Vous êtes sur la page 1sur 9

KONTEMPORARYONG ISYU

Ano mang pangyayari, ideya, opinyon at paksa kaugnay ng isang pangkasalukuyang usapin o suliranin na
nakakaapekto sa mga tao ngayon maaring ituring na KONTEMPORARYONG ISYU. Mula sa
pangkapaligiran edukasyon at pangkalusugan, ang kontemporaryong isyu ay makikita sa ibat ibang
aspeto ng ating pamumuhay kasama rin sa kontemporaryong isyu ang mga perenyal na problema sa
lipunan. Ito ay mga isyu na mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nabibigyan nabibigyan ng
karampatang solusyon at nananatiling usapin ng modernong lipunan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay
ang kahirapan, kurapsyon ng pamahalaan, diskriminasyon at paglabag sa karapatang pang tao.

Lipunan

- “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit
magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat
pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”(Mooney, 2011)

- Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan.

Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura

PANLIPUNAN

Ang mga elemento ng istrukturang panlipunan ay ang institusyon, social groups, status (social status), at
gampanin (roles).

Elemento ng istrakturang panlipunan:

- Institusyon

Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011).

Mga Institusyon sa Lipunan:

Pamilya

- Institusyong Pang-edukasyon
- Institusyong Pampamahalaan
- Institusyong Pang-ekonomiya
- Institusyong Pang-relihiyon
-
- Social Group

Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng
social group: ang primary group at secondary group. (Mooney, 2011)

Primary group

- Ay tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal. Kadalasan, ito ay


mayroon lamang maliit na bilang. Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.
Secondary group

- Ay binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.

3. Status

Ang status ay tumutukoy sa posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating
pagkakakilanlan o identidad ay naiimpluwensiyahan ng ating status. May dalawang uri ng status:
ito ay ang ascribed status at achieved status .

Ascribed Status

- Nakatalaga sa isang indibiduwal simula nang siya ay ipinanganak at hindi nya kontrolado.

Achieved Status
- Nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap kaya’t maari nya itong
mabago.
- Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o
maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang
panlipunan. (Mooney, 2011)

4. Gampanin (Roles)

Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na
kaakibat ng posisyon ng indibiduwal. ito ang nagiging batayan din ng kilos ng isang tao sa lipunang
kanyang ginagalawan.

KULTURA
Dalawang uri ng kultura:

Materyal – Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita
at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007)

B.Hindi Materyal – Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng
tao. Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o
maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang
panlipunan. (Mooney, 2011)

Mga Elemento ng Kultura:

PANINIWALA (BELIEFS) – tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa


pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo.
a.PAGPAPAHALAGA (VALUES) – maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa
kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.

b.NORMS – tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo at nagsisilbing pamantayan sa
isang lipunan. – nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal
sa lipunang kaniyang kinabibilangan.

c.SIMBOLO – tumutukoy sa paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit


dito.

Paksa: Isyung Personal at Isyung Panlipunan

SOCIAL IMAGINATION

- Tumutukoy sa kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at
ang lipunang kanyang ginagalawan.

ISYUNG PERSONAL

- Ito ay nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya.

ISYUNG PANLIPUNAN

- Pampublikong paksa kung saan apekto ang buong pamayanan.

2: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

Suliranin sa Solid Waste

- Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na
establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng
agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000). Mayroon ding
suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas.

Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Mother Earth Foundation – tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.

Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion,
Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).

Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayansa suliraning
pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation
Project.

Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa


kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman

Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan…

Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43
milyong ektaraya noong 2003.

Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa
dating 10 kilo.

Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling sampung taon

2.1 Suliranin sa Yamang Gubat:

Illegal Logging

Migration

Fuel wood harvesting

Illegal na pagmimina

3. Climate Change

Ang climate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o
napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o
global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere.
Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan.

Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

Sa araling ito ay pagtutuunan mo ng pansin ang dalawang approach na ginagamit sa pagbuo ng disaster
management. Bilang isang mag-aaral, suriin mo kung paano ka makatutulong sa pagharap sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran.

Ang Disaster Management

ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,


pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang iba’t ibang organisasyon na
dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa, makatugon, at makabangon ang isang
komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard.

Sa pag-aaral ng disaster management, mahalagang alam mo ang pagkakaiba ng mga ginagamit na


termino o konsepto.

1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng


tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at
kalikasan.
1.1 Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng
mga gawain ng tao.

1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa
nito ay ang bagyo, lindol, tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide.

Disaster – Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao
tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng hazard, vulnerability at kawalan
ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard.

Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na


posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.

Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari -arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil wala silang
kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad

Resilience – ang pagiging resilient ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na


harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework

Nakabatay ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 sa dalawang
pangunahing layunin:

1) ng hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at


hindi lamang haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at
2) pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na dulot ng iba’t
ibang kalamidad at hazard.

Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF).

Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at
mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa
buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan.

Katangian ng bottom-up approach

 Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng


kanilang komunidad
 Bagamat mahalaga ang tungkulin ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor at
NGO's, nananatiling pangunahing kailangan para sa grass roots development ang
namumuno ng lokal na pamahalaan
 Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehisibong pagpaplano
at mga gawain sa pagbuo ng disisyon para matagumpay na botton-up strategy.
Katangian ng Top-down approach

 Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa


situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na
tanggapan o ahensya ng pamahalaan

Aralin 3 – Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction


and Management Plan

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

Kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga risk, at sino at
ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad.

Hazard Assessment

Ang Hazard Assessment ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na


maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad
sa isang partikular na panahon.

Pisikal na Katangian ng Hazard:

Pagkakilanlan

Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at Kung paano ito umusbong sa isang lugar

Katangian -Pagalam sa uri ng hazard

Intensity- Pagtukoy sa lawak ng pinsala na dulot ng hazard

Lawak- Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard

Saklaw- Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan ng o maapektuhan ng hazard

Predictability- Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard

Manageability- Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan ang
malawakang pinsala

Duration-Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.

Speed of onset- Bilis ng pagtama ng isang hazard.

Forewarming- Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito
sa isang komunidad

Force- Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig

Mga katangian ng Vulnerability at Capacity Assessment


Vulnerability Assessment

Sa usapin ng vulnerability ng isang komunidad, kailangan na maging mulat ang mga mamamayan sa mga
hazard sa kanilang lugar. Tungkulin nila na magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaari
nilang 110maranasan.

Capacity Assessment

Sa Capacity Assessment, sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard.
Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan
tungkol sa hazard.

Pisikal at Deskripsiyon

- Tumutukoy sa mga materyal na yaman tulad ng suweldo mula sa Trabaho, pera sa bangko at
mga likas na yaman.

Panlipunan
- Tumutukoy sa pagiging vulnerable o kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa Isang lipunan.

Pag-uugali tungkol sa hazard


- May mga paniniwala at gawi ang Mga mamamayan na Nakahahadlang sa pagiging ligtas Ng
isang komunidad.

Risk Assessment

Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad, sinisikap naman ng
mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at
kalikasan.

Dalawang uri ng mitigation

Structural mitigation

Tumutukoy sa mga paghahandangginagawa sa pisikal na kaayuan ng isang komunidad upang ito ay


maging matatag sa panahon ng pagtama Ng hazard.

Non-structural mitigation

Tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang
komunidad sa panahon ng pagtama ng hazard.

Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment

Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagsasagawa
ng risk assessment:

1. Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa mga hazard na
dapat unang bigyang pansin.
2. Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang komunidad na noon ay
hindi nila alam.

3. nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan. Nagiging gabay sa
pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang maging handa mga kawani ng
pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness

Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Response.

Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala at babala sa
mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin:

1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng
komunidad.

2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon, paghahanda, at


pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.

3. To instruct – magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga
opisyales na dapat hingan ng tullong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.

Ikatlong Yugto: Disaster Response

Ang ikatlong yugto ay tinatawag na Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano
kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa
gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery

Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay
nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing
serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad. Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at
transportasyon, suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay ng pagkain,
damit, at gamot. Kabilang din dito ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at
pagkakaloob ng psychosocial services upang madaling malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas
na trahedya.

Vous aimerez peut-être aussi