa tabi ng gulod payat, maputla at napakaliit at ang mga alon ng lungkot at
awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang ibay lumayo na may luha sa mga mata
at bubulong-bulong, Maaaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang
bata.
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang
naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay
ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman nito agad sa kanya, tulad ng nararapat).

Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na
kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan
kaya ito pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila,
dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit
na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang
nakita, pero iyon bay kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng
ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtalo ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi
ng pinakamatandang lalakiy biskwit; nakakita na siyang maraming kahong tulad niyon sa
tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, yong
katulad ng minsay ibinigay sa kanila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na
pinaglalabhan ng Nanay. Ang kambal ay nagkasya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik;
masaya na sila ano man ang laman niyon. Kayat nagtalo at nanghula ang mga bata, takot na
hipuin ang yaman na walang senyas mula sa ama. Inip nilang lumabas ito ng kanyang kuwarto.
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang
senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman.
Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata
ang yaman na sa wariy kanila na sana, nagbulungan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak
na hindi sila maririnig ng ama. Tingnan natin kung saan siya pupunta. Nagpumilit na sumama
ang kambal, at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon,
tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayoy nasa isang bagay
lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna.
Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ang puntod na kanyang
hinintuan. Lumuhod ito at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-gahang inilapag sa puntod,
habang pahikbing nagsalita, Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama
kundi ang mga ito. Sanay tanggapin mo. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang
nagmamasis sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang
maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anomang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak
ang ama. Naiwan itong nakaluhod kahit bumagsak na ang ulan. Pagkuway umalis ito, naninikit
sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kangina pang inip na inip na mga bata
ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang
nailigtas, nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

Aralin 6: Teoryang Imahismo


UHAW ANG TIGANG NA LUPA
Ni Liwayway Arceo
Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng
kanyang dibdib at nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa
malalim na paghinga niya, sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...
Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin
ang isang larawang mahal sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok,

singkit na mga mata, hindi katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting pusposkasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na mukha, ilong na kawangki
ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...
Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya
ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang
pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang di ako makita. Kailangang do ko masaksihan ang
kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang di ko namamalas ang pagkagat niya sa
kanyang labi. Kailangang do ko na makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang
katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang
uhaw na uhaw...
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagamat hindi ko
mapaniwalaang may magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat
kapwa sila may hawak na kainawaan: ang pagbibigayan sa isat isa ay hindi nalilimot kailanman.
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay
tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid
at nakangiting ina; ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang
pagmamakinilya; sa kanyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang
kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano
siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya ipipikit ang kanyang mga mata;
kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...
Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nagaayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang
pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito sa galaw ng kanyang mga daliri ay
natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunti, ang pananabik na itoy napapawi.
Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang
marahil ay nasa kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng
kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin,
may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba
kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan...
Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi
ipinamamalay sa akin, ay hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng
mga biruan.
Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na
ang maniningil sa ilaw o sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang
hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama upang ipadamang may naririnig siya.
Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama,
si Ina at ako. Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.
Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang
kilos si Ina. Nahihiga rin siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog
siya o hindi ay hindi ko matiyak.
Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng
madla...
Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.

Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming
tagapaglaba: yaon daw ay nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon
kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.
Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang
hindi pagkabo buhat noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.
Ano ang nasa isang talaarawan?
Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang
kalasingan niya nagyong gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala
itong naibigay na ginhawa.
Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.
Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating
ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...
Idinaraing ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.
Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.
Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol
sa aking ginagawa. Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.
Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti, buhat sa
tuhod hanggang sa mga talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala
kong matatagalan niya tubig na pinaglagaan ng mga dahong ng alagaw. Kinulob ko siya ng
makakapal na kumot matapos na inumin niya ang ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng
kalamansi.
Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!
Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro
ni Ama.
Sanay ako si na sa mga sandaling yaon: sanay lalo kong ituturing na mahalaga ang
nadarama kong kasiyahan...
Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya
hinihiwalayan ni Ina: si ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na
guhit.
Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit, ayaw niyang
ipagtapat sa akin ang karamdaman ni Ama.
Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya.
Idinikit ko ang kagugupit na kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga
papel sa kanyang mga kahon.
Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong
pagtataka: may isang kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga
bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.
Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki
ng tuka ng isang loro, maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga
titik sa bughaw na tinta: Sapagkat akoy hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit
nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga sandaling yaon ay natutuhan ko ang
maghinanakit kay Ama.
Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking
katiwasayan kung hindi ka dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na

hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng
tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...
Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating
nadarama. Ngunit, nakapagitan sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa
kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na
lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sanay huwag tayong magising sa
katotohanan...
Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang
magwasak ng isang tahanan. Hindi ko maatim na mangnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko
mapababayaang lumuha siya dahil sa akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa
akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...
Ang pag-ibig na itoy isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat
ako ang nagsimula ay ako ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang akoy nasimulang
tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang pangarap na naglalaho pagkagising.
Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...
Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?
Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may
pumasok sa aklatan. Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang
mga liham na nagkalat sa hapag ni Ama.
Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay
muling binati ng kanyang palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag
daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng kanilang pagkakadantay...
Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon
ang pagsasalubong ng aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa
mga paninging yaon.
Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang
masama sa kanyang ang bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat
nang ukol sa atin...At sa anyay isang dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol.
Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay pumugto sa aking paghinga.
Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!
Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.
Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang uang tibok ng puso ay hindi
pag-ibig sa tuwina...Halos kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong
Ina...Mura pang lubha ang labingwalang taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga
kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...
Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.
Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.
Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip,
patuloy sa kanyang pahluha kung walang makakita sa kanya...
Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais
tumakas na damdamin sa kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.
Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa
kanyang mga palad.
Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa
akin kung saan tayo maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan koy aking

wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang paraan...


Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil
niyo ang pumatak sa bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa
pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punung-puno
ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng isang kaluluwa at hindi niya namasid
ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na hindi mabigkas.
Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko, na
maaangkin ko na ang kaligayahan ko...
Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siyay mangusap ay hindi ko naaming
kay Ina ang tinig na yaon: Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa
mga mata man niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang
dumadaloy sa mga iyon: natitiyak niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa...

Vous aimerez peut-être aussi