Vous êtes sur la page 1sur 18

GRADES 1 to 12 Baitang/

Paaralan: Diniog National High School GRADO 7 Markahan: UNA Petsa:


Pang-Araw-araw Antas:
na
Guro: CORAZON G. PENAFLOR Asignatura: ESP Linggo: 8 Sek:
Tala sa Pagtuturo

LUNES MARTES MIYERKULES HUWEBES BIYERNES

Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin,
I. LAYUNIN maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan. Tinataya ito gamit ang mga istratehiya
ng Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin
sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at nilalaman.
A.Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talent
Pangnilalaman at kakayahan hilig at mga tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
B. Pamantayan sa Naisasagawa ng mga mag-aaral ang angko na paglinang ng limang inaasahan g kakayahan at kilos sa pagdadalaga/pagbibinata
Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Naisasagawa ang mga Naisasagawa ang mga
Pagkatuto gawaing angkop sa gawaing angkop sa
Isulat ang code sa bawat pagpapaunlad ng kanyang pagpapaunlad ng kanyang
kasanayan mga hilig. mga hilig.
Ang Nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro mula sa Gabay sa Kurikulum. Maaari itong tumagal
II. NILALAMAN
ng isa hanggang dalawang linggo.

III. KAGAMITANG Aklat


PANTURO Cellphone
Laptop
A. Sanggunian
Speaker
1. Gabay ng Guro
2. Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Teksbuk Aklat sa ESP 7 Aklat sa ESP 7
4. Karagdagang Module Module
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang
Panturo
Gawin ang pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may Gawain sa bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog, gabayan ang mga mag-
LUNES MARTES MIYERKULES HUWEBES BIYERNES

IV. PAMAMARAAN aaral gamit ang mga istratehiya ng formative assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag-isip ng
analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na inuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

A. Balik-aral sa Nakaraang Pagbabalik aral Pagbabalik aral


Aralin o Pagsisimula ng Ano ang ibig kahulugan ng
Bagong Aralin “HILIG o Kinahihiligan”?
B. Paghahabi sa Layunin Naisasagawa ang mga Pagpapatuloy sa talakayan
ng Aralin gawaing angkop sa
pagpapaunlad ng kanyang
mga hilig.
Ano ang unang pumapasok sa
iyong isipan kapag tinanong
ka kung ano ang iyong hilig?

C. Pag-uugnay ng Pagagawain ang mga mag- Mga larangan ng Hilig.


Halimbawa sa Bagong aaral ng isang maikling tula
Aralin tungkol sa kanilang hilig at
talento. Babasahin nila ito sa
harapan.
D. Pagtalakay ng Bagong Pagtalakay sa kahalagahan ng Paano natutuklasan ang
Konsepto at Paglalahad pagtuklas ng iyong hilig hilig?
ng Bagong Kasanayan #1
E. Pagtalakay ng Bagong Panoorin ang video Ang dalawang aspekto ng
Konsepto at Paglalahad https://www.youtube.com/ hilig.
ng Bagong Kasanayan #2 watch?v=WJwz_mYeFDs

F. Paglinang sa Kabihasaan Paano nakatulong kay Leslie Panoorin ang maikling


(Tungo sa Formative ang kanyang hilig? video
Assessment) https://www.youtube.com/
watch?v=O8QSXd4DJxk

G. Paglalapat ng Aralin sa Paano mo natuklasan ang Kung mayroong


Pang-Araw-araw na iyong hilig at talento? humahadlang sa iyo upang
LUNES MARTES MIYERKULES HUWEBES BIYERNES

Buhay gawin ang iyong hilig, ano


kaya ang maaarin mong
ipaliwanag o sabihin sa
kanila?
H. Paglalahat ng Aralin https://www.youtube.com/
watch?v=O8QSXd4DJxk
I. Pagtataya ng Aralin
J. Karagdagang Gawain
para sa Takdang-Aralin
at Remediation

V. MGA TALA
Magnilay sa iyong mga istratehiya ng pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito naisakatuparan?
VI. PAGNINILAY Anong pantulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang
tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga estratehiya
ng pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
LUNES MARTES MIYERKULES HUWEBES BIYERNES

masosolusyunan sa tulong
ng aking punongguro at
supervisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda nina:
CORAZON G. PENAFLOR
Guro sa Araling Panlipunan 9

Binigyang-pansin ni:

JUANITA G. ASUNCION
Ulong Guro

Ang Mga Angkop na Hakbang ng CBDRRM Plan


 June 24, 2021

Editor’s note: Mahalaga na Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng CBDRRM Plan (MELC5). Ang lekturang ito ni Prof. Jensen DG. Mañebog ay tumutugon ito sa
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto na ito.
Mahalaga sa isang pamayanan na makabuo ng mabisang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan.

Komprehensibong tatalakayin sa artikulong ito ang mga Angkop na Hakbang o Yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management
(CBDRRM) Plan.
(*Libreng lektura para sa kasunod na MELC: Nasusuri ang dahilan, dimensyon at epekto ng ng globalisasyon)

Ang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management


(CBDRRM)
Isinusulong ng pamahalaan ang Community Based Disaster Risk Reduction Management (CBDRRM) Approach. Nakapaloob rito ang paglikha ng mga plano
at polisiya sa pagharap sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran na naka-sentro o nakapokus sa mga komunidad.

Ang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) ay kinapapalooban ng pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at
pagtataya ng mga peligro na maaaring maranasan ng isang partikular na komunidad.

Hinihikayat ng approach na ito ang mga tao sa pamayanan na aktibong makibahagi sa paghahanda at pagtugon sa mga banta ng panganib at kalamidad.
(Kaugnay: Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran)
Hinihikayat ang bawat komunidad na bumuo ng kani-kaniyang Community-Based Disaster Risk Reduction and Management (CBDRRM) Plan. Tatalakayin sa
lekturang ito ang iba’t ibang hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan.

Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk Reduction


and Management (CBDRRM) Plan
Ang mga hakbang sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay nahahati sa apat na yugto:

1. Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad (Disaster Prevention and Mitigation)

2. Paghahanda sa Kalamidad (Disaster Preparedness)

3. Pagtugon sa Kalamidad (Disaster Response) ;at

4. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad (Disaster Rehabilitation and Recovery)

*Narito ang mga paliwanag sa bawat yugto ayon sa lektura ng propesor na si Jensen DG. Mañebog.
UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD (Disaster
Prevention and Mitigation)
Nakatuon ang unang yugtong sa pagpigil o paghadlang (prevention) at pagbawas sa panganib (mitigation) na maaaring idulot ng kalamidad. Nakapaloob
sa yugtong ito ang pagtukoy sa kung ano-ano ang mga panganib at mga risk na dala ng kalamidad, sino-sino at alin-alin ang maaaring maapektuhan, at
kung maaari bang hadlangan o mabawasan man lang ang epekto ng kalamidad.

Tinutukoy din sa yugtong ito ang mga kahinaan at kakulangan, at maging ang kapasidad ng pamayanan na humarap sa kalamidad. Ang mga makukuhang
impormasyon hinggil sa mga bagay na ito ay mahalga sa paglikha ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa kalamidad.

May apat na hakbang na nakapaloob sa unang yugtong ito ng ng CBDRRM Plan. Talakayin nating isa-isa ang bawat hakbang:

1. Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment)


Sa Pagtataya ng Panganib, tinutukoy ang katangian ng panganib at sinusuri ang uri, lawak, at sakop ng pinsala na maaaring maidulot nito, sa layuning
matukoy ang angkop na pamamahala sa panganib na gagawin upang maiwasan o mahadlangan ang matinding pinsala.

Samakatuwid, ang Pagtataya ng Panganib ay pag-unawa ng isang komunidad sa panganib, sakuna o kalamidad na maaring nitong maranasan, upang
makabuo ng mabisang plano sa pagtugon sa mga ito.

Sa hazard assessment, tinutukoy halimbawa kung ano-ano ang mga hazard na maaaring maganap sa pamayanan na dulot ng kalikasan at alin-alin naman
ang gawa ng tao. Tinataya din ang mga sumusunod na katangian ng panganib:

· ang iba’t ibang uri ng panganib na maaring maranasan

· ang maaaring pagmulan ng panganib

· ang mga maaaring maapektuhan ng panganib

· ang panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang panganib

· ang tindi o lawak ng maaaring maging epekto ng panganib

Mayroon dalawang importanteng proseso sa ilalim ng hazard assessment: (a) ang Hazard Mapping at (b) Historical Profiling/Timeline of Events.
(a) Ang Hazard Mapping ay ang pagtukoy sa mapa ng mga maaaring maapektuhan ng panganib na mga dako at mga nakapaloob na elemento gaya ng mga
kabahayan, iba pang mga gusali, dakong pang-agrikultura, at kabuhayan o negosyo ng mga tao.
(b) Ang Historical Profiling/Timeline of Events naman ay ang pagbuo ng balangkas o tala ng mga naranasan ng isang komunidad na mga panganib o hazard
sa nakaraan, gaano kadalas naganap o paulit ulit na nagaganap ang mga ito, at anu-ano at gaano katindi ang pinsala na naidulot ng mga ito.
Upang makakalap ng sapat at tamang impormasyon sa paggawa ng Historical Profiling/Timeline of Events, kakailanganin ang koordinasyon sa mga
opisyales ng barangay o kaya ay ng pamahalaang panlungsod o pambayan.

Sa pagsasagawa kapwa ng Hazard Mapping at Historical Profiling/Timeline of Events, kailangan ang partisipasyon ng mga mamamayan, lalo na ang
matagal na sa pamayanan, sapagkat mayrooon silang personal na karanasan sa mga hazard o panganib na naganap sa kanilang lugar.

Parte na rin ng paghahanda sa mga tao sa pagharap sa kalamidad ang gawin silang kabahagi sa pagsasagawa ng hazard assessment sa kanilang
komunidad.

2. Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan (Vulnerability Assessment)


Sinusukat sa bahaging ito ang kahinaan at kakulangan ng isang komunidad sa pagharap at pagbangon sa iba’t ibang kalamidad o hazard na maaaring
maranasan sa kanilang dako.

Ayon kina Anderson at Woodrow (Rising from the Ashes, 1990) mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability o Kahinaan: (a) ang Pisikal o Materyal, (b) Sosyal
o Panlipunan, at (c) Pag-uugali ng tao tungkol sa panganib.
(a) Ang kahinaang pisikal o materyal ay tumutukoy sa kakulangan sa pinansiyal at likas na yaman upang makalikha o makapatindig ng mga estruktura na
makahahadlang sa epekto ng kalamidad. Ang isang komunidad na may kahinaang pisikal o materyal ay maituturing na vulnerable at maaaring makaranas
ng matinding epekto ng kalamidad.

Halimbawa ay ang may maliit lamang na kita dahil maaaring hindi sapat ang kanilang suweldo upang matustusan ang dagdag na gastusin sa panahon ng
kalamidad.

(b) Ang kahinaang sosyal o panlipunan ay tumutukoy naman sa kawalan ng kakayahan ng pamahalaan at ng mga mamamayan na harapin o hadlangan
ang panganib. Halimbawa, vulnerable sa matinding epekto ng kalamidad ang isang komunidad na walang maayos na ugnayan ang mga mamamayan at
hindi maayos ang pamamalakad ng lokal na pamahalaan.
Samakatuwid, salik sa kategoryang ito ang mga programa ng pamahalaan ukol sa kalamidad at ang suporta ng mga mamamayan. 

(c) Ang pag-uugali tungkol sa panganib ay tumutukoy sa mga paniniwala at gawi ng mga tao na nakahahadlang sa pagiging ligtas sa sakuna ng isang
komunidad.
Halimbawa, ang kawalan o kakulangan sa kaalaman, kawalan ng interes, at negatibong pagtanggap sa mga impormasyong pangkaligtasan at programa ng
pamahalaan ay nagbubunga ng pagiging vulnerable ng komunidad sa panganib.

Ayon naman kina Abarquez at Murshed (2004), marapat na suriin ang sumusunod na konsepto para sa mabisang Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan:

· Elementong nalalagay sa panganib (Elements at risk)


Tumutukoy ito sa lahat ng elemento sa komunidad na posibleng maapektuhan ng sakuna gaya ng mga tao, kabahayan, imprastruktura, at mga alagang
hayop at pananim.

· Mamamayang nalalagay sa panganib (People at risk)


– Tumutukoy sa mga uri ng mamamayang posibleng higit na maapektuhan ng kalamidad dahil sa kawalan ng kakayahan o sa kanilang kalagayang pisikal,
gaya ng mga may kapansanan, buntis, matatanda, at mga maliliit na bata.

· Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib (Location of people at risk)


 – Tumutukoy ito sa lokasyon ng mga taong vulnerable o may malaking posibilidad na makaranas ng panganib. Halimbawa, vulnerable sa panganib ng
baha ang mga nasa mabababang lugar. Peligroso naman sa landslide ang mga nakatira sa may paanan ng bundok.

3. Pagtataya ng Kapasidad (Capacity Assessment)


Sa Pagtataya ng Kapasidad ay sinusuri ang kakayahan ng komunidad na tugunan at harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Gaya ng sa Pagtataya ng
Kahinaan at Kakulangan, mayroon din itong tatlong aspekto o kategorya: (a) Pisikal o Materyal, (b) Sosyal o Panlipunan, at (c) Paguugali ng mamamayan
tungkol sa hazard.

(a) Sa pisikal o materyal na aspekto ay tinataya ang kapasidad ng komunidad na makabangon matapos makaranas ng kalamidad at makapumbalik sa
dating pamumuhay.

Halimbawa, sinusuri rito kung ang komunidad ay may kapasidad na maisaayos ang mga mga nasirang tahanan, paaralan, gusaling pampamahalaan, tulay,
kalsada at iba pa. Tinataya rin kung maibabalik ba ang naapektuhang kabuhayan ng mga mamamayan.

(b) Sa aspektong sosyal o panlipunan ay sinusuri ang pagiging mabisa ng mga programa at planong pangkalamidad ng pamahalaan at ang kakayahan ng
mga mamamayan na magtulungan upang ibangon ang kanilang komunidad sa pinsala ng kalamidad o sakuna. Halimbawa, tinataya rito kung mayroon
bang tiyak na programa ang komunidad para sa mabisang ugnayan o koordinasyon ng mga mamayan at ng lokal na pamahalaan.

(c) Sa aspektong pag-uugali ng mga mamamayan ay tinataya ang kapasidad ng mga tao na tanggapin at sundin ang mga programa at pamamaraan na
ipinatutupad ng pamahalaan ukol sa kalamidad. Sinusuri, halimbawa, kung ang mga tao ay handang magtanggi ng sarili at magbahagi ng kanilang
panahon at tinatangkilik, kung kakailanganin, upang makabangon sa pinsala ng kalamidad ang kanilang komunidad.
Tangi sa mga ito, bahagi rin ng Pagtataya ng Kapasidad ang pagtatala ng mga imporatenteng kagamitan, imprastraktura, mga tauhan, at iba pa na mga
kakailanganin sa panahon ng pagtama ng kalamidad.

4. Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment)


Nakapaloob sa Pagtataya ng Peligro ang sistematikong pagkalap ng mga datos na mahalaga sa pagtukoy, pagtatala, at pagsusuri sa mga panganib, lalo na
ang mga marapat na unang bigyang pansin.

Kung gayon, ang isa sa importanteng produkto ng Risk Assessment ay ang rekord o tala ng mga hazard. Nakapaloob din sa Pagtataya ng Peligro ang
Prioritizing Risk—ang pagtukoy kung alin-alin sa mga naitalang panganib ang dapat bigyan ng higit na atensyon o prayoridad.

Sa pamamagitan ng Pagtataya ng Peligro ay magkakaroon ng matibay na basehan ang mga tinatayang maaaring maging epekto ng kalamidad. Ang
produkto ng Risk Assessment ay magsisilbing batayan sa paglikha ng mga akmang istratehiya, polisiya, programa, at proyekto upang maihanda ang
komunidad sa pagharap sa mga panganib.

Sa Risk Assessment, magkakaroon ng sapat na kaalaman hindi lamang ang mga tagapangasiwa ng komunidad kundi maging ang mga mamamayan
tungkol sa mga hazard na mayroon sa kanilang lugar. Sa gayon ay nagkakaroon sila ng interes at sapat na pagkakataon na maghanda upang maiwasan
ang matinding epekto ng mga kalamidad.

Ang Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment) ay itinuturing na isang uri o hakbang sa ilalim ng Mitigasyon ng Kalamidad.

Ang Mitigasyong Estruktural at Mitigasyong Di-estruktural


Pansinin na ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay hindi lamang tungkol sa paghadlang kundi maging sa mitigasyon ng panganib (Disaster
Mitigation).

Iminumungkahi na ang Mitigasyon ng Panganib ay marapat isagawa bago pa ang pagtama ng sakuna o kalamidad upang mapigilan o maiwasan ang
matindi at malawakang pinsala nito sa komunidad o mabawasan man lamang ang mga epekto nito.

Ang Mitigasyon ng Panganib ay mauuri sa dalawa: (a) ang Mitigasyong Estruktural at (b) Mitigasyong Di-estruktural.

(a) Ang Mitigasyong Estruktural ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda ng komunidad upang mapaghandaan ang pagdating ng kalamidad.
Nakapaloob rito ang pagtatayo ng mga estruktura na makahahadlang sa matinding epekto ng kalamidad. Halimbawa ay ang pagtatayo ng dike bilang
paghahanda sa posibleng pagbaha, kalakip ang pag-aaalis ng mga bara sa mga kanal at pagpapalalim sa mga sapa at ilog. Ang patatayo naman ng mga
gusali na earthquake proof ay makakatulong upang mabawasan ang pinsala na posibleng maidulot ng mga lindol.  
(b) Ang Mitigasyong Di-estruktural ay tumutukoy naman sa paghahanda ng komunidad, sa pangunguna ng pamahalaan, na may kinalaman sa mga plano sa
pamamahala sa kalamidad.
Kabilang dito ang pagpapalaganap sa mga mamamayan ng wastong kaalaman ukol sa uri at katangian ng mga kalamidad. Nakapaloob din dito ang
pagsusulong ng public awareness at information dissemination tungkol sa mga konkretong programa at proyekto ng local na pamahalaan sa pagtugon sa
panganib.

Matapos nating talakayin ang unang yugto na ukol sa paghadlang at mitigasyon ng kalamidad, dumako naman tayo sa kasunod na yugto sa pagbuo ng
CBDRRM Plan.

IKALAWANG YUGTO: PAGHAHANDA SA KALAMIDAD (DISASTER PREPAREDNESS)


Ang Paghahanda sa Kalamidad ay tumutukoy sa mga preparasyong ginagawa ng komunidad bago ang pagdating o pagtama ng sakuna o kalamidad o
sakuna. Nakasalalay rin sa mabisang paghahanda ang pag-iwas sa matindi at malawakang pinsala na maaaring maidulot ng kalamidad.

Kinikilala sa yugtong ito ang halaga ng pagtataglay ng lahat ng mamamayan ng sapat na kaalaman ukol sa mga dapat gawin bilang tugon sa kalamidad.
Kaya sa panig ng pamahalaan, mahalaga sa yugtong ito ang mabisang pagbibigay ng mga tama at akmang impormasyon, paalala, at babala sa mga
mamamayan.

May tatlong pangunahing layunin ang yugtong ito:

1. To inform (magpaalám) – magbigay kaalaman tungkol sa mga kakaharaping panganib at peligro at tungkol sa pisikal na katangian ng komunidad at
kapasidad na tumugon sa kalamidad.

2. To advise (mag-abiso) – magbigay ng mga impormasyon tungkol sa mga gagawin bilang paghahanda sa panganib at para sa proteksiyon at pag-iwas sa
mga sakuna at hazard.

3. To instruct (magtagubilin) – magbigay ng mga konkretong hakbang na marapat gawin, kabilang ang pagtuturo sa mga ligtas na dako na dapat puntahan
at mga opisyales na mahihingan ng tulong sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Kung gayon, importanteng bahagi ng yugtong ito ang pagpapaalam at pagpapaunawa sa mga tao ukol sa mga dapat na gawin bago ang pagtama ng
kalamidad, habang nagaganap ito, at pagkatapos ng kalamidad.

Ang pagbibigay ng impormasyon, paalala, at babala ay maaaring sa pamamagitan ng barangay assembly/meeting, pagdidikit ng poster o billboard,
pagbabahay-bahay ng mga lider ng purok, pamamahagi ng flyers, patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan, at anunsiyo gamit ang social media.
Mahalagang elemento rin ng Paghahanda Sa Kalamidad (Disaster Preparedness) ang aktibong koordinasyon ng mga ahensiya ng gobyerno, pakikibahagi
ng bawat sektor ng lipunan, at pagtutulungan o kooperasyon ng mga mamamayan (Kaugnay: Ang Kahalagahan Ng Kooperasyon ng Mamamayan at Pamahalaan).
Ito ay upang maiwasan ang pagkaantala ng mga programa ukol sa kalamidad at ang mga pagkalito na maaari pang magbunga ng dagdag na pinsala sa
komunidad.
Dumako na tayo sa kasunod na yugto na magbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa pagtugon sa gitna ng kalamidad.

Sa ayaw man natin o hindi, panaka-naka ay nakararanas at nakararanas pa rin tayo ng mga kalamidad. Paano ba tutugon ang komunidad sa mismong
panahon ng kalamidad? Ito ang saklaw ng ikatlong yugto sa paghahanda ng plano sa pamamahala sa kalamidad.

IKATLONG YUGTO: PAGTUGON SA KALAMIDAD (Disaster Response)


Sa yugtong ito ng pagbuo ng CBDRRM Plan, pangunahing tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Importante ang mga
impormasyong makakalap sa hakbang na ito dahil magsisilbing batayan ang mga ito upang maging akma at epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang komunidad na nasalanta ng kalamidad.

Nakapaloob sa Pagtugon Sa Kalamidad (Disaster Response) ang tatlong uri ng pagtataya: ang (1) Pagtatasa ng Pangangailangan o Needs Assessment, (2)
Pagsusuri sa Pinsala o Damage Assessment, at (3) Pagtatasa ng Pagkawala o Loss Assessment.

(1) Ang Pagtatasa ng Pangangailangan ay pagtukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad gaya ng pagkain, tahanan, damit,
at gamot.

(2) Ang Pagsusuri sa Pinsala ay pagtukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga kabahayan, ari-arian, at imprastruktura dulot ng kalamidad.

(3) Ang Pagtatasa ng Pagkawala ay pagsusuri sa pansamantalang pagkawala ng mga serbisyo (gaya ng pagkawala ng kuryente at communication signal) at
sa pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon (gaya ng pagkasira ng mga pananim).

Ang damage (pinsala) at loss (pagkawala) ay magkaugnay dahil ang loss ay bunga ng na-damage o napinsalang mga produkto, serbisyo, at imprastraktura.
Halimbawa, ang pagkasira ng tulay, na isang damage, ay magbubunbga ng kawalan ng maayos na daloy ng transportasyon, na isang loss.

Gayundin, ang pagkasira ng mga lupaing-taniman, na isang uri ng damage, ay magdudulot ng pagbaba o pagkawala ng produksiyon ng palay at mga gulay,
na isang halimbawa ng loss. Ang pagguho o pagkawasak ng isang ospital na maituturing na damage ay magdudulot ng pagkaantala o pagkawala ng
serbisyong pangkalusugan na maituturing na loss.

Gaya sa mga naunang yugto, sa yugtong ito ay kailangan ng komunikasyon, kooperasyon, at koordinasyon ng lahat ng sektor ng lipunan. Sa Pagtugon Sa
Kalamidad (Disaster Response) ay mahalaga rin ang kaligtasan ng lahat kaya kailangang isaalaang-alang ang kakayahan ng bawat isa sa pagsasagawa nito.
Sa ikatlong yugto ng pagbuo ng CBDRRM Plan ay mahalaga ang pagkakaroon ng mga tamang datos sa naging pinsala ng kalamidad. Ang mga ito kasi ang
magsisilbing batayan para sa kasunod na yugto na ating tatalakayin, ang Disaster Rehabilitation and Recovery.

IKAAPAT NA YUGTO: REHABILITASYON AT PAGBAWI SA KALAMIDAD (Disaster


Rehabilitation and Recovery)
Nakapokus ang ikaapat at panghuling yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan sa rehabilitasyon at pagbawi o pag-recover mula sa naganap na kalamidad. Ang
pangunahing layunin sa yugtong ito ay ang pagpapanumbalik sa dating kaayusan ng nasalantang komunidad at ang pagbalik sa normal na daloy ng
pamumuhay ng mga mamamayang naapektuhan ng kalamidad.

Kaya naman sinusuri sa yugtong ito ang mga nararapat na mga gawain at hakbang para sa agarang pagsasaayos ng mga napinsala ng kalamidad.

Ang ilan sa mga pangunahing binigyang pansin sa yugtong ito ay ang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente at tubig, ng sistema ng transportasyon at
komunikasyon, at ng sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot. Kasama rin sa rehabilitasyon ang pagkukumpuni ng mga nasirang bahay, pasilidad, at
istruktura.

Nakapaloob din sa yugtong ito ang pagsuporta sa mga kabuhayang napinsala ng kalamidad at ang kaakibat na pagbabantay sa presyo ng mga
pangunahing bilihin. Mahalaga rin ang pagkakaloob ng psychosocial services upang matulungang malampasan ng mga biktima ang trauma na kanilang
dinanas at mabigyan sila ng pag-asa at lakas ng loob.

Sa pagbuo ng mga programa at plano para sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad, kailangan ang mga akma, konkreto, at sistematikong hakbang at
pamamaraan.

Sa pagpaplano at implementasyon ng mga programa ng pamahalaan sa bahaging ito ay napakahalaga ng pakikibahagi ng mga mamamayan at maging ng
iba pang sektor ng lipunan, gaya ng Non- Government Organizations (NGOs). (Basahin: Ang Mga Taong Nag-aambag sa Kapakanan at Kaunlaran ng Komunidad at
ang Mga NGO)
Tandaan na susi ang pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan sa mabilis at matagumpay na pagbangon mula sa pinsala ng kalamidad.
 May mga karapatan ang mga mamimili na maaring hindi nabibigyang pansin o lingid sa kaalaman ng publiko. Narito ang isang halimbawa ng karapan bilang isang
mamimili. Isang umaga habang nasa parke ang magkapatid na Tina at Gina.
 ha? akala ko nakabili ka na? kailangan niya uminom bago mag tanghalian. Tara na sa botika..
 Oo nga pala kailangan na uminom ni nanay ng gamot. Nakalimutan ko bumili kanina. Nawala sa isip ko
 Ipinagpatuloy ni Tina na ipaliwanag sa tindera ang mga karapatan ng mga mamimili... Naunawaan At naintindihan niyang mabuti ang lahat ng sinabi ni Tina sa kanya.
Umalis ng masaya ang dalawang magkapatidpara makauwe na sila... Wakas!!!!
 *Karapatang Dinggin- karapatang matiyak na ang karapatan ng mamimili ay lubusang isaalang alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
*Karapatang Bayaran at Tumbasan sa anu mang Kapinsalaan- karapatan bayaran at tumbasanang anumang kapinsalaan na nagbuhat sa prudukto na nabili.*Karapatan sa
Pagturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili- may karapatan ang consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan at ang panghuli * Karapatan sa
isang Malinis na kapaligiran- karapatan sa kalayaan pagkapantay pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay nang nagbibigagy pahintulot sa isang marangal at maayos na
pagkatao at IKAW ate may panangutan na pangalaagaan at pagbutihan ang iyong kapaligiran para sa kalusugan ng atin sanlahi......
 ngayon na alam ko na ang lahat,mapapangalagaan ko na din ang mga bumibili at maging ako bilang mamimili... salamat Tina at pasensiya na kayo sa got na aking binigay
 Ipinahayag lahat nila Tina at Gina ang bawat Karaptan ng mga Mamimili sa tindera sa botika para malaman at maunawaan ang bawat karapatan....
 karapatan sa panguanhing pangangailangan- may karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangailangang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang
mabuhay. *Karapatan sa Kaligtasan- karatpatan na bigyan ng katiyakang ligtas at mapangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makakasama sa iyong
kalusigam.*Karapatan sa patalastasan- karapatan mapangalagaan laban sa mapaglinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etika atip hidi wasto sa gawain.
*Karapatang pumili- karapatang pumili ng ibat ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo....
 Naku hindi ko alam na may karapatan pala ang mga mamimili!!!!
 "hala ka poh!!! buti na lang hindi pa naiinom ni inay kundi..."
 Sa bahay habang inaayos ni Gina ang iinumin ng nanay niyang gamot napansin niya na expired na ang gamot.
 "Salamat anak!"
 "Hala Expired na pala ito! Oct. 21, 2019 pa ito. Inay wag mo muna inumin, Hindi ko napansin ang expiration dahil sa pagmamadali namin ni Tina!"
 ano??? Bakit sila nagtitinda ng ganyan? Makakapatay sila ng Costumer!!!
 "Inay narito na iyong gamot. inumin mo na at makapag pahinga ka na sa kwarto
 "Dali daling bumalik sila Gina at Tina sa drug store para ipaalam na expired na ang kanilang tinitindang gamot. Dito na naipahayag ni Tina ang Walong karapatan ng
Mamimili"
 imposible ang sinasabi mo? Bawat gamot namin ay bago. Saka di ko na maaring kunin iyan dahil nabawasan na...
 Hindi pwede iyan sinasabi mo ate. Alam mo bang may inilabas ang DTI na walong karapatan ng mga mamimili para maging gabay sa aming mamimili???
 Tignan mo para malaman mo ate!! Di pwede ang sinasabi mo na hindi pwedeng ibalik.
 Ate alam mo bang itong gsmot ninyo ay Expired na? Bakit hindi ninyo tinitinda!!!
 Dito ipinaliwanag ni Tina ang walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksyon sa pamilihan. At naliwanagan ng maayos ang tindera sa
botika dahil maging siya ay nagiging isang mamimili din sa tuwing siya ay namimili. Kaya lagi nating tandaan na maging mapanuri at mapagmasid sa lahat ng ating binibili
at bilang isang mamimili.....
 Ate iyan ang iyon din pakatandaan. dahil bawat tao o mamimili ay may karapatan tayong dapat sinusunod. upang maging ligtas at mapayapa sa anumang kapahamakan.
maging alerto at mapagmasid sa ating binibili
 salamat
 Narito ang walong karapatan ng mamimili. 1. karapatan sa mga pangunahing pangangailangan2. karapatan sa kaligtasan3. kaqrapatan sa patalastasan4. karapatang pumili5.
karapatang dinggn6. karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan7.karapatan sa pagturo tungkol sa pagiging matalinong mamimili8. karapatan sa isang malinis
na kapaligiran

Mga responsibilidad ng mamimili (Consumer responsibilities)


Ang mga responsibilidad ng mamimili ay mga aksyon na dapat mong gawin upang masiguro na:

 
Ikaw ay sadyang sinabihan ng impormasyon bago bilhin ang isang produkto o serbisyo.

 
Nakukuha mo kung ano ang halaga ng iyong binili.

 
Anumang mga problema sa produkto o serbisyo ay nareresolba nang mabilis para sa iyongikasisiya.Bilang isang mamimili, responsibilidad mo ang:

 
Basahin ang mga tagubilin sa mga produkto at gamitin ang mga ito ayon sa kanilang mga tamangpaggamit. I-tsek ang kwalipikasyon ng mga nagbibigay ng serbisyo.

 
Magtanong ng mga kailangan mong impormasyon.

 
Alamin ang tungkol sa mga kalakal at mga serbisyong binibili mo sa pamamagitan ng pagbabasang mga ulat para sa mamimili (consumer reports), pagsunod sa mga balita
at pagtatanong ngmga katanungan.

 
Magkumpara ng mga presyo, alamin ang mga pagkakaiba ng mga produkto at mga serbisyo atmakagawa ng mga maalam na desisyon.

 
Ipilit ang isang patas at resonableng transaksyon kung hindi ka nasisiyahan sa iyong pinamili.

 
Tumulong sa pagtatatag ng isang malusog na kapaligiran sa pamamagitan ng pangangalaga nglikas na kayamanan at pagpili ng mga produktong hindi nakasisira ng kapaligiran.

 
Ipagbigay-alam ang iyong mga pangangailangan at mga inaasahan sa mga may negosyongnagbebenta ng mga produkto at serbisyo at sa pamahalaan.
Karapatan ng MamimiliKarapatan sa pangunahing pangangailangan.
 
 Karapatan ng mamimili na magkaroon ng sapat na pagkain, pananamit at nasisilungan; matugunan angpangunahing pangangailangan (kalusugan, edukasyon)

 
RA 7392 art. 2 proteksyon sa interes ng mamimili; itaguyod ang pangkalahatangkagalingan at buo ng pamantayan sa negosyo at industriya

 
RA 3452
 –
 national grain authority
 –
 NFA; Batas tungkol sa bigas

 
Karapatan sa kaligtasan.

 
Karapatan sa katiyakang ligtas ito laban sa pangangalakal ng panindang mapanganib

 
Artikulo 2187
 –
 pagkamatay, pagkalason, pagkakasalit at iba pang pinsala aypananagutan ng kompanya na pagproseso o gumawa nito

 
Artikulo 10
 –
 pagbabawal sa pagtitindia o pardidistribute ng mapanganib na produkto

 
Karapatan sa patalastas.

 
Karapatan laban sa mapanlinlang o madaya na patalastas, etiketa atbp.

 
Batas republika blg. 3940- parusa sa panloloko sa anunsyo para makuha ng malakingkita

 
Artikulo 1546
 –
 ang nagtitinda ay may pananagutan sa lahat ng kaniyang sinasabi atpinapangako

 
Artikulo 110
 –
 bawal ang mali at mapanlinlang na pag-aanunsyo

 
RA 3740
 –
 bawal ang pagaanunsyo ng pekeng produkto
Price tag law-
 kung ano ang nasa price tag, yun ang babayaran
Karapatan sa pagpili.
Ito ay tumutukoy sa karapatang pumili ng produkto sa kompetitibong presyo namay garantiya ng kalidad. Kung ipaglalaban at igagalang ang karapatang ito, makakaasa tayo
sahinaharap ng mas malawak na mapagpipilian ng produkto at serbisyo sa pamilihan na may pagkakaibang tatak, kulay, sukat at hugis na may pagkakaiba sa presyo, kalidad at
gamit.
Karapatan sa dinggin.
Artikulo 159
 –
 diringgin ang hinaing ng konsyumer na may kinalaman sa kanilang karapatan bilangkonsyumer
Karapatang mabayaran at matumbasan sa anumang kapinsalaan.
Mabayaran at matumbasan ang anumang kapinsalaang nagbuhat sa produktong kanilang binili.; dapatay mabigyan ang mamimili ng libreng tulong sa pagtatanggol sa hukuman o
ng pag-aayos sa maluwat napaghahabol

 Artikulo 1547
 –
 warranty
 

 Artikulo 187
 –
 warranty sa metals (e.g tamang karat sa ginto)Artikulo 40
 –
 gawaing bawal na may kaugnayan sa konsyumerismo.; parusa sa lalabag
Karapatan na maturuan tungkol sa pagiging matalinong mamimili.
Tamang kaalaman na pangmamimili; karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upangmakagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili

 Artikulo8- consumer product standardsArtikulo 154- edukasyong pagkunsumo sa mga paaralan
Karapatan sa isang malinis na kapaligiran.
Kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na kalagyann sa buhay na nagpapahintulot ng maayos atmarangal na pamumuhay

 Artikulo38- pagpapalaganap ng impormasyon tunkol sa pagkain, gamut o kagamitang kosmetikona nakakasama sa konsyumer; drug reference manual at drug bulletin
Pamantayan sa Pamimili:
1.
 
Isaayos at iatala ang bibilhin ayon sa kahalagahan2.
 
Suriin ang kondisyon ng gamit3.
 
Iwasang bumili ng gamit na hindi kailangan4.
 
Iwasan ang pagbili ng gamit na wala sa kondisyon5.
 
Lagyan ng hangganan ang pamimimili batay presyo6.
 
Magtanong tungkol sa tamang presyo ng produkto1.
 
7 .Isipin ang kapakinabangan ng isang bagay7.
 
Piliin ang wastong panahon ng pagbili8.
 
Piliin ang lugar kung saan dapat bumil

Vous aimerez peut-être aussi